XXXVIII.

1 1 0
                                    

(Celesti)

Tatlong araw na simula ng magtapat si Brick. At tatlong araw na din akong umiiwas sa kanya at pati na rin kay Serge na walang ginawa kung hindi asarin ako. Akala mo walang nangyari.

"Ate panget! Nandyan na sundo mo!"

Napatigil ako sa pag-aayos ng marinig ko yung sinabi ni Shel. Sundo? Wala akong maalala na may susundo sakin.

Binilisan ko na lang ang pag-aayos ng gamit ko. Intrams na pero parang wala lang sakin dahil wala akong ganang maglaro ngayon. Ewan ko ba pero ewan talaga!

Bumaba na ako at nakita ko dun si Shel at Dos na palabas na.

"Hoy pasabay!" Tawag ko sa kanilang dalawa. Lumingon lang sila at naglakad na ulit.

Problema ng dalawang yun? Snober.

Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko pa nabubuksan ng maayos yung gate ng saraduhan ko ulit ito.

Shiiiit! Bakit sya nandito?

"Celesti?" Napapikit ako ng marinig ko yung tawag nya. Hindi pa ako handa beshie.

"Ba-bakit? I mean.. Bakit ka kako nandito?" Sigaw ko para marinig nya. Para akong tanga na nagtatago dito sa gate.

"Gusto kitang sunduin. Tsaka gusto kong mag-usap tayo.... Pwede ba?" Napatigil ako. Bakit nga ba ako naiwas? Napakamot na lang ako sa ulo at unti-unting binuksan ang gate.

Nginitian ko sya at ganun din naman sya. Pero nawala ang ngiti ko at agad tumakbo.

"Mamaya na lang! Malalate na ako sa laro eh! Bye!" Sabi ko at agad pumara ng taxi.

Hay salamat! Ano ba naman yan! Ang hirap palang umiwas. Pero syempre hindo ko naman sya laging maiiwasan eh. Pero late na talaga ako sa laro!

Oo nga pala. Ibang school ang makakalaban namin. Ang gagamiting court ay yung sa aming school kaya hindi na ako mahihirapan. Ano na kayang nangyayari doon?

"Nandito na po tayo." Napabalik ako sa reyalidad at oo nga. Nandito na nga ako. Ano ba naman yan!

"Ah eto po bayad. Salamat!" Agad akong bumababa sa taxi at tumakbo na papasok.

Mabuti na lang pala suot ko na yung jersey ko. Hindi ko na kailangang magpalit.

Pagkarating na pagkarating ko mukha agad ni Dharren ang sumalubong sa akin.

"Ano
ba naman yan! Ilayo mo nga yung mukha mo sakin." Sabi ko at pilit na inilalayo yung mukha ko sa kanya.

"Che! Teka lang. Blooming ka yata ngayon?" Pagtatanong ni Dharren kaya napahawak ako sa pisngi ko.

"Tigilan mo ako kung ayaw mong maparusahan." Sabi ko at umalis na. Pumunta akong locker room.

"HELLOOOOO~" bati ko sa lahat ng kateammates ko. Masyado akong masigla ngayon kaya wala dapat manginis sakin.

"Hi Captain!" Masaya din nilang bati.

Napangiti naman ako. Good mood kaming lahat kaya mukhang maganda ang laban mamaya.

Bigla kaming napalingon sa pinto ng pumasok dito ang hindi pamilyar na mga mukha. Pero base sa suot nila nakajersey din sila pero mukhang sa ibang school sila. Siguro ito yung makakalaban namin.

"Hi!" Bati nung nauuna sa kanilang lahat. Ito ba yun captain? Infairness medyo matangkad sya. Pero wala akong paki.

"Hello. Welcome to Sena Academy." Sabi ko at inilahad ang kamay ko pero tinignan nya lang ito. Napakunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang pagiging bastos nya ha.

Dahil sa hindi naman nya inabot, binaba ko na lang ang kamay ko.

"Ikaw ba ang captain nila?" Tanong nito sa akin. Eh ano naman sayo?

"Oo." Tipid kong sagot. Gusto nya ng bastusan? Pwes bibigyan ko sya.

Hinead to toe nya ako at ngumisi.

"Hindi ka mukhang pang captain. Masyado kang mahina. Paniguradong matatalo na kayo." Mayabang na sabi nito kaya agad na uminit ang ulo ko. Ang ayoko sa lahat ay ang hinuhusgahan kami at minamaliit.

"Eh ikaw? Mukha ka bang pangcaptain? Ang alam ko ang isang captain ng isang team ay may disiplina at respeto kahit na kanino. Pero sa pag-asta mo mas masahol ka pa sa hayop sa pagiging bastos mo. Tandaan mo nasa teretoryo ka namin kaya huwag mo kaming mamaliitin. Kapag hindi ako nakapagtimpi hindi ako magdadalawang isip na ipabugbog ka." Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama.

Biglang nagbukas ang pinto pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa mayabang na captain na ito.

"Ate panget?" Napalingon lahat sa boses ng tumawag. Mukha namang nagulat si Shel dahil hindi nya siguro inaasahan na nandito ang makakalaban namin.

"Bakit?" Tanong ko at tumingin sa mga bastos na ito. Mukhang gwapong-gwapo sila sa kapatid ko ha?

"Magsisimula na daw ang program." Sabi nito at lumabas na. Tinignan ko muna ng isang beses ang mga kalaban namin at agad na sumunod kay Shel.

"Captain?" Napatingin ako kay Dharrem ng sumabay sya sa paglalakad sakin.

"Ok lang po ba kayo? Psh. Nakakainis yung team na yun. Ang yayabang!" Inis na sabi ni Dharren kaya napangisi ako.

"Hayaan mo na yun. Malalaman na lang mamaya kung sino talaga ang mahina at magaling." Sabi ko habang nag-iinat.

Naghintay lang kami na tawagin.

"Hello everyone! Welcome to Sena Academy!" Naghiyawan ang mga tao. Hanggang ngayon nandito pa rin kami sa may labas.

"SA TINGIN NYO SINO ANG MANANALO?!" Sigaw ng MC kaya mas lalong nagkakaingay. May sumisigaw ng pangalan ng school namin at meron din naman sa kabilang school.

"ANG CHUA ACADEMY BA?!!" Madaming sumigaw.

"O ANG SENA ACADEMY?!!" At mas lalong lumakas ang sigawan.

"HUWAG NA NATING PATAGALIN ITO! PLAYERS? PLEASE COME IN!!!" Pagkasabi-pagkasabi ng MC ay agad akong tumakbo papasok. Sobrang dami ng taooooo! Ang daming sumisigaw. Nakacolor blue at red ang mga tao. Nasa right side ang red at nasa left side naman ang blue. Kami ang red.

"MINNIE! MINNIE! MINNIE!" Sigaw ng mga kaschoolmate ko. Minnie ang pangalan ng team namin. Sino pa ba ang mag-iisip nyan? Syempre ang captain nila.

Nakita ko yung mga kaschoolmate ko nakaminnie mouse headband. Hihihi so cute.

"BLUE DUCK! BLUE DUCK! BLUE DUCK!" Sigaw naman sa kabila
Tinignan ko ang captain ng kabilang team. Nakangisi sya habang nakatingin sa akin.

Nginisian ko sya.

"LET'S THE GAME... BEGIN!!!"

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon