"Kumalma ka nga Dindi" nandito kami ni Jayjay sa may garden.
Tapos na yung dinner. 7pm na at nag uwian na lahat ng mga relatives ko. Sila ate nasa kwarto na rin nila. Yung buhs and boys nag swiswimming sa pool namin dito. May pool kami kasi yung 2 young sisters ko swimmers, dyan sila nag papractice.
Kami nalang naiwan ni Jayjay na hindi nag swiswimming. Ayaw niya daw kasi ako iwan, mukha daw kasi akong kabangkaba.
Mga kalahating oras na kasing nag uusap si papa at Eli dun sa sala. Ayaw nila kong pasalihin sa usapan ang unfair.
"Pano pag ayaw nila kay Eli?" Nakasandal yung ulo ko sa balikat niya. Nakaakbay siya sakin. Pinapanood lang namin mag harutan yung mga kaibigan namin.
"Kilala mo naman papa mo. Lahat gagawin non mapasaya ka lang"
Di ko na siya sinagot. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit kasi namiss ko siya. Na miss ko tong bestfriend ko! Naging busy kasi sa school pati kay Cherry e.
Totoo naman yung sinabi niya. Papa's girl ako. Nung pinanganak daw ako ni mama wala si papa kasi nasa abroad. Pero mas close ako sakanya. No. What I mean is parehas silang close sakin pero mas si papa kasi mas showy.
"Aba nag lalambing ang Dindin koooo" nang-gigigil niyang sabi sakin sabay yakap rin ng mahigpit.
"Namiss po kasi kitaaaa" grabe talaga. Miss ko talaga siya.
"Mas namiss kita hahaha" hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko saka tinap yun.
"Ehem" napatayo ako ng marinig ko yung pekeng ubo sa likod namin ni Jayjay.
"Eliii!" hinila niya ko papalapit sakanya tsaka ako inakbayan.
Humarap ako sakanya "Anong sabi ni Papa? Kamusta yung paguusap niyo?" Nakatuon ang buong atensyon ko sakanya pero siya nakatitig sa taong nasa likod ko.
Si Jayjay.
Umalis rin si Jayjay at nakipaglaro na sa mga kaibigan namin ng mapansin niyang hindi siya titgilan ni Eli hanggang di siya umaalis.
Ng sa wakas ay tinignan na ko pabalik ni Eli ay nagkwento na siya.
Umupo muna kasi sa tent.
"Ayos lang naman"
"What? Yan lang sasabihin mo? Seriously? Ayos lang? Eh kalahating oras kayong nag usap!"
Ginulo niya yung buhok ko "Boys talk yun babe. Wag mo ng alamin"
"Kahit onti lang? Anong sabi tungkol sa panliligaw mo?" Baka kasi ayaw ni papa or something.
"Tss. Don't worry wala naman siyang sinabing masama okay? Sabi niya rin na nasayo naman daw yung desisyon. Basta wag mo daw pabayaan yung pag aaral mo" Yun. Okay naman pala. "And sabi niya pag nakita ka daw nyang umiyak dahil sakin wag daw ako mag papakita sakanya"
"Alam naman natin na imposible yun.....imposibleng di mo ko masasaktan..."
"Babe wala ka bang tiwala sakin? Nangako ako sa papa mo na hindi ko yun gagawin. Ako nga yung tiga pag tanggol diba?"
Lah. Di ako kinikilig.
Tumayo na ko sabay hila sakanya. "Oo na. Tara na nga!"
Hinila ko siya papuntang pool. Hindi ako lumilingon kasi once na gawin ko yun baka mangisay ako sa kilig. Siya yung kaunaunahang lalaki na nagsabi sakin non. Pwera syempre sa tatay ko pati kay Jayjay.
"kinikilig ayaw pa ipakita" rinig kong bulong niya tsaka ako sinabayan sa lakad.
"SPIN THE BOTTLE! SPIN THE BOTTLE!" sigaw ng boys. Mga lasing na sila.
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.