XXX.

9 1 0
                                    


(Celesti)

"BABEEEEEE~"

Napatakip agad ako sa tenga ko ng marinig ko ang sigaw ng bruha na yun mula sa labas. RIP sa mga tenga dito sa clinic.

"Hay nako! Ang mga kabataan nga naman. Kung ipagsigawan ang mga kasintahan nila wagas!"

Napatingin ako sa nurse at napatawa. Ano daw?

Biglang pumasok sila Reev dito. Lumapit agad sakin ang bruha at hinimas-himas ako.

"Anong masakit sayo? Saan ang masakit?"

Napairap na lang ako.

"Bitawan mo nga ako! Nakakadiri ha?"

Ngumuso naman sya at umupo sa kama.

"Ano ba kasing nangyari?"

Napatingin ako kay Shel ng bigla syang magsalita. Bigla akong napanguso ng maalala ko yung pangyayari na yun.

"Nadulas kasi ako."

Bigla silang tumahimik ng sabihin ko yun.

"Ba-----"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHA"

Bigla akong narindi sa tawanan nila. Mga walanghiya!

"Na-nadulas ka? Pffft."

Binatukan ko naman agad si Reev. Ang OA nila grabe!

Kaibigan ko ba talaga sila? Mukhang hindi.

"TUMAHIMIK NGA KAYO!"

Napatahimik silang lahat samantalang ako nakakunot na ang noo. Nabubwiset ako.

"Hindi nyo ba alam ang nangyari sakin ng mga panahon na wala kayo? Naging miserable ako!"

Tinuro ko pa sila isa-isa.

Bigla namang pumalakpak si Reev.

"Galing besh! Idoool~"

Napangiti naman ako at nagpacute.

"Thank you! Small thing!"

Binatukan ko naman sya. Walanghiya iniiba nya yung usapan!

"Bakit ba kayo nandito?"

Pagaalboroto ko. Gusto kong magpahinga!

"Tumawag si dad kanina. Hindi daw itutuloy yung party."

Napahampas agad ako sa kama.

"ANO?"

Napaatras naman sila agad.

Bakit hindi itutuloy? Nakakainis naman si Dad eh.

"Makasigaw naman! OA ne'to." Reklamo ni Shel.

"Bakit kasi hindi tuloy? Anong nangyare?" Natataranta kong tanong.

"Hindi namin alam. Walang nakakaalam." Nagkibit balikat pa si Dos. Pero halata mong masaya sya kasi napapangiti sya.

Napaface-palm ako. Jusko naman! Kung kailan gusto kong magparty. Kainis!

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon