Chapter 5

1.1K 26 0
                                    

Got to believe in magic nana nana nana....... Hindi ko alam lyrics e. Haha sarreh. Todo birit ako sa paliligo syempre masaya ko napansin na nya ko. Wala pa man ding nababawas sa timbang ko.

After kong maligo nag bihis na ako at nag ayos. Habang bi-no-blower ko ang buhok ko ay nag ring ang cell phone ko. Ang aga naman, sino kayang itong caller ko?

Hindi naka register ang number, hindi ko ito sinagot dahil hindi ko ugaling sumagot sa tawag ng di ko kilala. Mamaya ay may nag text, "pick up your phone! Answer my call!" Parang kilala ko na tong caller ko. Kaya ng muli syang tumawag ay sinagot ko.

"H-hello s-sino to? Do I know you?" Nauutal kong tugon dahil sa kaba.

"Yes, you do!"tugon nya.

"A-anong kailangan mo?"medyo kinikilig ako nakangiti ako kahit hindi naman nya ako nakikita.

"Ikaw!" At ibinaba na nya ang linya. Omg!tama ba ang dinig ko? Kailangan nya ko? "Sh-t!!!"tili ko at napaupo pa ko sa kama ko."type nya rin ako!" Umaalingaw ngaw sa buong silid ko ang bunganga ko.

Dali dali akong bumaba ng hagdanan at nag tungo sa kusina kung saan laging nandon si mommy. Pag kakita ko sa kanya niyakap ko agad sya at halik sa pisngi nya. "Oh, maganda yata ang gising ng dalaga ko?" Nakangising tugon ni mommy.

"Mom napansin nya na ko." Oo, alam ng mommy ko na crush ko si mr.suplado since mag college ako. At oo, loyal kaya ako sa kanya mula ng magustuhan ko sya.

Ewan ko ba ang laki na ng pinag bago nya. Malayong malayo sa dating nico. Nico na masayahin, na pala kaibigan, pala bati, at yung ngiti sa mata at labi nya nawala. Sino kaya ang dahilan ng lungkot at galit sa loob nya? Gagawin ko ang lahat ibabalik ko sya sa dati!

"Mom pasok na ko. Kailangan ako ng prinsipe ko." I giggled

"Baby di kita pinag babawalan. But, know your limitations, I trust you." Sabay ngiti at kiss sa noo ko.

"Yes mom, I will and thank you for everything, iloveyou so much mom" hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya habang nakayap sa bewang nya.

"Sige na baka ma-late ka pa." Ang swerte ko sa mommy ko kahit malayo si dad samin ay napupunoan nya ang pag mamahal ng ina at ama. Nag tatrabaho kasi si dad abroad. Every 2 years lang sya kung umuwi.

Sa school...

Pag pasok ko sa room makita ko sya agad at nakadukdok na naman. "Hi!"bati ko sa kanya.

Nang hindi sya kunikilos ay naupo nalang ako. Wala pa kasi ang prof namin.

Laking gulat ko ng tumayo sya sa harapan ko at... "I love you" mahal ba nya ko. Malamang nag I love you e. Sasagot na sana ko ng I love you too ng duktungan nya ang sinabi nya."mikee" bigla syang na buwal sa harap ko . Teka! Sinong mikee ang tinutukoy nya? Si ms. Mikee fuentes kaya? Pero pano? Hindi pwede......

Nawala ang ngiti sa labi ko pag kasabi nya non. Pero kahit galit ako itinayo ko sya at hinalikan nya ko. Naamoy ko ang alak sa hininga nya. Ibig sabihin lasing pala sya ng tawagan ako at akala nya si mikee kung sino man sya ang kausap nya. Sinampal ko sya....

"What the hell?!!!!" Sigaw nya sa mukha ko.

Lumabas ako ng room at pinag titinginan ako ng mga nakakasalubong kong studyante. Well, I don't care! Wala akong pakialam sa iniisip nila. Ang alam ko lang masakit ang puso ko. Durog na durog ako. Ng makalabas ako ng school ay pumara ako ng taxi. Pumunta ako sa paboritong kong park. Naupo ako sa swing at doon umiyak ng umiyak.

Iyak ako ng iyak. Sobrang sakit, umasa kasi ako e. Sana pala di ako assuming para si ako nasaktan ng ganito... Wow! Nice! Nakikisabay ang langit sa pag iyak ko. Tumingala ako sa langit at pumikit dinadama ko ang bawat pag patak ng tubig sa aking mukha.

"Miss gusto mo bang mag kasakit?" May isang hindi kilalang tinig ang nag salita mula sa aking harapan. Dumilat ako at tumingin sa kanya ng diretso. Naka payong sya ng pula at isinilong nya din ako. Ang gwapo nya, ang ganda ng mata at ang haba ng pilik mata ang sarap halikan ng labi nyang mapupula.

Naipilig ko ang ulo ko bg mag salita syang muli "kanina pa kita tinitignan mula sa malayo. May problema ka ba?"

Umiling ko at tumingin sa ibang direksyon. "Hindi, wala ito wag mo nalang akong pansinin." Mapait akong ngumiti.

"Nag break ba kayo ng boyfriend mo." Ang tsismoso naman nito ang gaapo gwapo tsismoso. Pero sya ang kailangan ko ngayun kausap.

"Hindi ko sya boyfriend. Crush ko lang sya, ang sakit pala no? Na malaman na may mahal na yung mahal mo!" Malungkot kong saad.

"Miss ang daming lalaki dyan. Wag mo syang pag aksayahan ng luha mo." Mabait at malumanay sya.

"Pero sya ang gusto ko, at umasa akong magugustuhan din nya ko." Paliwanag ko. Inilagay nya ang jacket nya sa likuran ko.


"Pero may mahal na sya sabi mo. Kung may na nanakit man sa damdamin mo ikaw yun at hindi sya."tama ka pero hindi ganung kadali kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Mauna na ko sayo. Iyo na tong payong ko sana sa susunod na mag kita tayo ay hindi kana umiiyak." Sabi nya at tumalikod na nag lakad palayo.


"Teka lang! Anong pangalan mo? Ako nga pala sI rica, rica mendez..." kumaway lang sya ng hindi lumilimgon sakin at patuloy pa din sa pag lalakad palayo.......


Sino ba sya? Hindi man lang sya nag pakilala. Pero tama sya e. Kaya ko kaya mag move on? Pero pano ko mag mo-move on hindi naman kami at higit sa lahat walang kami....

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon