Chapter 44

691 14 0
                                    

3am ay nagising na ko pakiramdam ko kasi ay isang taon akong hindi pinakain gutom na gutom ako. nag punta ko sa kusina at nag halughog sa refrigerator. wala akong makitang gusto ko. kaya hinimas ko ang tiyan kong hindi pa halata.

"baby ano bang gusto mong kainin." sabi ko kahit hindi naman sya sasagot.

e gutom na gutom na talaga ko!!!! nag lakad ako palapit sa rice cooker may kanin pa akong nakita doon kaya kumuha ko ng 2 egg sa ref at ipinrito ko. kumuha ko ng plato at nag lagay ng kanin saka kumuha ng ketsup at ipinaligo sa kanin ko saka ko dinurog durog yung itlog sa kaning may ketsup. takam na takam ako nag lalaway na akong matikman ang ginawa ko.

naupo ako sa mesa at kumain. seryoso lang akong kumain maya maya ay may nadinig akong kaluskos mukang pababa ng hagdan. kinuha ko ang plato ko at naupo sa lapag baka makita ko ni andrew nakakahiya. nagulat ako ng bumukas ang ilaw mula sa kinauupuan ko nakita ko ang paa ni andrew palagay ko ay sa ref ang destinasyon nya.

sa kasusunod ng mata ko sa kanya nauntog ang ulo ko sa lamesa na gumawa ng ingay. "may tao ba dyan?" tanong nya. nakikita kong papunta sya sa dereksyon ko kaya gumapang ako sa kabilang side.

sa katangahang palad na sanggi ko ang silya at agad na pinuntahan ni andrew."huli ka!" sabi nya. "rica?" takang taka sya ng makita ko. nginitian ko sya at inayang kumain."bakit ba dito ka kumakain?" sabi nyang nag tataka.

naupo ako sa silya at nag pout" nagugutom kasi ako e." sabi ko saka ako yumuko.

hinawakan nya ko sa baba at itinaas bg muka ko. sobrang lapit namin sa isa't isa nanlalaki ang mata ko hindi ko alam ang gagawin ko. teka hahalikan ba nya ko? pumikit ako. kala ko hahalikan nya ko hinawakan nya ko sa ulo at saka ngumisi. medyo napahiya ako dun ah. rica naman may papikit pikit ka pa kasi. namumula ako sa hiya.


"sa susunod kasi mag sabi ka sakin para mabili ko o mailuto ang gusto mong kainin."naka ngiting sabi nya.


"pero.... hindi naman dapat ikaw ang gumagawa nito e" nahihiya pa ding sabi ko. saka totoo naman napakalaking abala ko sa kanya.



"okay lang yon. ako nag dala sayo kaya sagot kita."

sinimulang ko na ang pag kain. si andrew naman ay nag dalin ng gatas para saming dalawa. pag tapos ay pumunta na kami sa kanya kanyang silid.



"good night rica." sabi nya saka ako hinalikan sa noo.


"good night andrew." sabi ko saka ngumiti at tuluyan ng pumasok sa kwarto.


nalilito ako sa ikinikilos nya. gusto pa rin ba nya ko kahit desgrasyada ko? o mabait lang talaga sya at nag mamalasakit sakin dahil mag kaibigan naman talaga kami. ipinilig ko ang ulo ko at nag talukbong ng kumot. hindi nag tagal ay nakaramdam na ko ng antok at nakatulog na.

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon