Chapter 11

935 40 0
                                    

Pag pasok namin ni mia sa bar ay agad syang nakita ni archie. Linapitan nya kami at nag hi sya sakin. Nginitian ko lang sya ng tipid. Hinahagilap ng mata ko si nico pero di ko sya makita. Okay na din to masisira lang gabi ko e.

"Babe sinama ko nga pala si rica kakauwi lang nya kasi kanina." Malambing nasabi ni mia.

"Alam mo namang lahat ng friends mo ay welcome dito. Lalo na si rica alam kong bff's kayo." Hinagkan ulit ni archie si mia.

"Babe yung gift ko mamaya nalang ha." Aba ang lalandi ng tinginan nila. Alam na this!!!!

"So pano? Tara na sa VIP room?"tinignan nya kaming pareho. At nag katanguan nalang kami.

Pag pasok sa VIP room ay prenteng naka upo sina melvic at bryan.oo kilala ko sila di ba nga adik ako kay nico before. Yes before! Nag "hi" sila samin at ganun din kami sa kanila. Bakit kaya wala si nico?

Bakit ba hanap ka ng hanap kay nico? Tumigil ka nga aasa ka na naman e! Pag suway ko sa konsensya ko.

Nag simula na kaming mag inuman. Mag katabi si mia at archie si bryan naman ang katabi ko. Si melvic ay busy lang sa phone nya. Nag chika chika na kami ni byan ang sarap nya kausap ang dali napalagay ng loob ko sa kanya.

After 2hrs.. Nag salita si melvic "mga bru malapit na daw si nico. Tumingin sila sakin "Okay lang naman siguro?" Tanong ni archie.

"Oo naman no! Ako nga sabit dito e." Sabi ko. "Saka akong bahala dito kay rica. Akong date nya ngayun." Kinindatan nya ko at umakbas sakin. Nakangiti lang ako sa kanya na parang naiilang sa pag kakaakbay nya.

Maya lang ay bumukas na ang pinto. Napatingin agad ako sa kung sino ang pumasok. Na-Disappoint ako ng babae ang iniluwa ng pinto. Tumayo si melvic at niyakap ang babae. "Ahmm rica, mia girlfriend ko si iris." Pinakilala nya samin si iris ang ganda ni iris halatang anak mayaman sya. "Hi" bati nya samin. Nag hi din ako at si mia. Nag kakasarapan na kami ng inuman at kwentuhan at inuman ng bumukas ulit ang pinto. Sa pag kakataong ito ay napaisip ako. Si nico at rissa? Sila ba?

Nag tama ang paningin namin ni nico. Wala akong makitang pag kailang man lang sa titig nya. Tumingin din sakin si rissa bakas sa kanya ang pag kagulat at pag katulala.

"Happy birthday bro.." yumakap sila sa isa't-isa at nakangiti si nico. Nakipag kamayan din sya sa buong tropa nila. Naki-pag neso sya kay mia,iris at pati sakin. Mukang masaya na sya. Si rissa ba ang dahilan ng ngiti nya? Pero bakas pa rin sa mata nya ang kalungkutan. Siguro ay dahil si ms.fuentes pa din.

Naguguluhan ako. Bakit nakakaramdam ako ng inggit kay rissa? Maganda at sexy na ko ngayun kaya ko ng makipag sabayan!!

"Rica, Long time no see" nakangiting sabi ni rissa parang sinasabing akin na sya, ako ang panalo.

"Oo nga natagalan kasi ang balik ko alam mo na na-enjoy ko talaga sa ibang bansa." Sabi kong nakangiti. Hindi ko ipinahahalang gusto ko syang bugbugin at ipag buhol sila ni nico.

"Ehem!" Putol ni bryan sa usapan. "Salamat nga pala mia at dinalan mo ko ng ka-date kung hindi ay ma o-op pala ko dito."

"No problem. Mukang kompotable na nga agad kayo sa isa't-isa." Nakangising sabi ni mia na medyo bangag na. Ako nahihilo palang.

"Cr lang ako ha." Paalam ko. Nalita ang mata ni nico na nakasubay-bay sakin. Pag labas ko ng pinto ay nalita ko naman agad ang c.r. Tinignan ko ang repleksyon ko sa harap ng salamin. Napangiti ako ng mapakla. Maganda ka na nga, sexy, nakukuha mo ang atensyon ng mga lalaki ngunir isang lalaki lang ang hindi talaga mapapasayo. Si nico martin. May luhang umagos mula sa mata ko na agad ko namang pinunasan.

Hanggang ngayu. Rica tanga ka pa din at baliw kay nico. At ikaw ay wala pa ring halaga sa kanya. Pinunasan ko ulit ang luha ko at ngumiti sa salamin. Kaya ko to!

Pag labas ko ng c.r ay nandoon si nico. Nilampasan ko sya ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako nahigitt na nya ang aking braso. Inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko."layuan mo si bryan!" Utos yon.

"Ayoko nga! Wala kang karapatang diktahan ako. Buhay ko to! " pag sabi ko non ay tumalikod na ko pinaka walan na din nya ang braso ko. Anong problema nya.

Naupo ako sa tabi ni bryan. "Ang tagal mo naman" bulong nya sa tenga ko.

"Nag retouch pa kasi ko." Nalangiti ako ng pag katamis tamis. At dahil nga nahihilo ako isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

Pag pasok ni nico ay tinabihan nya si rissa"baby kailangan ko na pa lang umalis. May problema sa bahay. Don't worry babawi ako sayo." Tumayo na si rissa at humalikbsa pisngi ni nico. "I love you! Behave!" Nilakihan nya ito ng mata.

Ngumisi si nico ng parang maniac at at hinalikan sa labi si rissa at ang kamay ni to ay nakapiga sa pang upo ng dalaga.

"Hindi na ba kita ihahatid?" Tanong ni nico.

"No baby! Baka magalit pa sakin si archie" pabiro nitong sabi at naka ngiti kay archie.

"Oo nga naman bro, pag umalis ka mag tatampo ako. Ngayun nga lang ulit tayo mag kakasama-sama e." Binalingan nito si rissa."thankyou nga pala rissa sa pag bitbit sa kanya dito." Sabi ni archie. Nakipag beso si rissa sa lahat at muling hinalikan si nico sa labi. Hawak pa din ni nico ang kamay nya na tila ayaw pakawalan."baby bahala ka baka dalhin na kita dyan pag di mo pa ko binitawan." Pag babanta nI rissa

"Okay fine! Text mo ko pag okay na ha. Ingat ka!"malambing na sabi ni nico.

"I love you bye!" Sabi ni rissa bago lumabas ng pinto.

Pag kaalis ni rissa ay naging tampulan ng asaran si nico. "Kailan ba kasal?" Pang aasar ni melvic. "Oo nga brod, abay kami ha!"si bryan"tama na yan iisang bwan pa lang sila. Malay nyo ba kung seryoso na yang si nico."singit ni archie.

"Sabagay naalala nyo ba yung si miss c.r? Kala ko talaga pakakasalan na ni nico e." Sabat ni bryan.

"Sus e parang ganun din ginawa nya kay miss high way." Sabi ni archie.

"Tangina ka talaga sa kamanyakan brod!" Sabi ni melvic habang tawa ng tawa.

Napangiti ako ng mapait. Hindi pala sya nag dusa manlang nag paka sarap pala sya......

Silent readers pa vote naman. :))))))

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon