i. ill be gone

139 7 2
                                    

"Lord, bat ganto? napaka pogi niya po talaga" Dasal ko sa mini chapel dito sa school namin. "prayer room" kung tawagin.

"Hoy Dianne! tinutunaw mo nanaman siya" Si Mariel yan sabay tulak sakin.

Nakadungaw kasi ako dito sa binta ng prayer room sa second floor. Nandon lang naman si crush nag lalaro ng basketball. Ang hot lang.

"Tss dakilang epal ka talaga noh? Tara na nga punta na tayo sakanila" Ako sabay tayo. Pupunta kami sa katabing room nito.

"SSC room"

Yes, officers kami ng school. kaming barkada. Cool right? people say na squad goals daw talaga kami.

So lemme introduce our squad named: Buhs

"Bat ang tagal niyo?" Joy Daniela Pascual. Yan si boss. She's not the leader but she always act like one. I mean, sa squad namin walang leader, walang nangunguna pero si Joy yung tipo na kaya gumawa ng desisyon para sa grupo. Independent na tao kasi yan.

"Diba sa prayer room lang naman kayo galing?" Sofia Ivy Valdez. Muse yan. Lumalaban sa ibang school when it comes to modeling. Famous sa mga fb and stuffs. Well lahat naman kami maganda.

"Hulaan ko kung bakit kayo nagtagal" Chesca Marie Martinez. She's the smartest. Lahat kami running for honor student pero siya always number one. Matalino talaga siya but she's not a nerd. Minsan nga di yan nag rereview eh.

"Kasi tinitigan pa ni Dianne ang ultimate crush niya" Sabay na sabi ni Andrea Kenzie Martin at Chloe Fancy Gonzales. Nag katinginan pa silang walo at tumawa.

I forgot to warn you that they are kinda bullies

Si Andrea ang pinaka bata samin, mga 1 one year or less? Madalas sabog yan. Mahirap kausap. Chloe naman ay, lost. Minsan kasi papasok siya na parang "where the hell I am?" lagi ang look niya. Parang new born baby. They both fangirl international bands.

"Waaah natumpak niyo shet" Mariel Chandy Rusca. Walwal siya, as in. Siya yung hindi mauubusan ng trip pero isa din siya sa pinaka mabait. Siya yung fangirl buddy ko. Parehas kami ng idol eh.

"oh napansin ka na ba?" Raya Sab Castro. Mataray masungit and everything. Si Joy masungit din pero hindi palagi. Eto kasi makikipaglaban talaga pag alam niyang may point siya, laban kung laban.

"Grabe kayo kay Dianne" Stefanie Andy Mendoza. Aniya sabay kindat sakin. Magaling mag bigay ng advice sumunod sakin. Magaling din kasi ako. Di ko alam kung magaling ba talaga siya kasi di pa naman niya ko nabibigayan ng advice because i have no boyfie.

"Tama na nga yan, mag meeting na tayo" Lucy Euri Buena. She's the 'nanay'. Tinuturing siyang nanay nung walo. Ako hindi kasi bago pa mabuo ang Buhs mag bestfriend na kami. Siya yung pinaka understanding kaya nanay siya.

Kumapit ako sa braso ni Lucy sabay belat sakanilang walo.

"Yan mga chismosa kasi kayo" Sabi ko sabay upo sa pwesto ko dito sa long table na pag me-meetingan namin.

Napailing nalang silang siyam tapos parang natatawa tawa pa. Grabe talaga sila pag dating sa lovelife ko.

"Ma! Dito na po ako!" sigaw ko habang pumapasok sa kwarto ko. Nagpapahinga na siguro silang lahat.

Si ate Niks nalang kasi naabutan ko kanina sa sala na gumagawa ng thesis niya kasama si kuya Angelo. Kapatid ni Mariel. They're in a relationship.

Wala namang nangyari dun sa meeting kanina. Actually para ngang walang meeting eh. Nag usap usap lang kami about sa mga ipapa-implent namin then we spend the rest of the time talking about the vacation we had last summer.

So this is it? hay fourth year highschool na talaga ko. Bukas na ang start ng nakakastress na life.

————————————————

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon