x. ill be gone

50 8 23
                                    

Dalawang linggo na simula ng pangyayaring yon. Simula non mas lalong naging maalaga sakin yung buhs. Pero napag usapan na man na namin na ayoko ng sobrang naiistress sila dahil sakin. Nalaman ko din na alam na ni Lance pero si Eli hindi nila sinabihan.

"WOHOOOOO ANG GANDA MO SOFIAAAA!!" Napalingon ako ng sumigaw ng malakas si Allen. Sweet and supportive boyfriend.

Kasama niya yung mga kaibigan niya sa may harap ng stage. Meaning nandon din si Eli. Nakita ko siyang nakatingin din sakin kaya nag iwas na ko ng tingin.

Simula ng araw nayon, di na kami nag uusap. Hindi narin siya sumama sa mga gala ng buhs kaya parang back to zero. Hindi ko alam kung masaya ba kong umiiwas rin siya, di ko alam kung anong mararamdaman ko.

Hay, Dianne. Nandito ko para sa buhs, para kay Sofia. Wag mo siyang isipin.

"1....2......3" bilang naming siyam sabay sigaw ng

"GOOOO SOFIAAAA WOHOOOO WAAAAAAH!!!"

Opening ng sportsfest at dito sa school napiling ganapin. 15 schools ang kasali. Every school must have one participant, muse. Dapat mag suot ng sportswear. At si Sofia ang napili ng school namin. Told yah, magaling siya sa mga contest na ganto. Nandito yung buhs sa gilid ng stage habang si Allen at sila Eli nasa harap. Syempre SSC kami kayo pwede kami dito.

"Ang lakas talaga ng dati nitong si Sofia" Komento ni Raya habang tinitignan si Sofia.

Rumarampa siya ngayon wearing her 'car racing' outfit. Dapat nga boxing pero di pumayag si Allen, too much skin na daw yun. Ugh possessive boyfie.

"Ang perfect ng girlfriend koooo! Girlfriend ko yaaaan!" Proud na proud na sigaw ni Allen. Ramdam na namin na si Sofia ang mag chachampion dahil sa dami ng sumisagaw sa pangalan niya. May grupo pa nga na tiga ibang school pero siya itong chinicheer.

She's the crowds favorite. She's really slaying her runway. My Sofia is a real bomb.

_____________

"Buuuhs! Omg thankyou!" tuwang tuwang sabi niya sabay yakap samin.

We planned kasi na kunwari di kami aattend kasi mga busy. Pero syempre prank lang yon sakanya. We know that this day is important to her, dapat nandon kami.

Buhs loves surprises.

Nang matapos kaming mag group hug nakita ko na teary eyed na siya. Tears of joy.

"Congrats Sof!" -Joy

"You really did great!" -Chesca

"You slayed girl!" -Chloe

Kung ano anong papuri pa ang sinabi nila kay Sof. Na puro english.

The hell? bat sila nag eenglish?

"Powta guys. Bat kayo nag e-english? Nakalimutan niyo na bang Pilipino tayo?" Sabi ni Mariel habang hawak yung ilong niya.

Laptrep talaga to. Napaka walwal hahahahaha.

Nga kakatawanan kami ng biglang lumapit sa pwesto namin si Allen at Eli.

"Guys tara? Shakyy tayo? My treat kasi panalo si Sofia. Congrats beb" Sabi ni Allen sabay halik sa noo ni Sofia.

Bat kaylangan nila maging sweet sa harap ko? Pwede namang simpleng congrats lang Duuuh, may bitter, single na nanonood oh huhuhu.

"Tara na tara na. Ang harot eh hmp hahaha" sabi ko sabay una na sa paglalakad. For sure lalakarin lang namin yung shakyy kasi tapat lang naman ng school.

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon