"Babe...nandito na tayo" nagising ako ng maramdaman kong may kumakalabit sakin.
"Hmmm?..."
"Nasa batangas na tayo"
Dumilat ako't tinignan yung labas.
Wow. Mula dito sa pwesto ko puro dagat lang nakikita ko. Pero pag bumaling ako sa side ni Eli may bahay kang makikita. Parang makalumang bahay. Medyo malayo yun mula dito sa pinag parkan ni Eli.
"N-nadala mo na si Roan dito?" Nahihiyang tanong ko.
"Babe..." seryoso niya kong tinignan. Parang ayaw niyang topic si Roan.
"De okay lang ano ka ba" pilit pa kong tumawa.
Bat kaya andaming taong gustong malaman yung isang bagay pero alam naman nilang masasaktan sila dahil don.
"Oo....dati pa"
"Masaya?" Feeling ko kinakain na ko ng insecurity ko.
"Tsk. Babe." Mahahalata sa boses yung pag kairita niya.
Affected parin ba siya?
No Dianne. Ang oa mo nanaman. Dapat mag enjoy ka kasama niya hindi mag paka nega.
Huminga akong malalim atska ngumiti sakanya.
"Okay lang...." sabi ko tsaka tumingin nalang ulit sa labas.
Wag kang emo Dianne. Past niya na si Roan. Sakin na si Eli. Di na siya mahal ni Elijah.
"Ayun sila lolo at lola oh..." basag ni Eli sa katahimikan sabay turo sa dalawang tao na nasa may pinto.
"Lolo at lola saang side?"
"Kala papa..."
Ohhh. Ang pogi't ganda ng grandparents niya. Mukhang nasa 70 yrs old na sila pero mukhang malakas pa parehas.
"Tara na?" Sabi niya habang kinukuha yung mga bag namin sa back seat. Tig isang jansport lang kami.
Sayang di ko nasama si Drag. Di kasi pumayag si lola, atsaka napaaga yung uwi ng mama niya kaya kinuha nadin.
Pero okay yun. Mas enjoy rin siguro pag wala akong aasikasuhin.
"Ako na sa isa..." sabi ako. Kukunin ko na sana yung bag ko pero pinigilan niya ko.
-,-
"Mabigat yang bag mo. Ano bang dala mo? Buong cabinet?" Kinuha niya na parehas tsaka lumabas na rin siya ng kotse. Sumunod naman ako.
"Eh sa excited ako e! Atsaka wag kang oa, di naman yan kabigatan!" Hinihila ko yung bag ko sakanya habang nag lalakad kami.
Nakakaladkad ako ah.
"Mabigat nga to!!!" Mas binilisan niya pa yung lakad niya.
"Kaya ko naman! Di na ko baby no!" Sabi sabay hila ng malakas pero wala pading epekto.
"Baby kita!" Sabi niya. Natigilan ako kaya nahila niya palayo. Pero dahil nakakapit ako nasubsob ako sa buhangin pag kalakad niya.
Aray. Huhu.
"Tsk. Wag ka ngang kiligin masyado. Nakalampa ka."
-,- panira. Okay na mood ko eh. Masaya na eh, manglalait pa.
"Di ako kinikilig no!" Sabi ko ng tulungan niya ko makatayo. Nakayuko lang ako, pinapag pag yung damit ko.
Syempre nakakahiya namang magmukhang panget sa harap ng magandat pogi niyang grandparents.
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.