NICO MARTIN
Heto na naman po ako... wala na naman ako walang wala. nandito ako ngayun sa condo ko. umiinom at nag smoke. hindi ko trip tong ginagawa ko. ganito yata talaga ako pag hindi ko kinakaya at hindi ko alam ang gagawin. kasi nakakaputa naman e! yung babaeng pinangarap ko nasa akin na sinayang ko pa. mahal na mahal ko si rica mendez. mula ng makilala ko sya minahal ko na sya pero ano? na duwag ako e ang daming panahon na nasayang dahil duwag ako! at ngayon tanga pa! naka buntis ako ng babaeng ni sa panaginip ko hindi ko binalak iharap sa altar!
Pag alis ni rica sa office hindi ko muna sya sinundan kailangan nya mapag isa. kaya si rissa muna ang kinausap ko.
"ano na naman to rissa?" kalmadong sabi ko.
"ikaw ama ng magiging anak ko!"
"iyan ba ang gusto mong paniwalaan ko?" kalmado pa rin syempre
"oo nico, dahil iyon ang totoo.!" naiiyak na sya.
"pero hindi kita mahal si rica ang mahal ko. at yang batang sinasabi mong sakin hindi ko alam kung sakin talaga. kung hindi pa kita kilala maniniwala akong akin yan."
"nico ano ba?! hundi ako nakikipag lokohan sayo!"
"ako rin naman rissa hindi nakikipag lokohan sayo. nakasalalay dito yung ikaliligaya namin ni rica. ganito nalang pag naipanganak ang bata dalin mo sakin ipa DNA test natin."
"pano kung ikaw nga?"pag tatanong nya.
"ade pa nanagutan ko ang bata. aking bahala sa lahat ng gastos at pangangailangan nya." sabi ko.
"gago ka ba?! hindi pwede! ayokong mag karoon ng bastardong anak kaya kung ayaw mo aminin sa sarili mo na ikaw ang ama ng bata mabuti pang mawala nalang sya! ang bawat bata ama ang kailangan!"
"mag papakaama naman ako sa kanya pero hindi ipig sabihin non magiging tayo at pakakasalan kita! ayoking gumawa ng isang bagay na pag sisisihan ko habang buhay!" napalakas na ang boses ko. maaaring anak ko ang bata pero pano si rica at isa pa hindi ko naman mahal si rissa. mamahalin ko ang bata kung akin man yon, bibigyan ko ng magandang kinabukasn pero ang pakasalan ang ina nya ang hindi ko kaya.
"kung ayaw mo hiwalayan si rica fine! ipapa-abort ko nalang ang batang to!" nababaliw na ba sya ipapaabort nya yung sarili nyang anak!
"this is bullshit!!" tinalikuran ko sya at akmang lalayasan na sya ng sumigaw sya.
"nico ang baby natin!" hiyaw nya sakin
halos takbuhin ko ang kinatatayuan ni rissa ng may dugong umaagis sa pagitan ng hita nya. shitt! anong gagawin ko? mawawala ba ang anak ko. dali dali ko syang binuhat at dinala sa ospital. ipinasok sya sa emergency room. hindi nag tagal ay lumabas na ang doctor."doc ano hong nangyari?" nag aalalang taning ko.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
RomanceFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat