viii. ill be gone

69 6 11
                                    

"SSC officers, pinapatawag daw kayo ni Maam Principal pati Maam Chow"

Sabi samin ni Maam May, adviser namin, ng mabasa niya yung letter na binigay galing sa office.

"Eh maam? How about the quiz?" Tanong ni Chesca kay Maam, we're about to take a quiz kasi ng biglang may letter ngang ipadala.

"Kayong sampu dumaan nalang sa science lab then don kayo mag tatake ng quiz. Sige na punta na kayong office" Sabi ni Maam.

Lumabas na kami ng room at tinungo ang daan papuntang Office. 5th floor room namin tas sa 1st floor yung office. mahaba habang chismisan to hahaha.

"Satingin niyo anong meron?" tanong samin ni Lucy.

"Mukha bang alam namin Lucy?" woah lakas naman ni Andrea sumagot ng ganon sa nanay nanayan nila.

Tinaasan siya ng kilay ni Lucy.

"Jooooke! Hahahaha biro lang nay" duwag to hahaha.

"Nag cheat ba tayo nung last test?" -Mariel. Lah?

Nag katinginan kaming siyam. Yung nag shashare kami ng look na wala-naman-tayong-kalokohang-ginawa-diba?. Ang alam ko wala naman.

"Tanga hunghang mababait na tayo no hahaha" Sabi ni Raya kay Mariel sabay batok dito.

Hahaha baliw talaga to. Last two years kasi nahuli kaming nag cheat. Shhh hehehe. Trip trip lang yun eh pero sineryoso nung nakakita. Di naman kami na kasuhan ng school kasi pinakita namin sakanila yung papel na sinabing pinagpasapasahan namin. Eh ang laman lang naman don puro: 'Lah may sagot na kayo?' tas sasagot yung isa 'Tange wala hahaha' 'Kaya niyo yan buhs. Moral support ko kayo' 'Makaka graduate naman tayo kahit bagsak tayo dito' Oh diba? Mukha bang may napagpasapasahan kaming sagot? Wala naman hahahaha. Alam naman ng office na malakas trip ng barkada namin. Pero akalain niyo lahat kami pasado parin sa test na yon. Ang taas pa nga ng grades namin hahaha.

"Wag niyo ng isipin kung anong dahilan. Ang importante na excuse tayo sa quiz hehe" sabi ko sakanila. Wala kasi akong maintindihan sa lesson ni Maam e.

"Bakit? Di mo naintindihan? Okay lang yan i got you naman eh hahaha" Kinindatan pa ko ni Sofia ng sabihin niya yun.

"Shhh ano ba Sofia bagong buhay na tayo hahaha" If you know what i mean hahaha.

"Lutang ka nga kanina eh. Tas biglang ngingiti? Iniisip mo yung date niyo no?" Sabi ni Chloe sakin sabay tabi sa paglalakad ko.

Naramdaman ko yung pag init ng pisngi ko kasi nakatingin sila saking siyam. Parang naghihintay ng update.

"Dianneeee huhuhu kwento mo naaaa ano ba nangyari?" Hay. Eto nanaman tayo kay Andrea. Para talagang nasasaktan siya e may Red na nga siya hahaha, ang lakas nito mang trip eh. Buti nga di sila nag aaway ni Red.

Kwento ko na nga para namang  may magagawa pa ko diba.
_________

"Oh ano? Happy na kayo?" Kakatapos lang ng part 2 ng kwento ko sakanila. Naputol kasi nung nakarating na kami sa Office eh. Tsaka kakatapos lang kami kausapin nila Maam tas sakto mag bbreak time narin naman kaya ang sabi mauna na kami sa canteen.

Speaking of office. Yung sinabi samin ni Maam chow at Maam Principal ay about sa isang transferee na lalaki. Sabi samin kami na daw mag tour or guide sakanya dito sa school hanggang sa maka cope up na siya. Classmate naman daw namin eh. Di pa nga namin alam itsura basta daw any moment of this day ay pupunta siya dito para itour namin para daw ready na bukas. Few days before September, tumanggap pa sila siguro malakas impluwensiya ng pamilya nito.

"Huy buhs! baka yun na yon!" Sigaw ni Stef sabay turo dun sa may gate ng school.

Nqpalingon naman kami para tignan kung sino yung tinuturo niya.

I'll be goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon