Sorry sa mga typo hahaha.
Long update i think?Thanks sa cover theroaringlioness sml hihihi
____________________________________
Tinignan ko yung ride mula baba hanggang sa pinaka mataas na part nito. Wow. Shet, nakakalula agad.
"S-sure ka bang sasakay tayo diyan? Baka hindi yan matibay?" kinakaban kong tanong kay Eli sabay lingon sakanya.
Bat ngiting-ngiti pa siya?
"Bakit? Natatakot ka ba?" Ngiting asong tanong niya samin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya umiling nalang ako. Hinila niya na ko papunta sa pila.
Okay, Dianne chill ka lang. Hindi naman ako natatakot pero pagod na kasi ako. 2 ng hapon ng makarating kami dito at dalawang oras dire-diretsong nakaka walong rides na kami. Nakakapagod yun for me ha.
Nakasakay na kami sa parang roller coaster pero yung malala na. May iba pang rides na nasakyan na kami pero lahat yun nasakyan ko na before kaya di ako masyadong takot.
Pero eto? shet talaga. Yung feeling na iaangat ka dahan dahan tas bigla kang ibaba ba? As in bigla? Baka pati puso ko malaglag. Kahit buhs hindi ako napilit na sumakay sa ride na to nung pumunta kami dito dati.
"Pasok na po" Nakangiting bati samin ng operator ng ride.
Okay eto na.
Umupo na ko tapos sa kaliwa ko si Eli. Bat siya ganto? parang nag eenjoy pa siyang kinakabahan na ko. Tsk hahahahaha.
"Ready?" Tanong ng mga operators matapos nilang ikabit yung seat belt namin.
"Lord kayo na pong bahala sakin. Omg mahal ko po pamilya ko pati buhs and yung otp kong kn kayo na bahala sakanila" Mahinang dasal ko habang nakapikit ng naramdaman kong unti unti na kaming umaangat.
"Pst Dianne? Open your eyes! Maganda yung view" Rinig kong bulong sakin ni Eli. Shet amoy na amoy ko siya kahit naka pikit ako.
Alam ko namang maganda yung view kasi katabi ko siya, choss hahaha.
Umiling ako sakanya sabay sabing di ko kaya.
*Tug krug tug*
OMG AYAN NA. NARINIG KO NG NANDITO NA SA PINAKA TAAS SO ANY MINUTE IBABAGSAK NA KAMI.
"Open your eyes na, ill hold you okay?"
Saktong pag hagis samin pababa ay ang pag hawak ni Eli ng mahigpit sa kamay ko. Making sure na mararamdaman kong safe ako sakanya.
"WOHOOOOO TENGENE NG FEELING NA TOOOO!!!"
"WAAAAAH LORD KUNIN MO NA PO AKO"
"PWEDE NA KONG MAMATAAAAY WAAAH"
Sigaw lang ako ng sigaw habang nasa ere kami. Kung iniisip ng mga nakarinig na yung sinigaw ko ay para sa ride na to? Well, mali sila. Para yun sa feeling na nakaholding hands ko na si Crush.
"Done na Dianne, tara na hahaha" nag mulat na ko ng mata ng maramdaman kong nasa harap ko na si Eli at natanggal na yung seatbelt ko.
ohshit
Ang lapit ng mukha ni Eli pag kamulat ko ng mata ko. Omg.
___________
"Di ka naman gutom?" natatawang tanong niya habang nakatingin sakin.
Tinutunaw niya ko hays.
"Napagod kaya ko! Wala man lang pahinga!" Nakakapagod kaya yung ganon. Buti nalang mabait si tadhana at pinagbigyan akong wag hingalin ngayon.
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.