Umalis ako sa lugar na iyon. Umuwi ako sa amin at nag iiyak. Hindi ko alam kung kaya kong harapin ang priblemang ito. Ako ba ang magiging kontrabida sa buhay ng walang muwang na sanggol na iyon.
Umiyak lang ako ng umiyak walng pumapasok sa utak ko. Hindi pa nag tagal ay kinatok ako ni manang. "Hija nandito si nico sa ibaba hinahanap ka." Lalo akong naiyak ng marinig ko ang pangalan nya.
"Papasukin nyo ho sya." Garalgal ang boses ko.
Pumasok si nico sa silid ko niyakap agad nya ko ng makita nya ko. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi ko talaga kakayanin kung mawawala sya sakin. "Baby sorry. Sorry ha puro sorry nalang ako. Hindi ko alam kung pano ko ito haharapin. Ilalaglag daw ni rissa ang bata pag Hindi sya ang piliin ko. Ayokong mawala ang anak ko." Gumuho ang mundo ko sa narinig napabitaw ako sa kanya at tumingin sa mata nya.
"N-nakikipag hiwalay ka ba.?" Nanginginig kong tanong.
Hindi sya kumibo. Alam ko na ang sagot. Pinag hahampas ko sya sa dibdib.habang umiiyak niyakap lang nya ko ng mahigpit at umiiyak."sorry baby. Hindi ko alam ang gagawin ko mahal na mahal kita pero ayokong mawala ang inosenteng bata na sari kong dugo't laman." Sabi nya. Tumigil ako sa pag hampas sa kanya. Tumayo ako sa kama at tumalikod sa kanya. Doon ako sa bintana humarap. "Makakaalis kana." Sabi ko at patuloy pa din sa pag iyak.
"Rica patawarin mo ko. Pero pag ka panganak nya ay babalik ako."sabi nya na patuloy ang pag iyak.
"Kung may babalikan ka pa." Magulo ang utak ko hindi ko alam ang tamang salita at tamang gawin. Alam ko namang inililigtas lang nya yung anak nya pero pano naman ako. Pano naman kami. Hindi sa makasarili ako pero pwede syang mahulog muli ay rissa.
Umalis na si nico. Nakaharap pa din ako sa bintana. Nakita ko sya sa baba nakatingin muna sya sa bintana ng kwarto ko at tuluyan ng sumakay ng sasakyan nya at umalis. Tinignan ko yung sasakyan nyang palayo. Naiiyak pa rin ako. Yung pag alis ba nya na to ay huli ng paghaharap namin bilang kami?.
Nahiga ako sa kama ko at sumubsob sa unan. Nakatulog ako kakaiyak.
Pag gising ko. Tinignan no yung cellphone nya.
From: baby <3
I'm so sorry baby. Mahal na mahal kita pero mahal ko din yung anak ko. Please baby pag isipan mo namang mabuti. Manganak lang si rissa babalik ako sayo. Hindi ko kayang mawala ka ikaw lang babaeng dadalin ko sa harap ng altar at maging ina ng magiging anak ko.
___
Baby mag iingat ka palagi. Sana maintindihan mo ko. Sana mapatawad mo ko.
___
I love you baby... :((((Pag ka basa ko ng mga text nya. Pinatay ko ang cellphone ko. Ayoko muna sya makita o makausap. Ayoko munang isipin sya.
Hinanap ko ang number ni andrew sa contacts ko at i-dinial.
(Hello andrew!) Sabi ko sa kabilang linya.
(Umiiyak ka ba rica?)
(May nangyari ba?)
Umiiyak lang ako Hindi ako makapag salita. Sobrang sikip na ng dibdib ko sobrang sikip ng pakirdam ko. Hindi na ko nakapag salita bakad na sa boses nya ang pag aalala.
(Rica nasaan ka?) Hindi pa din ako kumikibo.
(Pupuntahan kita dyan.) Alalang ala ang tinig nya.
Umakyat si andrew sa loob ng kwarto ko. "Rica may nangyari ba?" Niyakap ko sya ng mahigpit. Ayoko sanang abalahin sya pero sya ang unang taong pumasok sa isip ko.
"Andrew... Sobrang sakit... Bakit naman ganito e..."
"Rica tama na. Anu bang nangyari."
"Si nico. Wala na kami." Napapalakas na ang pag iyak ko nahihiya ako pero wala akong magawa
"Ano ginawa ng gagong yun?!" Pagalit na sabi nya.
"Nabuntis nya si rissa nakipag hiwalay sya kasi ilalaglag ni rissa yung baby" paliwanag ko.
"Gago talaga. Hindi sya lalaki!" Sabi ni andrew.
"Andrew pasensya na ha. Ginugulo pa kita." Sabi ko.
"Rica natutuwa nga ako na ako ang nilapitan mo. Wag kang mag alala nandito na ko." Niyakap nya ko ng mahigpit. Niyakap ko rin sya.
Masaya na si mia ayokong alalahanin pa nya ko.
"Rica gusto mo bang kausapin ko yang si nico."
"Wag na. Ayoko na syang makausap pa."
"Sumama ka sakin sa mew york?"
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
Storie d'amoreFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat