XXXI.

11 2 0
                                    


(Celesti)

"Yes coach?"

Umupo ako at nginitian sya.

"Give me-----"

*kriiiiiing*kriiiiiiing*

Napabuntong-hininga ako. Buti naman may tumawag pa sa kanya.

Nagexcuse sya samin at kinausap na yung tumatawag.

"Captain..."

Napatingin ako kay Daryll. Isa sa mga kateam ko.

"Oh?"

Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nasa lapag.

"Ok ka lang po?"

Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo.

"Oo naman. Bakit?"

Umiling lang sya at kumuha na lang ng bola.

Pero may napapansin talaga ako eh.

"Oo nga pala. Diba ngayon ang try-out? Bakit wala yung mga sasali?"

Tinignan ko pa yung buong paligid. Wala man lang bakas ng ibang tao.

"Ah. Natakbo ngayon sila sa buong school."

Napakunot ang noo ko. Natakbo? Bakit?

Hindi pa ako nagtatanong ng umingay na ang paligid.

May mga pumasok. Ang basketball players ng boys at mga taong hindi pamilyar sakin.

"Nandyan na pala sila."

Napatingin ako kay Dharren ng makita ko syang nakangiti. Problema ne'to?

Lumapit sakin si coach. Shit! Baka sabihin na nya ang kaparusahan ko.

"Celesti... Bilang kaparusahan sa pagiging lutang mo at pagkalimot sa try-outs, ikaw muna ang magaasikaso sa basketball boys and girls. Magiging busy kasi ako ngayong week kaya ikaw muna. Simulan mo na ngayon. Sige aalis na ako."

Umalis na nga si coach.

Napatulala ako.

Wala na bang maslalala sa paghandle nito? Ok lang sana kung girls lang. Bakit pati boys?

Napakamot na lang ako sa noo.

"OK! MAGHIWALAY ANG BABAE SA LALAKI! NOW!"

Sumunod naman agad sila pero sobrang bagal.

"Wala na bang bibilis dyan? 1! 2! 3! 4!"

Nagmadali naman agad sila.

Yung mga players naman umupo sa may bench. Walang may gustong tulungan ako dito.

"LAHAT NG GIRLS PUMILA KAYO. GANON DIN ANG BOYS! NOW!"

Nagmadali silang pumila. Mga hindi alam ang gagawin.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon