Chapter 24

871 20 0
                                    

Day off ko at ni mia. Ang dami kong ikukwento sa kanya.

"Beb Tara na mall." Sabi ko sa kabilang linya.

"Nako beb may chika ko sayo! Papalakpak tenga mo!" Sabi nya.

"Ako din madaming baon na kwento. Haha" sabi ko.

Umalis na ko ng bahay at nag diretso sa mall. Naupo muna ko sa bench ng mall habang iniintay ko ang madiwarang mia!

Naka t-shirt lang ako ng vneck na white, black short hanggang gitna ng hita at red na sapatos. Dala ko ang bag pack kong maliit.

Sanabi ko sa kanya kung saan ako naka pwesto at nakita naman nya agad ako. Kinawayan ko sya at kumaway din sya.

Nag yakapan kami nung mag kalapit kami. "Beb I miss you... Sabi na sakin!" Bumitaw na kami at nag pout sya

"Mas na miss kita! Busy ka kasi sa boyfriend and sa work! Iisa nga pinapsukan natin twice a week lang tayo mag kita at di pa tayo makapag."pag da-drama ko.

"Nako beb break na si nico at rissaaaa!" Pag tili nya.

"Alam ko. Ako na daw gusto nya e" seryosong sabi ko. Hindi makapaniwa sya.

"Beb mag kape ka nga ng magising ka sa ilusyon mo.!"

"Beb seryoso na kasi." Sabi ko sa kanya.

"So di ka nag bibiro?" Sabi nya di pa din maka paniwala.

"Oo seryoso ko.!" Ayun nga kinwento ko lahat pati yung sa kitchen. Haha

"Ganon!!! Bakit ngayin ka lang nag kwento late na pala ko sa mga pangyayari sa buhay mo!"

"E kasi nga busy tayo pareho "

Nalakad lakad kami at nag hanap ng nakakainan. "Tsaka bev si andrew natatandaan mo pa ba sya?"

"Chunga oo naman! Investor nga ng kompanya yun diba."

"Oo beb nililigawan nya ko." Papahina ang boses ko.

Papasok na kami sa isa sa mga kainan dito!

"What?!"napasigaw sya tinakpan ko ang bibig nya nakakahiya kasi napatingin yung ibang kumakain sa kanya.

"Oo nga!"

"Oh.my.god!!!! Ang haba naman ng buhok mo! So anong plano?" Tanong nya.

"Anong plano?"

"Malamang Sino ba ang sasagutin mo sa dalawa ewan. Naguguluhan ako"

"Team andrew ako pero alam ko namang yung sasagot team nico!" Pawalang ganang sabi nya.

"Beb di ko na alam gagawin ang bait kasi ni adrew at..." hindi ko na natapos ang sasbihin ko dahil dinuktungan na nya.

"At mahal mo si nico!" Sabi pa ng gaga.

Hindi ako nag salita. Takot kasi ako. Mabait si andrew at ideal boyfriend ang datingan nya. Si nico naman manyakis at paasa.. Huhu Lord help ituro nyo ang tamang lalaki.

"Hoy ano order mo." Sabi ni mia.

"Parehas nalang tayo hanap lang ako ng bakanteng table."

Kumakain na kami at nag kwentuhan pa.

"Beb nag paplano daw ng outing si nico ah." Sabi ni mia.

"Ha? Di ko alam."

"Si archie lang sabi sakin sa resort daw ng pamilya nila nico."

"Ah hindi ko alam!"

"Parang hindi ka interesado? Next week daw yun gaganapin."


"Hindi kasi ko mahilig sa swimming na yan e! Alam mo naman di ko kaya makipag sabayan sa mga naka lantad na katawan na babae."

"Gaga iba noon iba ngayun. Majuba ka noon sexy kana ngayun kaya keri lang."


Nahihiya ako Hindi ako sanay ng naka swimsuit!

.......

Pag pasok ko ng opisina nabungaran kong may pinag titinginan ang mga katrabaho ko sa bulletin.

.ay Tara na sa mall mamaya tingin tayo ng swimsuit!.

.oo tsak na kasama si sir nico sa outing.

.nako e kasama naman nun si rissa yung plastic nyang girlfriend!

.balita ko break na sila kasi. Nung nakaraan daw nang galing si rissa plastic sa opisina ni sir pag labas parang kakain na ng tao.


.chismosa mo! Mamaya nyan LQ lang.

.malay nating pareho!.

At nag tawanan ang dalawang bruha.

Ang dami palang nag papansya dito kay nico. Sabagay kahit saan naman siguro sya dalin pag papantasyahan sya.

Pag akyat ko sa 20th floor parang may nadinig akong nag kakagulo sa opisina ni sir nico. At dahil dalahira ako idinikit ko ang tenga ko sa pinto.

"Tapos na tayo rissa! Marami pang lalaki dyan Hindi lang ako. Maganda ka madaming mag kakandarapa syo."

"Pero ikaw ang gusto ko!"

"Sorry pero may ibang nag mamayari ng puso ko!"

"Sino si rica. Nico mag isip ka isa lang syang wala! Wala syang maipag mamalaki sayo! Sabihin na nating nangayayat nga ang baboy na yun! Pero look nicl wala syang pag aari! Ang meron lang sya yung nanay nyang kasing lampa nya! Tatay nya ayun sa ibang bansa hirap na hirap kakatrabaho kasi wala silang sariling pag aari. Ako ano pa bang kulang. Maganda ako sexy! Mayaman! Hindi sya magugustuhan ng magulang mo!"


Naluha ako sa mga narinig ko bakit kailangang madamay ang magulang ko. Tama sya wala nga kaming kayaman pero hindi kami pulubi! May katulong pa nga kami e. May bahay kami sa america. Hindi lang nila kami sing rangya pero may ipag mamalaki din kami! Maprinsipyo ang tatay ko!


"You know what?! Maganda ka,sexy,mayaman! Yes totoo lahat pero yu g ugali mo kabaligtaran ng pang labas mo! And oo din. Hindi kasing yaman mo si rica! Pero hindi ikaw sya!"


"Nico ano bang pinakain nya sayo? O sya ang flavor of the month mo huh?"

"Ano hindi ka makapag salita kasi totoo? Gusto mo lang syang gamitin!"


Nico please say no! Sabihin mong gusto mo ko! Sabi ko sa isip ko.

"Please rissa umalis kana!"

"Hindi mo masagot kasi totoo" gusto kong umalis pero kailangan kong madinig ang isasagot nya.



"Mahal ko si rica? Happy?" Totoo ba to?

Tumawa sya ng malakas"joke time ba to nico?" Sabi nya.


"Totoo yun! Umalis ka na. Hindi ako ang para sayo! Sa uuliting husgahan mo sya malilintikan kana." Sabi nya

"Ayoko dito la g ako akin kalang."pag mamatigas ng babae.

"Aalis ka ng kusa o tatawag ako ng gwardya?" Tanong ni nico.

"Bwiset ka!!!!" Narinig ko ang yabag ni rissa kaya nag tatakbo na ko papunta sa pwesto ko!


Pag labas nya ng pinto hindi ko sya pinansin kunwari wala akong na dinig.

"Happy now bitch?!" Sabi nya skin at inirapan ako!

Paki ko sayo! Haha pakyu ka deserve mo lahat ng yayari sayo!




Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon