3 days na din ang nakalipas mula ng mangyari yon. Wala yata akong pag asa. natulog lang sya buong klase at hindi nya ko pinatabi sa kanya. Huhu nakakaiyak!
Nandito nga pala ko sa ilalim ng puno habang tulala sa 3rd floor. Oo sa 3rd floor nandun kasi ang mahal kong nico sobrang gwapo nya talaga!
Bumilis ang tibok ng puso ko ng mapatitig sya sa mata ko. Nginitian ko sya at inirapan nya ko! What?! Inirapan nya ko! Huhu ang suplado nya talaga. Pano kaya nya ko mapapansin?
Nakasimangot ako at nag punta sa canteen nag order ako ng nag order. Naka-simalmal ako habang kumakain.
"Beb anyare sayo? Gusto mo bang maging baboy? Bakit parang byernesanto yang pag mumuka mo?" Parang nandidiri ang itsura nya habang sinisita ko.
Maluha luha ako"beb si nico di nya ko pinapansin." Sabi ko habang maiiyak na at punong puno ng pag kain ang bibig ko.
"Kailan ka ba nya na pansin? Saka pano ka nya mapapansin tignan mo nga yang sarili mo." Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa at napa ngiwi sya.
Katulad ng ginawa nya tinignan ko rin ang sarili ko. "Okay naman ako ah? Maputi naman ako. At matangos ang ilong ko, maganda rin ang mapupula kong labi at mapink na pisngi." Nag-papacute ako sa bff ko.
"Ay ang kapal mo neh! Ang gaganda nga ng katangian ng mukha mo e yang bilbil mo?! Saka kailan ka ba huling nag suklay ha?" Ang laki ng mata nya habang sina sabi nya yun sa pag mumukha ko.
"Aray beb! Ang hard mo wala ka manlang pasintabi!!" Pag tataray ko sa kanya.
"Tigilan mo na kasi ang pag kain ibigay mo sa nagugutom! Timawa ka kasi e! Hala! tayo dyan mag gi-gym tayo!" Sabi nya seryoso ba sya?
"Beb libre mo?" Sabi ko habang excited sa gagawin namin.
"Ang yaman yaman mo puro ka palibre! Timawa ka talaga! Mali di pala tayo sa gym mag pupunta ngayun. Tutal naman half day lang tayo sa salon muna tayo, mag papakulay kasi ako." Sabi nya at naka pamewang pa ang gaga!
"Oo na! Sigurado ka bang mapapansin nya na ko pag sumunod ako sayo?" Tanong ko ng may halong pag dududa.
"Beb mag tiwala ka lang sakin. Tayo na dyan pag tapos na tong mga ipapagawa ko sayo ikaw naman ang pag papantasyahan nya!!!" Ngiting tagumpay na agad ang bff ko.
Sa salon.........
"Good afternoon mam! Ano pong ipapagawa nyo?" Nakangiting tanong nitong magandang bakla.
"Ako hair color lang. Tapos itong bestfriend ko paki rebond and hair color na din." Si mia ang sumagot.
Naupo na kami at may nag asikaso na samin.... After 6hrs....tada! Ang laki pala ng ibinibigay ng buhok sa itsura ng tao..
Tinititigan ko lang ang itsura ko sa salamin."ano beb ang ganda mo no? Nag dududa ka pa ba sa kaya kong gawin?" Sabi ni mia at ako naman ay iiling iling lang para iparating sa kanya na walang duda kaya nya kong gawing dyosa! Hahaha nag tawanan kami sabay apir!
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
عاطفيةFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat