Chapter 43

704 15 0
                                    

Kinabukasan nga ay ginising ako ng maaga ni andrew para makapag patingin. ayoko mang makumpirmang buntis ako pero kailangan para maalagaan ang batang nasa sinapupunan ko. bago ako lumabas ng kwarto ay humarap ako sa slamin upang malaman kung kung may pag babago sa aking katawan hinimas ko ang tyan ko at tuluyan ng lumabas ng silid.

naabutan ko si andrew na nakaupo sa sala at umiinom ng kape habang nakatutok sa tv siguro ay balita ang pinanunuod nya. nahihiya ako sa kanya basta problema sya ang tinatakbuhan ko. napaka swerte ko at nag karoon ako ng kaibigang kagaya nya.



nang matanaw nya kong palapit ay ngumiti sya sakin. "let's go" sabi nya at iginaya ako patungong sasakyan.


habang nag dadrive sya ay tahimik lang ako hindi ako mapakali kinakabahan ako.

"nervous?" sabi nyang sa daan nakatingin.


"oo." totoong sagot ko.


"okay lang yan. kahit anong mangyari sa likod mo lang ako" sabi nyang bakas ang sinseridad sa tono ng pananalita at titig. hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

ngumiti na lang ako bilang tugon sa aksyon nya. naawa ako kay andrew lagi ko na lang sya pinaaasa at sinasaktan.


"dun tayo sa kaibigan kong OB gyne."


"ha? matagal ka na ba dito?"


"oo dito madalas mag stay ang family ko. dito mo muna ko may problema kasi ang company namin dito. kaya ako ang naatasan ng lolo mamahala at rumesulba." mahabang pahayag nya.


tumango-tango lang ako sa tinuran nya. kung ganon ay talaga palang kabisaso na nya ang lugar na ito.


nag park sya sa may hindi kalakihang clinic. lumabas sya agad ng kotse at umikot sa gawi ko para pag buksan ako ng pinto.


nag lakad kami papasok ng clinic may babaeng sumalubong samin mukha syang pilipina. "nandyan ba si dra. andrea?" sabi ni andrew. pamilyar sakin ang pangalan ng babaeng binanggit nya.


"yes sir andrew. tatawagin ko po sya para sa inyo."

"yes please." nakangiting sabi ni andrew. natural talaga ang kabaitan sa taong ito.

naupo muna kami ng ilang saglit lang ay lumabas ang sa palagay ko ay si dra. andrea. kilala ko sya base sa itsura nya nakita ko na sya.

"hey ands." tumayo si andrew at nakipag beso sa kanya. tila hindi ako napansin ng babae."na pasyal ka dito? miss mo na ko no? ano lunch later?" masayang tanong ng babae.

"ah next time nalang siguro andy may kasama kasi ko." sabi ni andrew tumayo naman ako. "ahm andy this is rica naipakilala ko na kayo sa beach." may lungkot at inis sa mata ng babaeng ipinupukol sa akin. "oh hi! I remember her drew. yumg nililigawan mo. what now?" dire-diretsong sabi nya. nakangiti lang ako sa kanya ah oo naaalala ko na din sya. yung kumuha kay andrew.


"she's two weeks delayed. what do you think?" nahihiya ako bakit ba nila pinag uusapan yan dito dapat sa opisina nya hindi ba?

gulat na gulat ang babae sa sinabi ni andrew may halong disappointment sa mukha nyang maganda.

"okay. let's talk to my office." pag pasok namin ay ipinaupo nya kami sa sofa mag katabi kami ni andrew sya naman ay sa solo lang.



"mitch dalhan mo kami ng pregnancy test kit dito." sabi nya sa babaeng sumalubong samin kanina.


pag balik ng babae ay may dala na iting pregnancy kit. iniabot mya ito sa dra. at lumabas na ng silid.

tumikhim ang babae."rica kunin mo to handun ang banyo." itinuri nya sakin ang banyo at ipinaliwanag ang gagawin ko.



nag tungo ako sa banyo at ginawa ang inutos nya. naka titig ako sa pregnancy test ng mag isamg guhit haggang sa maging dalawa. namutla ako sa nakita. buntis nga ako. medyo nag tagal pa ko sa banyo nahihiya ako lumabas.

kinatok na ako ni andy at ni andrew. boses ni andrew ang nasinig ko. "rica okay ka lang ba?" hindi ako maka sagot "rica buksan mo ang pinto." sabi ni andrew alalang alala na ang tinig nya. "o-oo l-labas na ko" pano ako lalabas nito.


pag labas ko ng banyo ay nakaabang silang dalawa iniabot ko kay andy yung pregnancy test. ngumiti sya ng nakakaloko pag kakita sa iniaabot kong resulta. "congratulations drew your girlfriend is pregnant" sabi nya ng nakangiti ngunit sa mata nya ay lunggot ang mababakas mo.

hindi na ko nag protesta pa sa sinabi nyang girlfriend ako ni andrew ayoko ng magmag tagal pa sa lugar na yun gusto ko ng mag pahinga.


"ah andy salamat ha. wala ba syang dapat inumin?"

nag sulat ang babae sa papel." ibigay mo nalang ito kay mitch vitamins yan para sa baby and syempre sa mother.

nag lakad na kami palabas ng makuha ang gamot. ng makasakay na kami ng kotse ay tunanong ako ni nico kung ano gusto kong kainin. "Japanese restaurant ko gusto." sabi ko nagugutom na din ako ng makababa kami sa resto ay nag turo ako ng nag turo inorder naman ni andrew lahat ng tinuro ko. ng makaupo na kami sa table namin ay binati nya ko." rica kaya mo bang kainin lahat yun?" tanong nya at tumango tango akong nakangito excited na kong lantakan lahat yun. "ang takaw naman ni baby." sabi nya.

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon