v. ill be gone

71 6 1
                                    

Manhid.

Yan si crush.

2 months na simula ng lagi siyang sumasama sa mga gala ng buhs.

2 months narin akong tinutulungan ng mga boyren ng buhs para mapansin ni crush.

2 months narin ako halos ipagkalandakan ng buhs kay crush.

2 MONTHS NA PERO WALA PARING PROCESS.

Aba kung di ko lang talaga mahal tong si crush baka nasapak ko na to. Pasalamat siya pogi siya hmp.

Pano na kaya? What to do? Close nanaman kami kasi nga lagi siyang sumasama. Siya na nga nag sisilbing partner ko eh. Hihihi kilig. Si Jayjay kasi busy na sa lovelife niya, sinabi niya na kasi sa buhs pati sa mga boys except kay crush yung about sa relationship nila ni Cherry. Cherry name ng girlfriend ni Jayjay.

Speaking of Jayjay, lately nag away kami kasi sabi niya mas close na daw kami ni crush. Buti sana kung totoo eh no, kinilig pa sana ko. Pero di naman. Sabi niya pa wag daw ako lalong ma fall dun kasi may ibang gusto daw yun.

Kilala ko naman yung nag ca-cause ng sakit sa heart ni Eli eh. Si Roan ata name nun? Classmate niya. Sus eh ang panget panget non. Mukhang pastillas masyadong maputi, tapos yung mata ang laki parang calamansi, tas yung labi parang nakagat ng ipis sa kapal. Sabi ng iba kamukha daw ni Anne Curtis, hala jusko lord ang layo. Sobra pramis. Sige sabihin na nating oa ako, yes maganda siya pero dahil sa pagiging maarte niya at oa oa oa as in oa ayan tuloy para na siyang panget.

Okay na nga mag move on na tayo. Nabwibwisit lang ako pag naaalala ko mukha non eh. Azar.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Chloe. Kasama mga boys nila pati si crush syempre. August na kaya madami ng requirements naipapasa. May ginagawa kaming individual na project sa math. At ang hirap hirap niya.

May kanya kanyang buhay yung mga couple kaya kami ni Eli magkasama. Nakasanayan niya narin na kami mag kasama pag may sarili ng mundo yung mga kaibigan namin. So kilig shet.

Nakaupo ako dito sa sahig tapos yung laptop naka patong sa sofa. Halos idukdok ko na mukha ko dito para magets yung guidelines na binigay. Si Eli naman naka sandal sa lamesa sa likod namin pero yung tuhod namin nag babanggaan padin. Alam niyo yun? Yung right arm niya nasa may likod ko nakatukod. Busy lang siya sa pag pho-phone.

Sumasakit na talaga ulo ko dito peste.

"Ughhh letse. Sabi guidelines pero wala namang matulong matulong." Asar na asar ko ng sabi tsaka padabog na sinara yung laptop.

Sinandal ko yung ulo ko sa sofa then hinilot ko yung temple ko. Napapagod na ko.

Narinig ko na nag chuckle si Eli tas naramdaman kong kinuha niya yung laptop.

Chuckle niya palang nabuhay na lahat ng cell sa katawan ko. Grabe na talaga epekto niya sakin.

"Tulungan na nga kita hahaha parang masisiraan ka na eh" Nakangiting sabi ni Eli sabay tipa dun sa laptop ko. Thankyou ghaaad buti nalang matilino si crush hahaha.

Nangnakita ko na parang easy easy lang sakanya niyo nag paalam muna ko sakanya at dumiretso sa kusina.

"Chloeeeee! Painom water ha!" ang bait ko diba? hahaha di ako pakielamera kase.

"Sige nandyan lang sa ref"

Pag kaopen ko ng ref niya ay WOW FOODS YAY. Pero di pwede huhuhu, puro sweet pati fatty foods. Dangerous kay heart yan. Baka mapatay pa ko ni Jayjay pag nalaman niyang kumain nanaman ako niyan.

Ginawa ko lahat ng pag pipigil wag lang kunin yung nagniningning na Chocolate dun omg miss ko na yuuun huhuhu.

Pagkakuha ko ng water ay dalian kong ininom yung gamot ko. Delikado na may makakita. Baka magtanong pa hahaha.

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon