III.

35 6 0
                                    


(Reev)

Omg! Yun pala yung mga kapatid ni Babe. Im so kinikilig kay Clasimir \*o*/

"Hoy babae! Makatingin ka naman sa mga kapatid ko!" Bigla akong hinampas ni babe.

Napanguso naman ako. Ang damot naman neto.

"Ang damot mo! Masama bang magkacrush sa kapatid mong si Clasimir? Single naman yata sya."

Naghalumbaba ako habang nakatinging kay Clasimir.

Recess ngayon at nasa malaking canteen kami ngayon. Dapat kasi magkakasama kami dito sa iisang table sabi ni babe kaso nga lang epal yung iba naming kaklase at hinila na lang bigla sa ibang table! Grrrr! Kung alam lang nila patay na sila sa isip ko.

"Kung alam mo lang.." Kumain na lang ulit sya.

Napansin ko naman si Snow na tahimik. Teka? Bakit ko mapapansin eh tahimik naman talaga toh. Nababaliw na yata ako!

Umiling-iling ako. Kinuha ko na lang yung earphone ko at magssound trip na lang. Kakabored dito! Gusto ko sanang kumain kaso baka naman HAHAHA WALA PALA.

Ilalagay ko na sana yung earphone sa tenga ko kaso nakita ko si LJ na parang may hinahanap. Hindi naman ako nagalinlangan na tawagin sya.

"LJ!" Tinaas ko pa yung kamay ko para makita nya ako. Alam nyo naman ang height ko.

Napatingin naman sya dito at ngumiti. Pero napatawa ako kay Celesti. Nataranta na sya nung narinig yung pangalan ni LJ HAHAHA.

Lumapit naman agad sya at umupo kalapit ni Celesti. Si Celesti naman biglang umusod palayo. HAHAHA

So ang pwesto namin katapat ko si LJ, kalapit nya si Celesti, at katapat naman ni Celesti si Snow na naputulan na yata ng dila.

"Buti na lang nakita kita beks! Wala akong mahanap na upuan eh." Pabaklang sabi nya.

"HAHAHA by the way papakilala ko sayo yung dalawa kong bestfriend!" Nagulat naman si Celesti at napatungo. Si Snow naman wala lang, nakatingin lang sa phone nya.

Hinawakan ko naman sa balikat si Snow at alam kong nagulat sya.

"Eto! Eto si Snow! Ang ganda diba? Pero mas maganda ako sa kanya HAHAHA." Napapokerface naman si Snow.

Nagshake hands naman yun dalawa at nagngitian.

Bigla ko naman tinuro si Celesti.

"At yan! Sya si Celesti! Ang oh-so-lovable-person sa klase natin. Matalino yan. Pareho kaming maganda nyan!"

Sinamaan naman ako ng tingin ni babe pero ngumiti lang ako ng malawak. HAHAHA

Makikipagshakehands na sana si LJ sa kanya pero nagulat lahat kaming nasa table dahil bineso ni Celesti si LJ. HAHAHA Hokage girl eh?

"Hi!" Sabi ni Celesti with Pabebe wave.

Wtf? Kailan nya yan natutunan?

Nagkatinginan kami ni Snow at sabay na nagpipigil ng tawa.

Yung dalawa naman close na agad sa isa't-isa kaya kami tuloy dalawa ni Snow napatahimik na lang at nakikinig.

"Ay! Fav. ko din yun. HAHAHA" ang saya nila -_-

Napatingin ako sa watch ko at magttime na.

"Hey guys magttime na. Lets go?" Bored na sabi ko sa kanila at tinuro ko pa yung watch ko.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon