"Lolooooooo!!! Lolaaaaaa!" Sigaw ko pag ka pasok namin ni Eli sa bahay. Binitawan ko yung kamay niya at dali daling tumakbo papunta sa sala kung saan naka upo si lolo kasama ang buong pamilya ko.
"Apo hahaha" sinuklian niya yung yakap ko. "Mukha ka ng tao!" Nag bibirong sabi niya. Napahiwalay naman ako sa yakap at kunot noong tinignan siya.
"Grabe lo, ilang buwan ka lang nawala. Kung makapang lait sa mukha ko wagas ah!" Nakapout kong sabi tsaka nilapitan at isa isang binati ang mga kamag anak ko.
"Hi lola namiss kitaaa!"
"Dianne, papasukin mo naman si Elijah!" Pangaral sakin ni papa ng mag kiss ako sa pisnge niya.
Hala si Eli!
Binalikan ko siya sa may pinto. Naka simangot na siya.
"Sorry" hinila ko na siya sa papunta sa sala para mapakilala kala lola at sa mga pinsan at tita tito ko.
"Uhm, si Eli po pala"
"Magandang gabi po..." wow ang pormal naman niya bigla hahaha.
Pilit kong pinipigilan ang tawa ko. Napansin ata ni Eli na trip ko siya kaya kinurot niya yung tagiliran ko.
"Aray! Hahahaha" hinampas ko rin yung kamay niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya humarap na ko kay lolo.
Parang konting harot lang sakin ni Eli nawawala agad yung tampo ko sakanya.
"Dianne, ano mo si Elijah?" Seryosong tanong ni lolo na nakapag pa tahimik sakin.
"Uhm ano Lo, ano po...." ano nga ba? Baka pag sinabi kong ka MU sabihin niya maharot ako, I mean sasabihin nito bakit ako pumayag na mag settle lang sa pagiging ka-mu. Pag sinabi ko namang mag kaibigan di siya maniniwala kasi isa siya sa mga pinag kkwentuhan ko nung crush ko palang si Elijah. Lalo namang di boyfriend dahil, di pa naman talaga.
"Ano?" Biglang sumilay ang ngisi sa labi ni lolo.
Inaasar niya ba ko?
"Lo naman!"
"Manliligaw po, sir" sabat ni Eli.
"Ooooh, Di ka pa sinasagot ng apo ko? Eh bago ko umalis baliw na -----"
"LO!" saway ko kay lolo. Pinitik naman siya ni lola habang tumatawa.
"Oh? Hahaha nag sasabi lang ako ng totoo? Hahaha"
"Tss. Nasan nga po pala si Drag tita?" Pag iiba ko ng usapan.
"Sino si Drag? Lalaki yun?" Tanong ni Eli.
"Malamang babe, Drag nga diba?" Sumimangot naman siya
Pati ba naman si Drag? hahahahaha
"Ah. Kasama Tito mo, papunta na -----"
Bago niya pa matapos yung sasabihin niya may narinig na ko na iyak sa may pinto.
"Baby Draaaaaaggggg!!!!" kinuha ko si Baby Drag mula kay Tito. Dragon yung name niya pero baby drag tawag ko. 1 yr and 6 months pa lang siya pero ang chubby niya tas ang puti pa. Parang marshmallows.
"Baby? Kala ko kung sino" Natatawang sabi ni Eli.
"Yes."
Hinele ko si baby hangang sa nakatulog na siya.
"Favorite ka talaga niyang pinsan mo...." sabi ng mama ni Baby Drag. Tumawa lang ako tas inabot ko na siya kay tita.
"Eli, nakita mo naman. Pwede na maging nanay tong apo ko, pero kahit ganon ayaw ko pa magkaron ng apo sa tuhod ha" ano kayang pinakain kay lolo sa Canada? Parang lumala siya hahahaha.
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.