"Bat ba kasi hindi ako pwede sumama bukas?"
"Kasi nga bonding naming mag kakaibigan yun. Girl thingy"
Ano bang di magets ni Eli don? Kaninang umaga pa namin yan pinagtatalunan pero hanggang ngayon di niya parin magets.
"Eh ano naman? Di naman ako manggugulo" umiirap pa siya habang sinasabi yan.
Napa sigh nalang ako.
Pauwi na kami sa bahay ngayon at siya yung nag drive. Kung nandito lang si Kuya Nico edi sana di siya nag iinarte ng ganito.
"Eli bakit ba ayaw mo? Buhs lang naman kasama ko don. Atsaka mall lang yon" pang ilang ulit ko narin sakanya na di naman kami lalayo.
"Alam ko! Ang sinasabi ko baka may lalaking umaligid sainyo! Mahirap na puro babae pa kayo!" Nagulat ako ng biglang tumaas yung boses niya.
Mga 3 araw na ata siyang ganyan. Simula nung pagkatapos sa streetdance. Ang bilis magalit pero sobrang clingy.
"And pwede naman na dyang mall lang kayo pumunta! Bat sa malayo pa! Tas ayaw niyo pa sabihin kung ----" naputol yung sasabihin niya ng biglang mag ring yung phone niya.
Jhean Calling....
Jhean? Sa pag kakatanda ko siya yung tumawag kay Eli nung streetdance. Tas after ng usapan nila naging ganyan na si Eli, mabilis magalit.
Napabuntong hininga si Eli atsaka sinagot yung tawag. Nakatingin lang ako sakanya.
"What?!...Ayoko, hindi ako pwede....tss, ayoko nga!...Puta! Oo na! Oo na!" Sobrang inis yung boses niya
Sino ba si Jhean?
"Babe. Sige na please? Itetext naman kita. Sorry na. Wag na mainit ulo please?" Malambing kong sabi sabay hawak sa kamay niya.
Tinigil niya yung sasakyan sa tapat ng bahay. Hinila niya yung kamay ko tsaka ko niyakap.
Mahigpit na yakap. Parang yung yakap na ayaw niya kong pakawalan.
"Sige na, payag na ko. Pero yung mga rules ko ha?"
"Yes babe. Thank you!" Kiniss ko na siya sa pisnge niya tsaka lumabas ng kotse.
Hinintay ko pang umandar siya pero nakita kong tulala lang siya sa loob.
May problema ba siya? Bat pakiramdam ko ayaw niya lang sabihin sakin na meron.
"Huy babe!" Natauhan siya tsaka binababa yung bintana.
"S-sorry...ano, pasok ka na babe. I love you, Dianne"
"I love you too."
"Dianne, dali! Late nanaman tayong dalawa! Ikaw manglibre sa buhs ha!" Inis na sigaw sakin ni Mariel. Nandon siya sa kwarto ko habang ako nag bibihis dito sa cr.
Lumabas ako at sinamaan siya ng tingin.
"Baliw ka? Ikaw kaya yung matagal! Ang sabi ko 11:00 pumunta ka na para ipaalam ako at maka gayak ng maaga! Anong oras ka dumating, 12:30!"
Tuwing may gala kasi ang buhs siya yung lagi kong kasabay kasi magkalapit lang kami ng bahay. Sabi ko sakanya kagabi agahan niya para ipaalam ako kala mama. Gusto kasi nila mama na lagi kong kasabay si Mariel e. Ewan ko ba.
"Heh! Ako nalang lagi! Sana nagbihis ka na para ipapaalam nalang kita" sumisigaw siyang lumapit sakin tapos binatukan ako.
"ARAY! BATOS NA BATA TO! KITANG NAG SUSUKLAY E!" sigaw ko sabay sipa sakanya. Nakasanayan na namin dalawa na mag hampasan. Hahaha.
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.