Chapter 3

1.2K 29 0
                                    

Binigay sakin ni mia ang listahan ng mga pwede at hindi ko pwedeng kainin. Ang daming bawal kaya pala napaka sexy ng mia na yon. Ang hirap pala maging sexy ang daming bawal kainin at talagang yung mga paborito ko pa.

"Beb ano kaya mo ba yan? Sa katawan mo kasi di ka pa naman grabe 40inch lang naman ang bewang mo!" Tinutop ko ang bibig nya gamit ang palad ko. Ipag hiyawan ba naman kasi ang waistline ko!

"Beb kayang kaya ko yan. Alam mo namang may goal ako diba? Sana lang makuha ko ang puso at atensyon nya." Malungkot kong sabi.

"Yehey! Sa wakas may kasama na kong mag gym." Pumapalakpak pa sya.

Tinitigan ko sya ng masama at lumabi. Haist! Kasama lang pala ang gusto ng bruhang to!

"Beb bakit naman ang sama mo makatingin?" Tanong nya at nag tanong pa talaga sya.

"Sorry na. Hindi lang naman kasama ang kailangan ko e, para sayo din to." Alam naman pala!

"Oo na beb, everyday ba tayong mag gi-gym?" Tanong ko sa kanya.

Nag lalakad kami ngayun papunta sa 3rd floor kung saan may klase kami kay mr. Marcos.

"Oo bes. Everyday tapos pag may pag babago na unti unti nating babawasan" naka ngiti sya.

"E yung pag kain madadagdagan ba yung pwede?" Tanong ko kinakabahan sa sagot nya.

"Oo kaya lang may limit pa din konti-konti lang."sabi nya. Okay na din kahit papano may makakain akong masarap. Sa isip isip ko.

Pag dating sa room ay nabigla ako sa nakita ko. Si nico nakaupo sa katabing upuan ko? Pero pano? di ko naman sya block mate. Naupo nalang ako sa upuan ko ng Hindi pa din maka-paniwala konti nalang ay mag kaka-dikit na kami.

"Class makinig kayo. May lima kayong magiging bago classmate nag mula sila sa block1 sila yung mga makakapalit ng classmates nyong tatawagin ko." Sabi ni mr. Marcos

Dyos ko wag nyo po akong hayaang malipat chance ko na to.

Hindi nag tagal ay nag tawag na nga ang aming prof. kinakabahan ako ng tatawagin na nya ang pang lima.

"Mendez..." hell no! Bakit ako?! Shit naman oh!

May nag salita sa likuran.

"Ahm sir! Sino po sa amin ni rica?" Sabi ni abi. Oo nga pala mendez din sya. Please god si abi mendez nalang sana at hindi ako.

Tinignan muli ni sir ang hawak na papel na nag lalaman ng mga lilipat. Kabado ako at tahimik na nag dadasal na kung pwede wag ako.

Ngumiti si sir"sorry class ms.abi mendez isa ka sa lilipat." At nakahinga ako ng maluwag.

"Happy?" Walang emosyong sabi ng katabi ko. Aba nag sasalita pala itong lalaki na to. Sabi ko sa isip ko.

Hindi ako naka sagot sa sinabi nya nakatulala lang ako sa gwapo nyang muka. At inirapan nya ko sabay dukdok sa arm chair nya. Kalalaking tao hilig mang irap! Tse!

"Yung mga bagong pasok tumayo kayo isa-isa at mag pakilala" sabi ni mr. Marcos.

Unang tumayo si byan pineda, archie young, melvic mendoza, rissa summer at si nico martin.

Sila palang mag babarkada ang nalipat kasama ang malanding rissa summer.

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon