a/n: sorry super late
----------------
"GO ELIIIIIIIII! WOHOOOOOO TALUNIN MOOOOO" cheer ko mula dito sa bleachers ng mga Grade 10. First day na ng intrams."Hoy Dianne!" Sita sakin ni Maam May. Nag peace sign lang ako sakanya.
"Gaga. Kalaban natin sila!" Binatukan ako ni Mariel, na parang di ko alam na kalaban ng Grade 10 sila Eli.
"Alam kooo! Duh!"
"Hayaan niyo na. Dati kasi palihim niya lang na chini-cheer yan ngayon lantaran na!" -Raya
Sus alam ko namang nag titimpi lang si Andy, Raya at Sofia na icheer yung mga boyfriend nila eh. Nakakahiya naman talaga kasi kalaban yon.
"Shhh wag na kayo mainggay ayan na!" Sita samin ni boss, Joy.
Nasa court ngayon yung first five ng grade 10 at grade 11.
Kasama sa first five ng grade 10 sina Jayjay, Ralf, Louisse, John, Andrei. Sa grade 11 naman sina Eli, Allen, Red, Brian at Rj, classmate nila. Walang kaibi-ibigan ngayon.
Basketball girls din ako dati pero wala akong naiintindihan sa laro nila. Sa Basketball girls naman kasi walang rules masyado, basta maka shoot ka, mvp ka na hahaha. Ang alam ko lang sumigaw pag mashoshoot na nila yung bola.
"S!E!N!I!O!R!S! GO SENIOOOOORS WOOOOHOOOOO!" Mga boses ng buhs ang nangingibabaw. Mahirap talaga pag pinagsama sama kami, mawiwindang tenga mo.
"Go eliiii!!! Hihihi" napalingon ako sa bleachers ng marinig ko yung boses ipis na sigaw ni Roan.
Tatayo na sana ako ng hatakin ako ni Sofia. "Easyhan mo lang, panget parin siya" bulong niya pero dahil matatalas pandinig ng buhs narinig padin nila.
Hinagod ni Chloe yung likod ko "Sapakin mo after ng game"
"Okaya lunurin mo sa pool pag laban niyo na" Aba matalino pala si Andrea minsan. Lulunudin ko talaga yan pag naiinis na ko.
"MONTEJO FOR THREE!"
Montejo? SI ELI YUN AH?!
"WAAAAAH DI KO NAKITAAAA" nag mamaktol na sigaw ko.
"Elijah ulit daw request ng girlfriend mo!" Sigaw ni Jacob, yung nagsasalita sa mic. Tuwing may laban siya nag eentertain ng mga nanonood. Close siya saming buhs.
Nakakahiya yon! Madami kayang teachers na nanonood!!! Buti nalang wala si Maam Chow.
Nakita kong tumawa si Eli pero nasalo niya padin yung bolang hinagis sakanya ni Rj. Dinribble niya yun paputa sa three point line tas bumwelo para mag shoot.
"ANOTHER 3 POINTS FROM MONTEJO, PARA DAW SA GIRL----" bago pa matapos ni Jacob yung sasabihin niya binatukan ko na siya. Malapit lang kasi yung upuan ko sa pwesto niya. "Baka maoffice kami!"
Binalik ko yung tingin ko kay Eli na tumigil sa pag takbo dito sa harap namin ni Jacob. "Para sayo yon babe" sabay kindat.
"MONTEJO! GANADONG GANADO!!!!" Parang kahit anong sabihin ni Jacob ngayon sa mic, kahit sobrang sakit na ng sabunot na natatanggap ko sa buhs, wala na kong pake.
Masyado kong kinilig
"Congrats sa panalo, Grade 11!!! Nice game mga bro!" Pag tatapos ni Jacob sa laro.
Nanalo yung kalaban sa score na 50-48. Grabe sobrang lupet.
Ni-congrats ko yung mga grade 10 players ng bumalik na sila sa pwesto namin.
"Congrats mga kuyaaa! Gagaling niyo po"
"Jayjay! Galing mo talaga!" Yinakap ko siya ng makalapit na siya. "Proud bespren here!!!"
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.