Chapter 4

1.2K 28 0
                                    

1 week ng sa klase namin pumapasok si nico pero di ko pa sya nakitang nakikinig sa mga prof lagi syang nakudukdok. Pero bakit pag may quiz lagi syang una nag papasa at perfect pa! Aba hindi lang pala sya gwapo,hot,macho,masarap at matalino din.


Rica ang landi ng mga pinag iisip mo! Focus ka nga muna sa pag papapayat mo bago landi para sure na pag kirengkeng mo e sayo bagsak ni pogi! Bulong ng aking konsensya.


Labis ang pag ka bigla ko ng may librong bumagsak sa mesa ko. Tiningala ko ang babaeng dahilan ng pag ka gulat ko.

"Bakit? Ano kailangan mo?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Nang lilisik ang malandi nyang mata."umalis ka dyan palit tayo. Gusto kong katabi si nico baby ko." Pabulyaw nya sakin.

tinignan ko muna si nico na naka dukdok pa din. Binagsak nya ulit ni rissa demonyita ang libro sa kaba ko ay tumayo na ko para lumipat ng pwesto ngunit may humawak sa braso ko.

"Stay!"malamig at walang emosyong sabi ni nico.


"No! Palit tayo! Umalis ka dyang baboy ka!" Pasigaw nyang sabi nag tawanan ang classmates namin.



Naiiyak na ako sa sobrang kahihiyan. Ipinilig ko ang kamay ko upang mabitawan ni nico pero malakas sya.


Nag salita syang muli."shut the fvck up rissa!"

"But!....."pag mamaktol ni rica.

"No buts!."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Kinilabutan ako.


"Okay nico." Mahinahon si rissa at parang asong bumalik sa pwesto nya. Na nanggagalaiti sakin. Parang na nanaksak ang mga titig nya.



Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi nya nakakatakot sya. Napasunod nya ng ganun kabilis ang malditang si rissa. Hindi ko pa pala sya kilala.



Tulala lang ako buong klase walang pumapasok sa isip ko. Puro ang muka nyang walang emosyon at malamig nyang pakikitungo sa mga nakapaligid sa kanya. Ni minsan ay di ko pa sya nakitang tumawa o ngumiti man lang. Pero kinilig ako sa ginawa nya. Haha mas gusto nya kong katabi.



Maya-maya pa ay napansin nya siguro ang pananahimik ko at pag ngiti ngiti. Sobrang saya ko kasi napapansin din pala nya ko.



"Wag kang matuwa, ayoko lang talaga syang katabi." Ang cold talaga nya ang paraan ng pananalita at pag titig nya nakakakaba sya.


Nang mag palabas na ang prof namin ay agad na nilapitan ako ni mia.


"Beb anung eksena yung kanina? Mukang napapansin kana nya ah." Tila sya kinikilig.



"Che! Hindi mo ko pinag tanggol." Naka simangot ako sa kanya."alam mo namang mahina ang loob ko sa mga ganoong bagay." Totoo yon hindi ako marunong makipag away. Poor me!


"Syempre tumityempo lang ako. Saka kung sumingit ako agad baka di ka nya na ipag tanggol sa bruhang babae na yun." Ang galing talaga nya lumusot. Pero sa bagay may point sya.


"Oo na pinapatawad na kita. Tara nalang sa bake shop. Dahil pinakilig ako ni nico ililibre kita.!" Sabi kong masayang.


Siningkitan nya ko ng mata."anung bake shop? Gym tayo!!!" Determinadong sabi nya.


"Beb uwi muna ko mag bibihis ako at mag papaalam na din kay mom."pahayag ko


"Di ba sabi ko dalin mo na gamit mo."iritang tugon nya.

"E nag mamadali kasi ko kanina. Tapos naiwan ko yung paper bag na may laman gamit pang gym." Totoo naman iyon. Ang kulit kasi ni mom panay ang pakain sakin ng breakfast, kaya yon nailapag ko sa living room at nakalimutan ko ng damputin.



Sa gym.

"Kala ko di kana susunod e." Nakangisi sya at naka sando sya na doble,leggings at rubber shoes.

Ako naman ay naka t-shirt na white, naka leggings na black at rubber shoes pink. Diba complete details. Itinali ko rin pala ang buhok kong hanggang ilalim ng bra.

Maya-maya lang ay may pumasok na babaeng sobrang slim sa tingin ko sya ang trainer.

"Mukang may bago tayong member." Mataman syang nakatingin sakin at naka ngiti.

"Ah opo, kaibigan ko po sya." Si mia ang sumagot


"Hi po! I'm rica." Nakangiti ako sa kanya.


Hindi mag tagal ay nag simula na. Nag sayaw muna kami ng 10 song. oo 10 song zumba class ito na after mag sayaw ay may water break tapos pwede ka na gumamit ng kahit anong equipment sa gym. Pinag treadmill lang ako ng instructor. Tapos ipinaliwanag sakin ang mga susunod pa naming gagawin.



After gym....

"Beb una na ko may emergency sa bahay susunduin ako ni dad." Nag aalalang pahayag nya"pasensya kana ha hindi ka na namin maiihatid sa inyo."


"Okay lang ano ka ba itetext ko nalang si mom at papasundo ako sa driver namin. Wag ka na mag alaa sakin."nakangiti ako ayoko namang alalahanin pa nya ko.

"Sige, salamat ha. Eto na pala si dad. Bye beb ingat ka ha text mo ko pag nakauwi ka na." Nag mamadali syang sumakay sa kotse. Kumaway pa sya nung paalis na sila.

Nang itext ko si mom ay wala daw ang driver at sira ang kotse. Sabi ko nalang kay mom mag cocommute nalang ako. Habang nag aabang ako ng sasakyan ay may humintong itim na suv.


Kinabahan ako baka ma-rape ako. Dumagundong ang dibdib ko ng makita ang laman ng sasakyan. Si nico.... Teka anung ginagawa nya dito?


"Sakay!" Utos nya sakin sa nakakakilabot na tinig. Teka! Bakit naman ako sasakay sa kotse nya? Saan nya ko dadalin? Rarapin ba nya ko? Sana sana...no! Rica anu ba iniisip mo bakit papayag ka ma-rape?


Bumalik lang ako sa wisyo ng mag salita syang muli. "Sasakay ka ba o hindi? Delikado sumakay dito madaming loko!" Maangas na sabi nya.


Kinabahan naman ako kaya sumakay na din ako. At ito naman talaga ang gusto ko.

"Ikaw, wala ka bang balak na masama?" Ha! Rica anu ba yang tinatanung mo!


"What?!" Kunot noong tanong nya?



"Wala ka bang balak rapin ako?" What the fuck! Sa pag ka bigla ko ay natutop ko ang bibig ko.

Napangiti sya ng mapag laro na parang nag tatanong sya ng seriously? Hiyang hiya na ko, na mumula na ang pisngi ko. Pero teka! Tumatawa sya? Ako ang dahilan ng pag tawa nya?


"Ang cute mo talaga!" Sabi nya habang tawa pa din ng tawa.


Hindi lang nya ko napansin. Sinabihan pa ko ng cute... Omg! Mamatay na ba ko? Ang swerte mo rica!

"We're here." Pag basag nya sa katahimikan.

Teka bahay namin to ah. Pano nya nalaman? Stalker ko ba sya?

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon