Pag katapos kumain ay nag pasya na ang lahat mag swimming. Kasora na tong besfriend ko ha! Huhu naka jackpot sya kay archie bukod sa cute na e sweet pa....
Nag lakad na kami ni andrew hinatid nya muna ko sa room ko at saka sya umalis.
Pag pasok ko sa kwarto wala pa si anne kaya naligo ako at nag bihis ng pang swimming. Nag two piece ako at sinoot yung butas butas kong pasando na hanggang ibabaw ng tuhod.
Pag baba ko sa lobby nakita ko si andrew nag lakad lakad kami sa tabing dagat.
"Rica bagay sayo yang suot mo."
"Nakakahiya nga e. Hindi naman ako sanay ng ganitong soot."
"Okay lang bagay naman sayo. Lalo ka ngang pumuti e "
Tumawa lang ako.
"Ahmm rica pwede ba tayong mag dinner ng tayong dalawa lang mamayang gabi?"
"Oo naman ikaw pa! Basta ba sagot mo e!" Saka ako tumawa ng malakas.
Nag lakad lang kami. Hindi ko sinasadyang mapalingon sa lalaking top less at naka shorts lang nakasampay yung damit nya sa balikat nya. Kitang kita ko ang abs nya may dalawa syang kausap na babae! Inis na inis ako sa nakita ko pero Sino ba naman ako Hindi ba?
Inakbayan ako ni andrew medyo nagulat ako kaya inalis nya.
"Okay lang." Ngumiti ako sa kanya ibinalik nya yung kamay nya. "Andrew si mia pala iniintay na siguro ko non" kaya bumalik na kami.
Habang nag lalakad kami napapansin ko na sumasabay samin yung babae sa palagay ko ay hindi sya napapansin ni andrew. Maya maya ay umakbay na ang babae kay andrew"andrewwww" sabi ng babae sa tila excite na excite.
"Oh.. Hi andy!"
"Hindi kana nag paramdam ands 5 years?" Patanong nya kay andrew
"Is she your girlfriend?" Tanong nya kay andrew pero sakin nakatingin.
"Ah... Andy this is rica nililigawan ko" siniko ko sya.
Tumawa sya."totoo naman ah." Sabi nya sakin.
"And rica this is andrea my friend" iyon lang at parang may nakita akong lungkot s mata ng babae.
"Nice to meet you rica. You're lucky, I promise" tatango tango sya.
Nag shake hands kami.
"Andrew nandito yung natin. Hinahanap ka kinocontact ka pero super busy mo yata. Tara mamaya pasyal ka samin.. " sabi nya.
"Okay. Number mo tatawag nalang ako mamaya." Sabi ni andrew dinukot ni andrew ang cellphone mula sa bulsa nya at ibigay sa babae. Nag tipa.
Pag kasoli ng cell phone ay mag papaalam na dapat ang babae ng mag labasan ang 2 babae at tatlong lalaki.
"Long time no see drew!!" Sabi ng mga lalaki at nag yakap yakapan.
Napansin ako nung dalawang lalaki.
"Sya ba drew??" Tumawa lang si andrew.
"Hindi pa mga tol "
"Ah Hindi pa daw ohhh! Tara sama ka samin tagal mo kaming pinag taguan e! Kayo ni andy nag break tol bakit pati kami iniwan mo..." sabi na may something e.
"Ah andrew sige na mauna na ko sayo." Sabi ko kasi hanggang lupa na siguro nguso ni mia.
"Ihahatid na kita "
"Hindi na ang lapit lang e. Sumama kana sa kanila sulitin mo na to" ngiti ako at nag lakad na palayo.
Wala ng nagawa si andrew kung hindi sumama na syempre iniwan ko na sya e.
Nag lalakad ako pabalik ng may mag salita sa likod ko. "Oh bakit hindi ka sumama sa boyfriend mo?"
"Hindi ko sya boyfriend."matabang na sagot ko.
"Kala ko kayo na. Di ba nag usap kayo? "
"Pag nag usap kami na agad! Sus dyan kana nga."
"Yes!!" Sigaw nya napatingin ang ilan samin.
"Ano bang ni ye-yes mo?!" Naiinis ako baka mamaya ano isipin ng tao.
"So may chance pala ko. Liligawan na kita mula ngayun ha." Sabi nya at saka umakbay sakin. Inalis ko yung kamay nya.
"Oy mister ang sabi mo manliligaw ka. Kaya Hindi pa tayo! Kaya yang kamay mo wag mo ikapit sakin!"
Nag iba ang aura nya hindi na sya nag susunhit at ngingiti mgiti pa ang loko.
"Pero bago ang lahat." Huminto sya sa pag lalakad hinubad nya yung sanding kanina ay nakasampay sa bakit nya.
"Isuot mo yan" inilagay nya sa kamay ko.
"Pero bakit ko naman susuotin yan!"
"Kanina ko pa gustong gawin yan. Hindi ka manlang ba pinigilan ni andrew lumabas ng ganyan? Nag lalawitan na mata ng mga lalaki dito! Gusto ko ako lang makakita nyan.! " sabi nya.
Hawak ko pa din yung damit."gusto mo ba ako pa mag suot sayo nyan ha?"
"Oo na eto na." Pabulong bulong ako.
Nakasimalmal Para naman kase kong tanga na to e. Beach tapos tagong tago! Hindi ko manlang ba maeenkoy tong outfit ko!" Sabi ko at umirap."May sinasabi ka ms.mendez?"
"Wala!"padabog ko.
Nung malapit na kami sa hotel nakita ko si mia at archie pati na sila bryan. Kinawayan kami ni melvic ng makita kami. Nung mag kakalapit na kami ay nag sipunta kami sa cottage.
"Beb maria clara ang peg mo?" Pag kakita nya sa soot ko.
Sumimangot ako at tumingin kay nico.
"Hayaan mo sya kesa labas kaluluwa nya". Sabi ni nico at nag bukas ng softdrinks.
Nakasimangot lang ako. "Swimming na tayo." Sabi ni melvic.
Nag hubad na ng pang itaas si bryan at melvic. Si mia,iris at jenn naman ay naka two piece. Ako? Pano ko?
"Ikaw beb ayaw mo pa talaga tanggaling yan?"
Tumingin muna ko kay nico. Tumango sya sabay hubad ng sando yung pang ibabaw kong damit kaya naka two piece na din ako. Bakit ba kasi nag papa-under ako eako dapat nasusunod e.. Hayyyyy...
Nag si takbuhan na kami sa tabing dagat nasa pinakamababaw lang ako ayaw pa lumusong ni nico nasa cottage pa din kasi sya. Mamaya may lumapit saking lalaki."miss nag iisa ka yata." Nakangiti tung lalaki kaya parang nakainom na to.
"Hindi may kasama ko." Luminga ang lalaki"wala naman akong nakikita Tara na." Hinawakan ako ng lalaki sa braso at hinila paalis ng dagat ng boggsssss. Tinamaan na sya ng kamao ni nico
"Brad bat ka ba nakikialam sino ka ba ha?" Sabi ng lalaki habang papatayo at hawak ang dumudugo nyang labi" ako ang una nakakita dyan akin na yan." Sa ka takot ko nag tago ako sa likod ni nico! "Girlfriend ko lang naman yung mamanyakin mong pakyu ka!" Pag kasabi nya non ay sinapak ulit ang lalaki!"umalis kana kung hindi aalis ka sa resort na to!"
"Sino ka bang pakialamero ka!"
"Bobo ka rin e hano! Girlfriend ko yung binabastos mo at resort ko to!" Mariing sabi nya.
Nakahalata naman yung dalawa nag si ahon sa tubig at tinapik sa balikat si nico. "May problema ba bro" sabi ni bryan." Ano g meron dito?" Sabi naman ni melvic.
Natakot yata yung lasing at umalis na sa harapan namin! "Kita mo na dahil sa soot mo na babastos sya sabi ni nico." Napahikbi ako. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala ko sa cottage.
"Lasing lang yung tao baka wala sya sa sarili nya."
Hindi kumibo si nico.
"Isuot mo yung damit."
"Ayoko!" Pag maatigas ko.
"Insidente lang yung nangyari lasing lang yung lalaki!" Sabi ko
"Fine! Bahala ka! Umalis sya ng cottage Hindi ko alam kung saan nag punta.

BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
RomanceFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat