xiv. ill be gone

56 6 12
                                    

a/n: vote and comment pls hihi.

Para nga pala to sa mga masugid kong tiga comment hihi _stkcheriss skylryc ingribirds_
----------------

"Ready na ba lahat Dianne?"

"Excited na ko bukaaas!"

"Intimate diba?"

"Buhs, boys and yung relatives mo lang?"

Nasa 2nd floor kami, papuntang ssc room. May meeting kasi sa SSC ngayon.

Buhs are talking about my birthday, which is tomorrow na.

It will be a simple birthday party. As in. Family, Buhs with their boyfie, Jayjay, Lance and Eli ofcourse. Kinakabahan nga ko para sa pag uusap nila ni papa e.

"Yup. Tayo tayo lang. 3-6 pm daw sabi ni Mama kasi kainan lang, kamustahan. After that pwede daw mag overnight kasi 4th yr nanaman daw tayo" kwento ko sakanila.

"Hala! Talaga ba?"

"Pumayag ba sila tita na kasama yung boys sa overnight?"

"Oo nga, di naman sila mag iinom eh"

Hindi sila masyadong excited. Pag nagkataon kasi eto yung unang overnight ng buhs, kaya ganyan kami ka atat.

"Yah, pumayag sila. Pero sabi ni papa mag lalatag lang daw siya ng 4 na tent kasi sa may garden daw tayo matutulog"

Nung una ayaw ko pang pumayag na sa garden kasi malamok don. Pero okay narin para pwede kami makapag laro laro bago matulog. Tipid din kasi di na kaylangan ng aircon kasi malamig na. September na e.

"Tsaka sabi ni papa kahit papano babantayan niya daw tayo."

Yung mga masasaya nilang mukha parang nabagsakan ng mundo dahil sa sinabi ko. Hahaha.

"Ha? Bat naman daw?"

"Pag may emergency lang naman daw. Yung bintana kasi ng kwarto nila ni mama kita don yung garden. Tsaka kilala niyo naman si Papa at Mama. Di naman sila kj no"

"Omg. Im so ready na talaga" ang conyo ni Chloe hahaha.

Malapit na kami sa SSC room ng matanaw ko sa quadrangle si Ate Ericka.

"Dianne, si Ate Ericka ata yun?" Napansin rin pala ni Chesca. Kasama yan si Chesca sa mga nagagandahan/napopogian sa angkan ni Eli.

Sinenyasan ko yung buhs na mauna na sa loob. Wala pa naman si Maam Chow e.

"Mabilis lang to. Babalik din ako"

Tumabok na ko pababa para malapitan ko si ate Ericka. Parang may hinahanap siya.

Naka faded blue turtle neck siya sa pangtaas then high waist pants. Fab.

Nahiya naman ako sa haggard kong itsura.

"Ate Ericka, hi po"

Nilingon niya naman ako.

"Dianne! Hi"

Ibang iba talaga siya pag nakilala mo na. Sobrang masiyahin siya, pero pag sa pictures mo ibabase para siyang masungit.

"Hinahanap niyo po ba si Elijah? May class papo ata siya"

"No no. Ikaw talaga sinadya ko"

Hala? Wala naman akong ginawang masama diba?

"P-po? Bakit po?"

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon