Para to sa matyagang nag babasa at nag bo-vote saking storya. sana magustuhan mo ang chapter nato. pasensya na antok na kasi ko at pagod. haha
---------
Umuwi na kami ni andrew buti at madali ko syang napapapayag at hindi na nya pinatulan ang nico na yun. sino sya para manumbat. pwe!!!
nakakagigil talaga sya naiiyak ako sa galit. buti pa si andrew pag ayaw ko hindi nya ginagawa. hindi katulad nyang walang ginawa kung hindi pasayahin ako ng sandali at saktan ako palagi.
naupo ako sa sofa. dito na ako tumira sa binili kong condo nag istay naiinip kasi ako sa bahay. e dito sa condo ko malapit ang mall at park kaya mainip man ako lalabas nalang ako.
naalala ko ang nangyari sa mall bakit ba parang ako pa ang may kasalanan ng pag hihiwalay namin? sasabihin ko bang anak nya to? maniniwala kaya sya? hay nako bahala na wala na kong pakialam sa kanya kaya dapat hindi ko na sya iniisip.
sa sabado ay uuwi nako sa bahay namin dahil uuwi na sila mommy ng sunday. speaking of my mom. kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa.
tinawagan ko si mommy nakakadalawg ring palang ay sinagot na nya. "oh anak may problema ba?"
"no mom. kakamustahin ko lang kayo."
"okay lang kami ng daddy mo. e yang apo ko malakas ba sumipa? alam na ba ang gender?"
"opo ang likot nya. hindi pa po namin alam ang gusto ko surprise."
"mag pa ultrasound kana anak para malaman na natin ang gender at maipagshopping namin ni daddy dito."
"wag kana mag abala ma." sabi koo
"e si nico alam na ba nya? sinabi mo na ba?"
"hindi pa mommy hindi ko na siguro sasabihin sa kanya."
"karapatan nya malaman yan."
"pano kung hindi sya maniwala saka pano kung masaya na pala sya sa pamilya nya."
"problema notpya na yun. ang mahalaga ginawa mo ang part mo nasabi mo sa kanya." sabi ni mom.
"wag na nga natin syang pag usapan mommy. nasisira lang araw ko."
"basta ipaalam mo sa kanya yan. tandaan mo sa huli ang pag sisisi. ano man ang mangyari kami bahala sayo at sa baby mo. alam mo namang lagi lang kami ni daddy sa tabi mo."
"alam ko po yun mommy pero natatakot ako sa maaaring mangyari. baka mamaya ayaw nya sa anak namin masasaktan lang ako at madadagdagan lang ang kasalanan nya sakin." sabi ko. totoo yun ayokong nasa loob palang ng sinapupunan ko ang baby ko ay ma-reject na.
"don't over think rica."
"pag iisipan ko mommy." malatang sabi ko.
"okay mag pahinga ka lang dyan. at alagaan mo si baby." sabi mommy.
"opo mommy nako spoiled na spoiled na nga ako sa pag aalaga ni andrew samin ni baby."
"hija speaking of andrew. nanliligaw ba sya sayo?"
"mom mahabang kwento. pag uwi mo ay mag gigirl talk tayo."
"okay sige hija at pagod si mommy."
"okay mom bye love you:*" sabi ko
"okay honey ingat ka dyan love you more."
yung proposal nga pala ni andrew. hindi ko pa alam hindi pa handa ulit ang puso ko. alam ko namang magiging mabuti syang ama sa anak ko kahit ni kapatak ng dugo nya ay wala sa bata. hindi mahirap mahalin si andrew sa mga katangian nya pero itong puso ko ang makulit e. hayy kung pwede lang sana turuan ang puso at baguhin ang nararamdaman. damn you rica! ang gulo mo!
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
RomanceFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat