xxii. ill be gone

8 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Lola Rein. Past 10  na ng umaga kaya gagawa daw muna kami ng meryenda pagkatapos tsaka kami aalis ni Eli para pumunta sa dagat.

"Lola bakit po dito kayo ni lolo nakatira? Wala po ba kayong kasama?" Curios kong tanong. Mula kasi kanina wala pa kong ibang nakikita pwera silang dalawa. Matatanda na sila dat may kasama na sila para ma bantayan sila.

"Meron naman, pinag day off lang namin ngayon kasi nandito naman kayo ni Elijah.."

Di na ko nag tanong at inayos ko nalang tong pag lalagay ko ng mga meryendang niluto ni lola sa lamesa.

"Ah ija maari ba kong magtanong?" ang lalim ng salitang ginamit ni lola sabayan pa nung seryoso niyang boses. Nakakatakot tanggihan.

"Okay lang po..."

Hinalo niya muna yung ulam na niluluto niya para daw mamaya bagk siya umupo sa harap ko.

"Bakit ang tagal niyong bumaba ni Elijah? At bakit mugto yung mata mo?" Inosenteng tanong niya.

How can she be so innocent ngayong feeling ko na narinig niya yung mga rant ko kay Eli kanina.

Nakakahiya yun.

"Uhmm may di lang po pag kakaintindihan. Alam niyo na po, away na mababaw lang ho"

Tumango siya at ngumiti, "Alam mo iha, hindi naman ako nangingielam. Pero gusto ko lang malaman mo na mabait na bata si Elijah. Kung may problema man kayo o hindi pagkakaintindihan sana ayusin niyo agad at wag hayaang lumaki pa. Kung....may magawa man na hindi maganda ang apo ko, intindihin mo sana. Wag mo sukuan agad. Magtiwala ka lang sakanya ha?Maraming problema pero lagi kang mananalig sa pag mamahalan niyo. Naniniwala ako na mahal niyo yung isat isa, yun ang importante iha, okay?"

"La babalik po kami bago dumilim. Sasama lang ho kami sa mga nangingisda" paalam ni Eli bago kami dumiretso sa may dagat.

Malinis yung dagat dito, ala una palang ng hapon kaya tirik na tirik na ang araw. Malinaw ang asul na tubig. May tatlong bangka ang hinahanda para lumaot. Mga tauhan ata to ng Lolo ni Eli. 

"Manong sabay ho kami papunta sa gitna?"

"Oo eli, nasabi na sakin ng lolo mo."

Di nagtagal ay sumakay na din kami ng bangka. Syempre pabibo ako kaya lalangoy ako hehe.

Nang makarating sa bandang malalim na makikita na yung mga isda. Inaayos na din nila manong yung mga lambat nila para makahuli na.

"Babe, swimming?" tanong sakin ni Eli.

"Babe huuuy" tawag niya ulit.

"Shhhh kumukuha ako ng magandang picture" sagot ko. Pang instagram bro hahahaha.

"Tsk bilisan mo po" medyo naasar na niyang sabi.

Grabe mainipin si koya mo.

Nang matapos ako ay nag handa na si Eli para lumangoy.

Dahil parehas lang naman kaming naka tshirt at shorts. Tinanggal niya nalang tshirt niya.

YES HEAVEN IS SO NEAR.

"ohmygoodnezzz babe!!! Ang landi mo bat ka naka hubad ha!" sigaw ko. Holy na stress ako.

"Uhm kasi po lalangoy tayo?" pacute niyang sabi.

Lah, kagatin kita diyan eh.

"Nakalimutan mo ba na matagal na kitang crush? Respeto sa puso ko pls" seryosong sabi ko. Hello??? Yung puso ko natutuwa masyado.

Bigla siyang tumawa tas ginulo lang buhok ko, "Ewan ko sayo babe, tara na nga"

Nag swimming lang kaming dalawa kasi wala naman kaming matutulong sa pangingisda.

"Babe, halika dito tuturuan kita mag swim" sabay hila sakin ni Eli palapit sakanya.

Nasabi ko na ba na swimmer din siya? Hindi varsity pero every intrams lumalaban siya. Alam ko yon kasi stalker niya ko. Pero siya, di niya alam na magaling na ko dito. Varsity yung dalawang kapatid ko, kaya pati kami ni ate natuto. Kaya ko yung apat na swim ekek, pero si Eli dalawa lang kaya.

"Babe marunong po ako" sabi ko ng makalapit na ko. Umakbay ako braso niya tas hinawakan niya bewang ko.

"Marunong eh hindi nga kita nakikita na nag swiswimming sa school. Maliban nalang kung swimming class mo"

"Wow binabantayan mo ba ko dati ha?" asar ko sakanya. Asa tayo na napapansin niya na ko dati palang.

"Hindi." aray ko crush "Joke babe hehe napapansin ko kasi na tuwing intrams di ka sumasali sa swimming, eh yung mga kapatid mo naman varsity ng school. Sa basketball girls ka lang tas sandali lang. Para ngang ayaw ka nila pag laruin non eh." kwento niya.

Bawal kasi ako mapagod babe.

"Hahaha wag mo na isipin yon. Pero marunong talaga ko. Pakita ko pa sayo?" hamon ko para maiba na usapan.

At ginawa ko nga. Amaze na amaze siya na mas magaling ako kesa sakanya hahaha. Umahon na din kami pagkatapos kasi tapos na mangisda sila manong.

Pagkabalik sa bangka, naabutan na namin sila na nagliligpit ng gamit. Ang dami nila nahuli.

"Babe asan towel mo?" tanong ni Eli sakin.

"Nandyan po sa inupuan kanina. Kaso isa lang yan" Di niya ko pinansin kasi diretso kuha agad siya don sabay lagay sa balikat ko. Inupo niya ko sa tabi niya.

"Pano ka? Lalamigin ka babe" nag aalala kong sabi. Tsaka nakikita masyado yung abs niya nako nako.

"Wear your tshirt, tas share tayo dito sa towel" sinunod naman niya yung sinabi ko. Pinagkasya namin sarili namin sa iisang towel hahaha.



Pag kabalik kala lola nag ligo lang kami sa banyo, nag ayos tas dinner na. Wala na masyadon ginawa kasi napapagod na ko.

"Babe san ako mag sleep?" tanong ko kay Eli kasi narealize kong kwarto niya to. Di kami pwede mag tabi.

Kahit maharot ako sakanya behave lang ako.

"Youll stay here. Matutulog ako sa kwarto pang isa, tabi lang nito okay?" dahil sa sobrang pagod, at nararamdaman ko ng gusto ko na mag pahinga. Sumunod nalang ako. Nahiga na ko habang pinapanood siya kumuha ng kumot at unan niya.

Pero bago siya umalis "Babe pwede sing ka muna hanggang maka sleep ako?" labing ko.

Ngumit siya ng sobrang tamis tapos umupo siya sa tabi ko "Ofcourse baby"

I found a love for me

Darling just dive right in

And follow my lead

Well I found a girl beautiful and sweet
 
I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love

Bata pa nga siguro tayo. Madami pang mangyayari, pero sigurado ako na ikaw na yung gusto kong kasama hanggang dulo.

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes you're holding mine

Sana ikaw din Eli,sana sigurado ka na din sakin. Kasi napapansin ko bago tayo pumunta dito na parang may tinatago ka sakin. Sana ako lang yon. Sana di totoo.

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Nararamdaman ko na may mali, pero sana guni guni ko lang.

Wala sanang bibitaw, kasi mahihirapan ako. Yung puso ko. 

"I love you Dianne, i love you im sorry"

Kasalanan na ba na mahalin ako?

——————————————————
a/n: sorry pangit huhu

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon