"Bilisan niyo na! Kaylangan na yan mamaya!" -Maam Chowchow. Siya yung SSC Adviser namin na lagi nalang nakakunot ang noo.
Maam Chow lang ang pangalan niya pero azar na kami sakanya kaya Chowchow na.
"Maaaam kumalma ka please? kaya namin to" nag lalambing na sabi ni Sofia sakanya. Siya ata pinaka may lakas na loob samin ganyan ganyanin si maam e. Close naman kasi sila.
"Pag balik ko siguraduhin niyong tapos na yan ha!" Sigaw ni Maam Chow sabay padabog na sinara yung pinto ng ssc room.
Pag ka labas niya nag make face ako tas yung iba ginawa yung reenactment ng pagiging mainitin ng ulo ni maam. Hahahaha.
Bat ba kasi siya naiistress? Dapat nga kaming sampu ang mastress eh. Ewan ko ba dun.
Ngayon kasi gaganapin ang unang event this school year. Well, its not really a big event. Pero inaabangan parin to kasi 10:00 palang icucut na ang klase para mag start ang program.
Dati naman simple lang ang clubs opening. Pero ayaw ata mag patalo ni Maam chow sa mga past advisers ng SSC kaya gusto niya ito raw ang most memorable na club opening.
"Tara na nga! Mag design nalang tayo sa stage" sabi ni Andrea habang naiiling na tumatawa.
Nag sunuran naman kami papunta sa stage para mag design. Inexcuse na kasi kaming sampu sa klase para makapag handa na.
-------
Nandito kami ngayon sa canteen. Okay na lahat para sa opening mamaya. May emcee narin na naka assign kaya chill na talaga kami.
"9:00 pa lang. Ang aga pa" Sabi ni Stef habang kagat kagat yung donut na binili namin.
"Nabalitaan niyo ba? Lalo ka na Dianne?" bulong ni mariel habang lumalapit samin para ibulong yung balita niya.
"chismosa talaga ang isang to" iiling iling kong sabi. "Oh? ano ba dapat kong malaman?" bored kong sabi sabay tingin sa mata niya na wariy bored na talaga ko.
"Yung crush mo broken dahil sa crush niya" seryosong sabi ni mariel sakin.
*cough cough*
Agad nila kong binigyan ng juice pati hinagod nila yung likod ko.
"Okay lang yan Dianne" naawang sabi ni Lucy.
"Nandito pa naman kaming buhs para sayo" Sabi ni Ray na para bang sobrang nasasaktan ako.
"Kaya mo yan, hays" sabi ni Stef sabay yakap sakin.
"Kakayanin mo. Basta wag kang susuko. Pasensya na kung ngayon ko lang sinabi di ko sinasad---------" pinutol ko na agad yung balak sabihin ni Mariel. Baliw lang.
"Wtf buhs? Guys ano baaaaa, crush ko lang yun. Masyado niyong binibig deal" Para silang tanga diba?
Crush ko lang yun. Crush hindi Mahal. Masyado silang ano sa buhay pag ibig ko eh.
"Nag aalala lang naman kami kasi you know, nbsb ka. Baka di mo ma handle yung sakit" Serysosong sabi ni Joy. Jusko po.
Kung makapag react sila parang naging kami ni Crush.
"Mag kalma nga kayoooo. Mas affected pa kayo sakin ah hahahaha" Yung itsura kasi nila ngayon parang mga nalugi. Lungkot na lungkot hahahaha.
*riiiing riiing*
"Tara na nga buhs. Start na ng program" Nagmamadaling sabi ni Chloe sabay tayo.
"Okay ka lang ha?" Habol na tanong ni Chesca. Seryoso ba sila? Jusko talaga.
Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila eh hahahaha.
"Opo opo. Ano ba kayo hahahaha" natatawang sabi ko saabay tulak sa kanya para makasabay siya sa lakad ng iba.
Gustong-gusto ko kasi na nauuna sila sa pag lalakad eh. Wala lang, gusto ko lang na nababantayan ko silang siyam.
Habang naglalakad papuntang quadrangle napatingin ako sakanila na nauuna na sa pag lalakad.
Pano nga kung totoo yung mga sinasabi nila? Pano kung nasasaktan na talaga ko pero ayoko lang aminin?
Pano nga kung di nalang to simpleng crush? Imagine, mula firstyear high-school hanggang ngayon na graduating na ko naging loyal ako sa crush ko.Hays, dapat di ko to pinoproblema. Masira pa beauty ko hahahaha.
Nang makarating kami sa quadrangle nakasalubong ko sila crush kasama yung squad niya. On their way narin yata sa quadrangle.
Bakit ba kasi ang pogi niya? Yung singkit na mata, matangos na ilong pero di sobra. Alam niyo yun? Yung ilong na di oa. Yung kissable lips niya, at yung adams apple niya na kada lunok niya jusko di ko kinakaya. And shit, yung jawline niya na perpekto. Sobrang perpekto. Ang bait pa. Tas palangiti.
Nasa kanya na ata lahat, jusko. Parang greek-god na muling nabuhay. Kaya sabihin niyo sakin kung pano ko ileletgo ang ganto ka gwapong nilalang? Di yun kaya ng cells ko hahahaha
"Hi Dianne" nakangiting bati sakin ni Dominic Elijah, my ultimate crush, ng makapantay namin sila sa paglalakad papunta sa quadrangle.
"OMG"
"Tangina shit"
"Saluhin niyo si Dianne"
"Hoy puta baka mahimatay yan"
"fvcker ivideo niyo daliii!"
Whut? Napalingon ako sa buhs kasi ang oa nila. Binati lang naman ako ni crush. Si crush lang naman ------
Puta?! SI CRUSH?!
Napalingon ako pabalik kay crush na kasabay ko lang pala sa pag lalakad.
O
M
G
Tang-ina guys. Bye world. Baka mas lalong mapa aga ang pag kamatay ko...
----------------
a/n: pogi talaga si crush hehehehe
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.