XVII.

22 3 0
                                    


(Celesti)

Arrrgh! Sakit ng ulo ko. Hindi naman ako naglasing pero bakit ganun?

Tumayo na ako sa kama at pumunta ng banyo para magayos sa pagpasok.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Shel.

Ewan ko ba. Pero gusto kong magsorry sya sakin.

Pagkatapos kong magayos dali-dali akong bumaba para makaalis na.

Sa coffee shop na lang ako magaalmusal.

Nagpahatid ako sa driver papuntang Cafe Ni Kwan. Hindi ko alam kung bakit yun yung name nya dahil wala namang kape silang tinda.

"Sige manong dito na lang po."

Bumaba na ako sa kotse at dumaretso na pagpasok.

Nagugutom na din kasi ako.

Pagkabili ko sa counter doon na lang ako pumwesto sa labas.

Hindi pa ako nakakasubo ng burger bigla na lang may lumapit sakin.

"Miss alam mo ba kung saan ang *tooooot* School?"

Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nakasumbrero.

"Ah manong doon po sa----"

Biglang may tumigil na van sa harap namin at hinila ako papasok. Magpupumiglas sana ako at hihingi ng tulong kay manong pero nakita ko sya na pumasok din ng van.

Wtf? Kasama sya dito?

Hindi ko namalayan na tinakpan na nila ang bibig at ilong ko ng panyo.

Shit! Alam ko na to!

Unting-unting pumikit ang mata ko.

Ang sakit sa ulo ng amoy.

Hindi ko namalayan.... nawalan na ako ng malay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako dahil sa ingay at sigawan.

Tae! Wala akong makita!

"Dyan muna kayo!"

Bigla akong nakarinig ng pagsara ng pinto.

Mukhang wala na yung mga goons. Pero may mga tao pa rin dahil sa naririnig kong paghinga.

"M-may tao ba d-dito?"

Nakarinig ako ng kaluskos kaya napapikit ako ng mariin.

Mom, Dad nasaan na kayo?

"A-ate?! Ate ikaw ba yan?"

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

Shel?

"Shel?! Shel ikaw ba yan?"

Pinakinggan ko munang mabuti ang nasa paligid ko.

"Psh. Ang drama nyo."

Napakunot ang noo ko. Sino yun?

"Calloway? Ikaw ba yan?"

May narinig akong umubo. Parang may dumura.

"A-ate C-celesti. Na-nandito ako."

Wait? Bakit ganun sya magsalita.

"Pwede ba?! Manahimik kayo!"

Napakunot ang noo ko sa sumigaw. Sino ba yun?

"Sino ka ba?"

Rinig kong sabi ni Shel. Mukhang naiinis na din sya.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon