Sa school.....
Nag pasama ako kay mia sa klase ni ms.fuentes.
Nakita ko agad si mr. Stranger. "Pssssst....." nakuha ko agad ang atensyon nya at kinawayan ko sya.
Lumapit sya sakin ng nakangiti."oh? May kailangan ka ba?"bungad nya sakin.
"Ano ba kasing pangalan mo?" Tanong ko.
"Beb hindi mo pala si kilala pupuntahan mo. Nakakita ka na naman ng gwapo." Singit ni mia sa usapan."aray ko! Bakit ka ba nangungirot!"angil nya sakin. Pano ba naman ang daldal kaya nakurot ko sya ng manipi sa tagliran.
"Andrew miguel" iyon lang ang sinabi nya at bumalik na sa upuan nya kanina ng wala sali-salita.
"Ang weird nya...." tulalang sabi ko at halos pabulong.
"Beb alam mo."binitin nya ang sasabihin nya sakin at tinignan ko sya"ikaw ang weird e" nilakihan ko sya ng mata.
Nag tatakbo sya papunta room namin para kaming batang nag hahabulan. Natigilan ako ng maramdaman kong may nakamasid sakin. Nakita ng dalawang mata ko ang nakatinging si nico. Ng mapatitig ako sa mata nya ay agad ako nag iwas. Nanahimik ako at nag punta na sa upuan ko. Dinampot ko ang bag ko. Nakatingin lang sya sakin at wala akong mabasa sa mata. Huh! Paki ko! Wala na kong pakialam sa kanya. Joke! Huhu ang gwapo pa din nya kahit nabubwiset ako!
Umalis ako at nag punta sa pwesto ni rissa. Katabi kasi nya ang bff ko. "Rissa, palit na tayo. Kung gusto mo sa pwestong iyon ay lumipat kana." Sabi ko sa kanya. Bumakas sa mata nya ang saya at dali-daling kinuha ang bag at lumipat sa dati kong pwesto.
"Beb ano nakain mo at lumipat ka dito?" Tanong ni mia sakin.
"Kakalimutan ko na sya beb." At ikinweto ko ang nangyari bago ako mag kasakit at kung bakit nalaman kong may andrew sa mundo.
"Nang gigigil ako sa nico na yan!!!" Mariing sabi nya. "Pero okay lang yun beb mukang type ka ni andrew base sa kwenti mo." Sabi nya habang kinikilig kay andrew.
"Alam mo namang isang tao lang ang gusto ko."malungkot kong sabi
"Ganito pano kung ligawan ka ni andrew?"excited na tanong nya.
"Malay ko. Bahala na! Mag aaral nalang mina ko." Sabi ko.
Natapos ang mag hapon and thank god natiis kong hindi lingunin man lang si nico kahit isang beses.
Nang palabas na ako ng room ay hinarangan ako ni nico."may kailangan ka ba?" Hindi na katinging tanong ko sa kanya.
"Iniiwasan mo ba ko? Bumalik kana sa tabi ko!" Pautos nya sakin
"Hindi! Ayoko!" Nanindigan ako. Saka para saan pa? Para masaktan ng masaktan araw araw?
"Anu bang problema mo?!" Galit na sya.
"Ikaw!"sigaw ko sa kanya. Tinabig ko sya para makadaan na ko. Umalis ako doon. Ramdam kong naka masid pa din sya.
"Oy....."may sumgaw sa likod ko. Si andrew....
Nilingon ko sya. At sa likod nya ay nakatingin si nico. Ngumiti ako at kumaway. Lumapit sya sakin"sabay na tayong umuwi." Sabi nya. Hindi pa man ako nakakasagot at umakbay na sya sakin.
Inilapit nya ang bibig sa tenga ko. "Nakatingin sya satin." Sabay halakhak. Alam kong si nico ang ti nutukoy nya.
"Ano bang pinaplano mo?" Tanong ko
"Alamin kung may pag asa ka."
"Sabi mo wag akong umasa?"
"Nabalitaan kong wala na sila ni ms. Fuentes" pahayag nya.
"Pero bakit ginagawa mo to.?" Tano g ko sa kanya. Nag tataka kasi ako anung rason nya?
"Wag ka ng mag tanong basta mag kaibigan na tayo ha."
"Pero handa na kong kalimutan sya at ang nararamdaman ko."
"Sigurado kana ba dyan?"
"Hindi"dali kong sagot at binawi din agad."oo!" Medyo napahiya ako. Pumalatak sya.
"Wag mo kong lokohin my friend." Nakangiti sya. My friend talaga?
Nang nasa parking lot ma kami pinag buksan na nya ko ng pinto at pinapasok. Tahimik kami pareho.
"Bakit sila nag break?" Basag ko sa katahimikan.
"Balita ko ay ikakasal na si ms.fuentes sa dean ng I.T" tahimik ulit.
"Pano mo nalaman ang tungkol sa kanila?" Namamangha ako sa mga alam nya.
"Classmates kami since first year. At crush na din nya si ms.fuentes ng mag 2nd year ay naging sila na. At ngayun nga break na sila. Hindi nya alam na may nobyo na pala si ms.fuentes nagalit sya at nag palipat sa room nyo. Natakot si miss fuentes sa kanya na ibuko ang naging relaton nila kaya pumayag sya kaagad. At dahil nobyo nga nya ang dean ay naaprubahan agad ang request nyang mag palit ng studyante." Ayun naihayag na nya ng ganung kadali.
"Ibig sabihin niloko sila ni ms.fuentes?"
"Exactly!" Sabi nya.natahimik ako napaka sama pala ni ms.fuentes wala syang kwentang tao.
"Pero mahal pa din sya ni nico..." iyon lang at ibinaba na nya na ko sa tapat ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
RomanceFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat