makalipas ang 5 months..... nasa pilipinas na kami.
"ayoko andrew.."
"sige na, para makapag shopping na tayo." pamimilit nya.
"e ang gusto ko surprise."
"bahala ka walang damit si baby pag labas nya." sabi nya at hinihimas pa ang tyan ko.
"andrew tigilan mo nga yan nakakahiya." sabi ko. pano ba naman ay kakausapin yung tiyan ko at saka ididikit yung tenga nya kunwari ay sumasagot ito.
nandito kami sa mall at na nananghalian. nakakamiss talaga dito one week palang kami ni andrew dito sila mommy ay susunod sa amin dito next week gusto ko kasi pag nanganak ako kasama ko si mommy.
Nag tatawanan kami ni andrew ang kulit nya kasi. pag tapos naming kumain ay nag lakad lakad kami sa mall.
"rics samahan mo ko may bibilin ako." sabi nya. syempre naman tinatanong pa ba dapat yun? minsan talaga sarap katusan nitong si andrew e.
papasok na kami ng botik ng may pamilyar na mukha akong nakita napahinto ako sa pag lalakad at natulala sa kanya. ang gwapo pa din nya kahit medyo mahaba at magulo ang buhok nya at may iilang bigote ang tumutubo. miss na miss na kita nico. gusto ko syang lapitan at sabihin hey mag kakababy na din tayo. pero hindi ko magawa nangingibabaw pa din ang galit sa dibdib ko. mula ng lisanin ko ang pilipinas at sumama kay andrew sa ibang bansa ay pinilit ko na ding limutin sya. pano ko ba sya malilimutan kung nasa sinapupunan ko ang baby namin. alam kong galit ako galit na galit ako sa kanya. pero merong parte ko na gustong mag sumamo at bumalik sa kanya.
nawala ako sa pag iisip ng mag salita si andrew "hey are you alright?" takang tanong ni andrew.
"ahmm andrew pwede bang mag banyo muna ko? alam mo naman buntis ako madalas ako mawiwi." pag papaawa ko.
"okay tara samahan nakita"
"mabuti pa nga" kailangan kong makalayo sa kanya. hindi pa ko handang harapin sya. binilisan ko ang pag lalakad hinawakan ko sa kamay si andrew at mabilis na tinungo ang wash room. tinignan ko ang sarili ko sa salamin. alam ko namang hindi talaga malabong mag krus ang landas namin dito sa pinas. pero hindi ko pa kaya. hindi pa ko handang harapin sya, sila pano kung mag tanong sya kung sino ang ama ng bata. pano kung mawala ang galit sa dibdib ko? ayoko matagal ko na syang inalis sa buhay ko ayoko ng bumalik sa kanya puro iyak lang ang nararanasan ko sa kanya. napaluha ako ng mag balik ang alaala ng huli naming pag uusap kung saan tinapos na nya ang lahat sa amin. agad ko ring pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko. inayos ko ang aking sarili at lumabas na. pag labas ko nakita ko si andrew nakasandal sa pader.
"okay ka lang ba? rica?" seryosong tanong nya.
"o-oo naman, bakit hindi e pinakain mo kami ni baby ng marami " pinilit ko g ngumiti sa kanya.
"nakita ko sya." sabi nyang walang lingon-lingon.
"ha?" takang tanong ko.
"si nico. nakita ko sya kanina sa botik." sabi nya "kaya ka nag pasyang umalis sa lugar na yon ay dahil sa kanya. apektado ka pa din ba ha? " tanong nya.
"h-hindi naiihi lang talaga ko kaya."
hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na nya ang sasabihin ko. "wag kana mag sinungaling rica." sabi nya at na mulsa na. nag seselos ba to?
binilisan ko ang lakad at ikinawit ko ang kamay ko sa braso nya. "tara na my hero" ngumiti agad sya. gusto nya kasi na tinatawag ko syang hero. bagay naman sa kanya kasi pag kailangan ko sya nandyan lang sya para sakin mahal ko si andrew bilang matalik na kaibigan. alam kong may nararamdan pa sya sakin pero nahihiya ko. sino na lang ba ko? isa lang naman akong babaeng desgrasyada...
"rica I still love you." humarap sya sakin at hinawakan ako sa mag kabilang pisngi at hinalikan sa labi. nagulat ako sa ginawa nya kaya nanlaki ang mata ko. ang mga tao naman sa paligid ay nakatingin na samin. nakakahiya nababaliw na ba sya halikan ba naman ako sa harap ng madaming tao.
nang bitawan nya ang labi ko ay lumuhod sya sa harapan ko. "rica can you be my forever?" sabi nya sakin hawak ang box na red na may makinang na sing sing. sa bilis ng pangyayari ay napatanga lang ako sa kanya. hinawakan ko sya sa kamay nakakahiya na kasi ayoko namang ireject sya sa harap ng maraming tayo.
"ano ka ba tumayo kana dyan."
-miss pumayag kana ang gwapo nyan jackpot kana kay kuya.
-ate kung ayaw mo akin nalang
-papayag na yan.
kanya kanyang sigaw ang mga tao.
hinawakan ko sya sa kamay at ni yakap bumulong ako sa tenga nya. "hoy andrew ano to" sabi ko sa nya.
"iloveyou" sabi nya.
"pero hindi pa ko handa." bulong ko.
"tanggapin mo nalang yung box. habang nag iisip ka pag ready kana isuot mo ang sing sing pag wala ade isauli mo lang." sabi nyang nakangiti at hinalikan ako sa noo. iniabot nya ang box sa kamay ko.
sa hindi kalayuan ay may pumapalakpak palapit samin.
"congratulations to both of you." may panunuya sa boses nya.
hindi kami naka pag salita ni andrew. "mag kakababy na pala kayo. so nung umalis ka pala ng bansa ay pinalitan mo agad ako. nice game rica."
"pare wag naman dito." sabi ni andrew ako nakatingin lang sa mata nya. may lungkot at galit akong nakikita ano bang nangyayari sa kanya. mukhang pinabayaan na nya ang sarili sa hitsura nya ngayun.
hinawakan ko sa braso si andrew para iparating na wag na nyang patulan.
"rica ang bilis mo palang mag move on. sana naman hinintay mo mag 3 months bago ka nag boyfriend. e ikaw wala pang yatang 3 months nag pabuntis kana ang lupit mo. ang laki na ng tiyan mo ah kailan ka ba manganganak.?"
nasasaktan ako sa sinasabi nya. napapahiya nya ko sa harap ng maraming tao ang dami na ang napapatingin samin.
"pare wag mo namang bastusin si rica."
"wag kang maikialam dito andrew" kalmadong sabi nya.
hinawakan ko si andrew sa braso at hinala palayo ang dami kong gusto isumbat sa kanya. gusto ko syang sampalin. galit ako at mas lalo akong nagalit. gago sya.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
RomanceFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat