XXI.

11 2 0
                                    


(Celesti)

"YAAAAAAAAAAAAAWN~"

Bigla na lang may nambatok sakin. Kaya napatingin ako sa taong yun.

"Aray ko!"

Tinignan ko ng masama si Reev. Bigla na lang mambabatok dun.

"Ang OA mo humikab. Tsaka kanina ka pa ginigising ni Casimir! Umuwi ka na daw."

Napatingin ako kay Dos na nakahiga pa rin sa kama.

Ilang araw na din ba? Linggo? O buwan? Hindi ko na mabilang simula ng mangyari yung kidnapan na yun. Tahimik na naman buhay namin dahil nakakulong na yung bruhilda. Ang anak naman nya dinala sa mental dahil sa kabaliwan. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun.

"Ano na bang score nyo ni Shel? Hmm?"

Nginitian ko pa sya ng mapangasar. Binato naman nya ako ng towel.

"Hoy anong sinasabi mo dyan?"

Inirapan ko na lang sya at uminom ng tubig.

Kamusta naman daw si Snow na walang lovelife? Naghihintay pa rin sya sa pagdating ni Dos. Kahit nandito lang naman talaga si Dos.

"Edi ni Ahmet na lang."

Namilog ang mata nya at lumapit sa akin.

"Speaking of that nerd. Nabasa ko ang status nya sa facebook! Pupunta daw sya sa concert ng BTS!"

Napangiwi na lang ako sa biglaan nyang pagsigaw.

"Tigil tigilan mo yang pagsigaw mo. Parang hindi ka babae."

This time ako naman ang nambato sa kanya ng towel. Itsura nya pa.

"Hindi ka ba natutuwa? PUPUNTA SYA!"

Napairap ako at tumayo. Inayos ko ang higaan ni Dos.

"So? Anong gusto mong gawin ko? Mahalin ko sya ganern?"

Tatawa-tawa kong sabi. Umiwas naman sya ng tingin.

"Ah. Ano kasi. May sinabi kasi sya."

Tinitigan ko sya habang kinukutingting nya yung kuko nya.

"Bakit ka nahihiya? Baka mapudpod yang kuko mo ha."

Sinilip ko yung kuko nya pero agad naman nya itong itinago.

"Ha? Hindi ah. Umalis ka na nga! Ako na magbabantay kay Calloway."

Umupo sya sa tabi ni Dos at naghalumbaba.

"Ok hahaha. Sabihin mo sakin kapag kayo na ha?"

Sinarado ko agad ang pinto at pumikit. Mahirap na baka mabato pa ako ng unan nun.

Pagmulat ko tumambad sakin ang gulat na gulat na mukha ni Brick. Anong ginagawa nya dito?

"Itsura mo? Para kang nakakita ng multo."

Naglakad na ako papuntang elevator dahil mataas din itong floor na'to.

"Tiyamyloves saan ka pupunta?"

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon