Chapter 32

770 15 0
                                    

Pag alis ni nico ay inaya ako ng mom nya at mga kapatid sa living room.

Pag kaupo namin ay tinanong na nila ko ng tinanong.

"Hija san ka ng collage?"tanong ng mom nya.

"Pareho po kami ni nico. school mates po kami nung first and second year classmates na po kami nung 3rd year. " pag papaliwanag ko.

"Mom baka Hindi sya yun kasi diba nabulag yun?" Sabi ni cindy.

"Sya yun titigan nyo sya!" Sabi ni ate mira.

Tinitigan naman ako nung mom at lil sis nya.

"Kamuka nya nga pero chubby yun e." Sabi nung mom nila

"Bawal pumayat?" Sabi ni cindy at mira ng sabay.

"E sige nga sabihin na nating sya.E bakit nakakakita sya?" sabi ng mommy nya.

"Bawal mag paopera?" Sabay ulit nung dalawa.

"Oo na! hindi nako nanalo sa inyo! Tanungin nalang natin sya." Parang alam ko na yung pinag usapan nila.

Nag salita yung mom nila. "Ako nga pala si adel" panimula nya.

"Ahmm hija maitanong ko lang alam mo ba yung naging insidente sa school nyo 2years ago?" Sabi nya. Hinsi ko alam yung sasabihin nya pero parang alam ko na yu g tinutukoy nya. Iniintay ko pa yung sasabhin nya pero biglang dumating si nico. "Mukang seryoso pinag uusapan nyo ah." Sabi nya.

"Wala anak okay na ba? Kanina pa nag tetext ang dad mo nag sisimula na daw mag datingan yung tao." Sabi ng maam nya.

"Ahhmm maam pagamit po ng c.r" sabi ko.

"Hija mommy nalang ayoko ng mom" naka pout pa ang ginang.

"Sige po maam. Ay mommy po." Pag uulit ko.

"Baby samahan na kita." Singit ni nico.

Nag lakad kami patungo sa c.r nila. Gindi ko alam kung dapat ko ba itanong kay nico o manahimik nalang ako. Tahimik lang ako."baby may problema ba?" Sabi ni nico at umakbay sakin.

"Ah.. Wala may naalala lang ako." Pumasok ako sa c.r naiwan na sya sa labas. Pag pasok ko napatingin ako sa salamin. Naalala ko na naman ang nakaraan pero Hindi na sing pait ng dati. Iba na ngayon alam kong mahal ako ni nico at hindi nya ko pababayaan. Bago lumabas ay kinalma ko muna ang sarili ko. Pag labas ko ay yumakap ako ng mahigpit kay nico. Ayoko ng balikan yung nakaraan masaya na ko sa kung anung meron kami ngayun.

"Hey are you alright?" Tanong ni nico. May maliit na butil ng luhang pumatak mula sa mata ko hinawakan ako ni nico sa mag kabilang mula. "May problema ba tayo?" Mahinahong tanong nya. Umilimg ilimg lang ako. "Masaya lang ako sa relasyon natin." Sabi ko at hinalikan nya ko sa noo pumikit ako para maibsan nararamdaman ko. Pag katapos kong mag emote at bumalil na kami sa sala.

"Mommy Tara na. Si nico ang nag drive ako yung katabi nya. Sila mommy adel ,ate mira at cindy sa back seat.

Habang nasa byahe kami ay nag kwentuhan kami.

"Rica ilang buwan na ba layo nitong si nico? " tanong ni mommy adel.

"kahapon lang po mommy." Sabi ko. Napaka saya ng pamilya nila parang mag babarkada lang sila sina mom and dad bigla ko tuloy na miss.

"Ganon ba. Hindi naman nag mamadali itong si nico namin hano? Alam mo bang ikaw pa lang ang nadala nyan sa bahay at ipinakilala samin? Akala ko nga ay bading yang nag iisa kong lalaki." Sabi ni mommy adel natuwa naman ako sa nadinig ko. Pero si mikee hindi ba sya nadala ni nico pero di ba first love nya si mikee. Hindi ko na nga iisipin yon ang mahalaga naabot ko na yung pangarap ko. Si nico. Haha landi e no. Pag bigyan minsan lang babanat e.

"Talaga ho! E balita ko ho babaero ito." Sabi ko sabay tingin kay nico kala ko maiinis sya e. "Baby naman ikaw nalang naman ngayun." Hinawakan nya yung kamay ko. Napaka sweet naman talaga.

"Oo pero may naging girlfriend yan kailan lang rissa yata. Nabalitaan lang namin hindi nya sinabi samin."

"Hep tama na yan. Wag na nating pag usapan love life ko. " pag awat ni nico.

"Hay nako hayaan mo na minsan lang mag kwentuhan e "

"Ate rica sa bahay kana matulog." Sabi ni cindy.

"Nakakahiya naman."

"Ano ka ba sige na girls talk tayong tatlo mamaya. Hindi kasali si mommy." Sabi ni ate mira.

"Ang daya nyo." Sabi ni mommy adel.

"Oo nga mommy wag kana sumali. Saka kailangan mo mag pahinga mamaya di ba bukas na ng hapon flight nyo." Singit ni cindy.

"Nako may boyfriend na siguro ang bunso na ayaw ipaalam sakin." Sabi ni tita adel.

"Wala mommy. After collage ako mag boboyfriend." Sabi nya.

"Ano na baby?" Tanong ni nico.

"Nico kahit pumayag sya separate room kayo!" Sabi ni mommy adel.

Namula yung pisngi ko sa sinabi nya. Nakakahiya sa age naman kasi namin alam na! Haha

"Bakit mom? New generation na po. panahon pa ng hapon yang separate na ya--ahhh!" Kinurot ko sya sa braso.

"Sakit nun ah bakit ka ba nangungurot!"

"Ang daldal mo kase tama naman si mommy adel." Sabi ko.

....VENUE...

May maidad na lalaking sumalubong samin pero halata pa rin ang kagandahang lalaki nito. Humalik ang ginang at dalawang babae pati si nico ko ay tumakap sa ama. "Ahm dad girlfriend ko po at future manugamg nyo" sabi ni nico.

"Good evening po sir" sabi ko saka humalik sa pisngi daddy nya.

"Hay anu ka bang bata ka daddy leo na lang itawag mo sa kanya. Hindi ba darling." Sabi ni mommy adel.

"Oo nga naman hija. Darling mauna kana sa loob at madaming nag hahanap sayo." Sabi ni daddy leo.

"Mana sakin itong anak ko sa pag kilatis ng babae." Sabi ni daddy leo.

"Tara na kayo doon. Nag kakainan. Wag kang mahiya hija puro kamag anak at kaibigan lang namin ang nandirito.

Pumasok na kami sa loob. Ganito pala tung pakiramdam na maging boyfriend si nico. Hindi nya ko ikinahiya. Ipinakilala nya ko sa lahat sa tito, tita, mga pinsan at pamangkin nya. Ang babait nilang lalo na yung family ni nico.

Sa sobrang saya ko ngayung araw parang sasabog yung puso ko. Yungga inaasahan kong mangyayari ka baliktaran. Kapapanood ko kasi ng drama to e. Para kong nasa cloud 9 wala akong pag lagyan ng kaligayahan ko. Sobrang thank you lord!!!!

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon