Pasado alas tres na ng hapon. Nandito kami ngayon sa 'Shakyy'. Tambayan namin mag kakaibigan na ang binebenta ay parang mga fishball kikiam fruit shake etc.
"Stef ikaw na mag lista ng mga order, dali!"Dinig kong utos ni Lucy habang nakatayo ako dito sa may pinto. Nandon na sila sa lagi naming pwesto dito.
"Oh ano order niyo mga boss?" Nag simula na sila mag palista kay Stef ng mga order nila. Yung sukli non lahat Kikiam. Madalas umabot ng 100+ yung nauubos naming kikiam. Lakas nila kumain e.
Pero sigurado na kulang pa yan pag dumating na sila.
"Ano sayo Dianne?" Pasigaw na tanong ni Joy para marinig ko hanggan dito sa labas.
"Tulad lang ng dati!" Lumingon pa ko kay Joy para masiguro na narinig niya talaga
"hey! Tell me what you see! is it money or its me ~" Napalingon ako ng marinig ko yung boses ng kanina ko pa hinihintay.
"Ang kukupad! Dalian niyo naman po pwede?" Sabi ko sakanila sabay irap.
Usapan kasi pagka uwian diretso na dito. 3:00 uwian e.
"Ang inipin mo talaga dianne-anne" Sabi ni Prince Baltazar sakin sabay tapik sa ulo ko. Boyfriend ni Mariel.
"Shut upppp! Late nanaman kayo" inis kong bulyaw sakanila.
"Sorry na po. Na trafic lang kami madame" Nangaasar na sabi ni Ralf Chris Mariano. Boyfriend naman ni Lucy.
"Wth? Ayan lang yung school sa tapat, na-traffic pa kayo?!"
"Naligaw kami" simpleng sabi ni Red Castro habang busy kakakalikot sa phone niya. Kuya ni Ray and boyfie ni Andrea.
Ewan ko ba. Ang saya talaga nila kausap. Parang may mga sapak.
"Uy ayan na pala sila oh!" Sigaw ni Chloe sabay hello sa boyfriend niya.
Yes, lahat sila may boyfriend. Mag kakasama sa isang grupo mga boyfie nila pwera sa boyfie ni Raya at Andrea. Yung squad kasi ng mga yon eh yung squad ni crush. Emeged small world right? hahahaha.
"Ugh mag haharutan nanamn sila" Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan sila habang umuupo sa pwesto nila. Malang katabi nila mga girl nila.
Hindi ako againts sakanila. Sadyang bitter lang ako. Hmp.
"Okay lang yan dindi, kung gusto mo mag harutan din tayo?" Sabi ng bestfriend kong si Jerome Cuanco.
"Gusto mo nito?" Pinakita ko sakanya yung kamao ko sabay tanggal sa akbay niya.
Delekado na. Selosa panaman girlfriend nito. Mas bata samin ng 2 years kaya mej childish pa. Ako lang nakakaalam sa relationship nila kasi gusto nila private. Kaya nga minsan pinag kakamalang may smth samin e, kasi nga di nila alam na taken na si Jayjay.
Jayjay taeag ko kay Jerome. Tas Dindi tawag niya sakin.
Pumunta na kami sa table namin and wth tama ako. May kanya kanya nanaman silang mundo.
Si Lucy kay Ralf Chris Mariano
Si Mariel kay Prince Baltazar
Si Chloe kay Adrian Harize Suarez
Si Joy kay John Dave Manuel
Si Stef kay Andrei Japeth Gonzales, Kuya ni Chloe
Si Chesca kay Louisse FundamanteMag kakabarkada yang mga yan. Wag niyo na alamin tawag sakanila kasi ma tatanga ka lang swear hahaha
Mag kakabarkada naman yung Boyfie ni
Sofia na si Allen Seve.
Raya na si Brian Mazon.
Andrea na si Red Castro, kuya ni RayaKabarkada naman ng mga to si crush omo omo. Grade 11 na sila kaya sa kabilang building sila ng school. Sumama lang sila kasi nandito mga gf nila.
*buuurp*
*pruuuut*"Hoy anobayan! HAHAHAHA" sigaw ko kay Andrei. Para kasing baliw, bentang benta sakanya mga joke ni Brian kaya ayan di na kinaya kakatawa hahahaha.
"ewww ang baho bby" sabi sakanya ni Stef. Ang cutie nila kasi lalo pang dumudikit si Andrei kay Stef.
"HAHAHAHAHA –———awww"
ugh shit. bigla akong napahawak sa dibdib ko. Yung isang kamay ko napahawak sa kamay ni Jayjay para humingi ng suporta.
"fvck dindin okay ka lang?" nag aalalang tanong niya.
"Shh wag ka maingay pls. Lipat muna tayong upuan" Tinulungan niya kong makalipat tsaka niya kinuha yung gamot ko tapos pinainom sakin.
"Sabi kasing wag masyadong masaya eh! Tapos kinalimutan mo pa yan" Hindi ko muna siya sinagot hanggang sa maayos ko na ang sarili ko.
"Opo di na mauulit hehehe. Tara balik na tayo" Hinila ko nalang siya pabalik sa table namin.
Pag balik namin parang wala naman silang nahalata. Okay na yun para chill lang sila.
"Ayan na pala sila, tara uwi na tayo pagod na ko e." Sabi ni chloe habang naka sandal yung ulo sa balikat ni Adrian. Mukha ngang antok na hahahaha
"Ako mag hahatid sayo" Sabi ni sebeb pag dating namin sa parking lot.
"eh? pano girlfriend mo?" Nako baka mag selos nanaman yun.
"alam naman niya kondisyon mo diba? okay na siya sayo." oooh okay na yun kesa naman mag commute ako. Delikado na.
"Bye na buhs. See yah tom!" Nag ka besohan na kaming magkakaibigan at sumakay na sa kanyan kanyang sasakyan ng mga boyfriend nila. Syempre may mga driver sila.
Sumakay na rin ako sa sasakyan ni Jayjay at habang nasa byahe ay antok na talaga ko. Dahil narin siguro sa gamot at pagod.
"Bakit ba di mo pa sabihin sakanila?" tanong ni Jayjay habang seryosong nakatingin sa daan.
Bakit nga ba?
"Mas okay na yun kesa naman pati sila nahihirapan diba? Atsaka kaya ko pa naman. Tsyakana pag malapit na ko hahaha" Biro ko sakanya pero tinignan niya lang ako ng masama.
"Di yon nakakatawa dindin"
"Sorry na. Sasabihin ko din naman soon" Sabi ko sabay kiss sa cheeks niya. Tapos bumaba narin ako baka kasi pag talunan pa namin yun.
"Byeee Jayjay ingat sa pag uwi ha?" Sigaw ko mula dito sa gate. Mabilis kasi yun mag drive pag siya lang mag isa eh.
Minsan pinapayagan siyang magdrive ng walang driver may students license na kasi siya. Pero madalas pinagdadrive siya ni kuya Nol, driver nila.
Bago ako pumasok tinignan ko muna yung kalangitan. Sakto may dumdaan na airplane.
Di ko mapigilang mapangiti. Nakasanayan na kasi ng buhs na pag may nakikitang airplane tas maraming stars ay humingi ng wish.
Umakto kong kinukuha ko yung airplane tas nilagay ko siya sa tapat ng dibdib ko sabay pikit.
"Give me more time to be with them, Universe..." kasabay ng pag patak ng luha ko ay ang pag pakawala ko don kunwari sa eroplanong hinuli ko.
————————————————
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.