xvi. ill be gone

67 3 37
                                    

"Joy ikaw ang naka assign para pumili sa mga kasali. 15-20 lang okay?" Pagkatapos kausapin ni Maam May si Joy ay umalis na siya ng klase. 1st break na.

"Okay sino sasali sa streetdance? Ayoko ng maarte. Ayoko ng nalalate. Kung alam na hindi kaya, wag sumali." Gamit niya pa yung seryoso niyang boses. Nakataas ang isang kilay niya samin. Ang sungit diba hahaha.

Tumayo yung buhs, kasi syempre sasali kami.

"Upo na kayo. Nasulat ko na pangalan natin" every year kasing may streetdance at every year din kaming kasama sa sayaw na to.

Tumayo din yung mga iba naming kaklase. Pumili lang si Joy ng isasali niya. Yung mga boyfriend nila di sasayaw. More on basketball sila this intrams e.

Lumabas narin kami ng room ng matapos na.

Habang nag lalakad kami papuntang canteen biglang lumapit yung isa sa mga classmate namin.

"Joy tawag ka daw ni Maam May. Kakausapin ka about sa intrams"

"Una na kayo. Sunod nalang ako sa canteen"

Every first break laging puno yung canteen. Nag kakasabay kasi yung mga high-school students. 9:00-9:30 break namin. Sila Eli mamaya pang 9:20.

"Tita Oliviaaaaa!!!!!! Pabili!" Si tita olivia ang pinaka close naming nag titinda dito. Sanay na siya sa ingay namin pero pinapagalitan niya kami minsan.

"Nako ang inggay nanaman" tumatawang sabi ni Tita.

Binili na namin yung order namin.

"San tayo uupo?" -Lucy

"Ayun oh! Kala Lance nalang!" Tinuro ni Stef yung pwesto nila Lance kasama yung mga kaibigan niya.

"Baliw! 3 upuan lang libre don! San uupo yung iba?" -Sofia

"Kandong? Para masaya" -Mariel

Minsan talaga gugustuhin mong sapakin mga kaibigan mo.

"Okaya paalisin natin sila!" Sigaw ni Andrea. Parang sobrang proud pa siya sa naisip niya.

Masasapak mo talaga sila.

"Dianne!" Sabay sabay kaming lumingon ng tawagin ako ni Lance. Sinenyasan niya kaming lumapit don.

"Upo na kayo dito. Tapos na kami kumain" alok niya samin na agad namang tinanggap ng buhs.

"Thankyou Lanceee!" Sabay sabay na pasasalamat nila.

Di rin nag tagal at nag paalam na siya. Nag kkwentuhan lang kami habang kumakain.

"Bat kasi wala mga boyfriend niyo? Edi sana nakaupo agad tayo!" Pag nandito kasi yung boys nauuna sila sa canteen kaya nakakapag reserve sila ng upuan.

"Gumagawa ata ng irereport nila. Nakalimutan daw nilang gawin eh" -Stef

"Boss!" Bati namin kay Joy. May dala narin siyang pagkain.

"Anong sabi ni Maam May? Kaylan daw practice?"

Ang Intrams ang pinaka inaabangan ng mga highschool students. Kasi 2 days yun na puro sports lang. Sa second day magaganap yung streetdance. Streetdance yung pinaka center ng intrams. Lalo na pag Junior and Senior na ang mag kalaban. Ewan ko lang kung sila Eli may Intrams, wala pa kasing grade 12 kaya wala pa silang kalaban. Gets niyo ba? Slow kayo pag hindi.

"Si kuya Bry daw ang coach natin. Start na daw yung practice bukas. 3-6 pm. Tas 2 weeks lang kasi next next week intrams na nating senior vs junior" kwento samin ni Joy

"Eh pano sila Allen?" -Sofia

"Sabi ni Maam May isasabay daw yung Intrams ng grade 11 satin. Pero yung streetdance nila hindi i pang ccompete. Performance lang daw. Pero yung mga sports kalaban sila."

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon