a/n: sorry po kung natagalan.
————————————————
"Tara buhs! Picture muna tayo!" Sabi ni Sofia sabay bigay ng phone niya kay Allen.
Pumila kaming sampu sabay smile.
"Okay na yan!" Naiinip na sigaw samin ni John.
"Teka last na promise!" Sabaysabay kaming sampu nag wacky. Yung naka peace sign something.
"Tara na! Gusto ko na mag swimming!" Hinila na ni Louise si Chesca. Sumunod rin naman yung ibang boys sa paghila sa mga girlfriend nila.
Habang nag tatakbuhan yung siyam kasama yung mga boys eto kami ni Eli nahuhuli sa lakad papuntang pool area.
"Marunong ka bang mag swimming babe?" Tanong ni Eli.
"Yaas. Pero hindi naman sobrang galing" Ang alam ko kasi marunong tong si crush ng mga strokes. Lumalaban to tuwing intrams sa swimming eh.
"Oooh, basta pag di mo kaya sa malalim wag mong pilitin ha?" Napalingon ako sakanya ng sabihin niya yun. Diretso lang yung tingin niya sa mga kaibigan namin. Habang yung kamay niya nasa baywang ko.
Ang tangkad talaga niya. Kinaylangan ko pang iangat yung ulo ko para matitigan ko ng maayos yung mukha niya.
Ang perfect niya bakit ganon? Chinitong mata pero napaka expressive, matangos na ilong, mahahabang pilikmata, mapupulang labi at yung jawline niyang lalong nag papalalaki sa itsura niya.
Nagulat ako ng lumingon din siya sakin kaya napuyuko ako.
"Sus, hanggang ngayon ba nahihiya ka parin sakin?"
"Syempre..." baliw ba siya? Ultimate crush ko kaya siya.
"So totoo pala yung sinabi sakin nila Red?"
"Huh?"
"Sinabi nila sakin na crush mo daw ako simula nung grade 7 ka palang?" Narinig ko pa yung pag chuckle niya.
Alam ko namang halata niya yon pero wala kong idea na sinabi pala talaga nila Red sakanya.
"Lah? May ganon ba?" Nakakahiya namang aminin sakanya no. Kahit alam niya na.
"Weh? Wala ba talaga?" Nakita ko pa na tumaas yung gilid ng labi niya.
"Uy ayun na yung pool oh! Tara na daliii!" Bigla kong sabi ng matanaw ko yung pool. Tinangal ko yung kamay niya sa baywang ko tsaka ko siya hinila.
Buti nalang di niya na ulit binalik yung topic na yun. Narinig ko nalang yung pagtawa niya
"Buuuhs! Dito kayo dali!" Aya namin ni Raya sa ibang buhs.
Si Sofia, Stef, Andrea, Chesca at Mariel kasi nandon lang sa may 5ft. Habang kami ni Raya nandito sa pinakamalalim na part, 10ft. Si Chloe, Joy at Lucy naka upo lang sa may hagdan sa mababaw. Tinatamad ata.
"Wag na! Masaya na kami dito" sabi ni Chesca.
"Steeeef! Tara dali!" Mahilig din si Andrea at Sofia sa malalim pero di nila trip ngayon e.
"Heh! Di niyo ko madadala diyan!" Sigaw niya sabay langoy papunta dun kala Lucy.
Langoy ba tawag dun? Sisid tapos hahawak sa pader. Saming sampu siya yung pinaka takot sa swimming.
Sumisid ako palapit kay Raya. Umakyat kasi siya dun sa parang board sa gilid ng pool. Yung tatalunan mo tas babagsak ka sa pool.
"Dianne! Try mo dali" aya niya sakin ng makatalon na siya.
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.