XXVI.

19 2 1
                                    


(Reev)

"Kuyaaaaaa~"

Pumasok ako sa kanyang office. Sa isang sikat na bar. Opkors naman noh! Rich kid to.

"Reev yung boses mo naman."

Ngumuso ako at umupo sa couch.

Kapagod~

Napatingin si kuya sakin at kumunot ang noo.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nginitian ko sya at may pinakita.

"SAAN MO NAKUHA YAN?"

Lumapit sya sakin at pinilit na agawin ang hawak ko.

"Ano ba kuya! Lumayo ka nga~"

Tumayo ako at tumakbo.

"Reev!"

Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay.

Nagtataka siguro kayo no? Ang hawak ko lang naman ay picture. Picture ni Snow. Crush na crush nya kasi si Snow.

Hoy huwag kayo ha! Isang taon lang tanda naming dalawa kaya pwedeng-pwede. Pero hindi din. May Calloway na nga pala si Snow.

"Ano bang kailangan mo?"

Umayos sya ng tayo at nagcross-arm.

Affected talaga sya kay Snow.

"Bili mo a----"

"NO!"

Nagulat ako ng sumigaw sya at umupo sa kanyang inupuan kanina.

"Bakit naman? Ayaw mo ba? Limited edition to!"

Pinakita ko pa sa kanyang muli yung picture ni Snow. Nakatingin sya sa camera at nakangiti. Minsan lang kayang gawin yun ni Snow.

"Hindi pa rin. Sumusobra kana eh!"

Tinignan nya ako ng masama.

Nagkibit-balikat ako at umupo ulit sa couch.

"Bahala ka. Ang ganda pa naman ni Snow dito. Sayang din ito. Hindi mo maisasama sa collections mo."

Tinignan ko sya ng makahulugan at ngumiti. May collections kasi sya ng mga pictures at gamit ni Snow. Galing lahat yun sakin!

"Ano ba kasing ipabibili mo?"

This time hindi na sya makatingin sakin. Galing ko talaga!

"Libro!"

At doon ko sinabi ang detalye.

Inilagay ko na muna sa bag yung picture. Hindi muna nya makukuha ito kung wala pa yung gusto ko.

"Last na to ha!"

Tinignan ko sya at nginitian.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon