"Bat di niya sinabi samin?" -Andrea
"After all this time, nilihim niyo?" -Chloe
"Sana sinabi niyo para aware kami" -Stef
"Edi sana nabantayan namin siya!" -Sofia
Kung ano ano pang bulong ang narinig ko galing sa buhs. Tinatamad pa kong buksan ang mga mata ko kaya nakinig lang ako ng nakapikit.
"Chill okay?" rinig kong kinakabahan si Jayjay. Base kase sa boses niya nanginginig eto.
"Anong chill?! baliw ka ba? nung summer pa pala siya may sakit tapos hindi niyo man lang sinabi samin!" -Ray
Ayan na. Napasigaw na.
Kabahan ka na Jayjay.
"Sabi namin nila tito sabihin sainyo, pero siya yung nag decide na wag daw muna okay?" hayaan ko munang pag initan nila si Jayjay. Wala lang hahahaha.
Medyo dinilat ko yung mga mata ko at nakita ko na busy ang buhs sa pagsasabon ng mga tanong kay Jayjay.
Nakaharap sa hospital bed yung sofa kung san nakaupo ngayon si Jay, tapos naka palibot sakanya yung mga kaibigan ko.
"Dapat ikaw nalang nagsabi samin! Jusko naman!" -Chesca
"A-ano ba y-yan. Siya nag desisyon non" Woaw. Nabubulol na siya sa buhs.
"Eh alam mo naman kung anong tama sa mali diba! alam mo namang mas makakabuti na ipaalam samin!" -Mariel
"Edi kung di siya inatake kanina di pa namin malalaman? Ganon ba yon ha?" -Joy
"......." natakot na ata si Jay hihihi.
"Kinakausap ka namin Jerome Cuanco! Sumagot ka nga!" -Lucy
"Oo, ga-ganon na nga. Siya kasi kausapin niyo. Bat ba ko" -Jayjay
Nakita kong mas lalo siyang nilapitan ng buhs. Tsk tsk.
"Uh-oh. Wrong move jayjay" natatawa kong sabi habang kumakain ng Orange galing sa table.
We're talking about buhs. Dont talk shits when they're serious. Kaya nilang makipag away pag may nangyaring masama sa isa.
Sabay sabay silang napatingin sakin ng narinig nila ang boses ko. Nagsilapitan sila sa tabi ng bed ko at naiwan don si Jayjay na nakaupo na parang nabunutan ng tinik ng lumayo na sakanya yung buhs.
"Hahahahahahahahaahahahha bat niyo naman kinawawa si Jayjay" tinignan ko yung buhs na nakapalibot sakin. Sabay baling kay Jay "Jayjay! Pinahirapan ka ba nila? hahahahahaha"
Hindi ko talaga mapigilang di matawa. Yung mukha kasi ni Jayjay eh, tas idagdag mo pa yung buhs na yung iba parang maiiyak na tas yung iba seryoso ang mukha.
Ehem. Seryoso na sila, baka kaylangan ko na mag paliwanag.
"Okay. Uhm buhs, mag chill muna kay -----" Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi sumigaw agad sila.
"WTF ANONG CHILL!!!!" Napatakip ako ng tenga ko sa lakas ng sigaw nila. Wow. Nag practice ba sila habang tulog ako? Sabay sabay eh.
"Patapusin niyo kaya muna kooo!" sigaw ko rin sakanila kaya ayun tumahimik sila. "This summer ko lang nalaman na may ganto pala ko. Kasama ko non si Jayjay sa bahay kasi pumunta sila don ni Tita. Nanonood lang kami non ng comedy movie, tawa ako ng tawa ng biglang nanakip yung puso ko. Syempre dahil doktor naman si tita binigyan niya ko ng first aid. Like niluwagan yung damit ko something. Pero nung sinabi ko na sumisikip lalo ng dibdib ko dinala na ko nila papa sa ospital. Si tita yung naging doctor ko. Dun nalaman na may sakit akong ganto."
BINABASA MO ANG
I'll be gone
Teen Fiction"It's hard to be happy because I know that happiness won't last...because sooner or later I know that ill be gone" - Dianne Jennifer Romero True love pains both of you.