Chapter 17

928 31 1
                                    

Nasa korean restaurant kaming sa tapat ng kompanya. bumukas yung glass door ng resto. Na patingin ako. Ang bruhang rissa na to kala mo linta kung maka lingkis. Muka namang hipon at kasing itim ng linta! Pwe!

"Girl ayaw mo ba yang inorder mo? " tanong ni anne sakin.

"Ha?" Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig sya sa pag kain ko. Na gutay gutay ko na pala ang hipon!

"Gusto mo order nalang kita ng bago" singit naman ni marco.

"Okay lang, masarap naman e" nag uusap kami ng may mag salita sa gilid ko.

Tiningala ko ang babaeng malapad ang pag kakangiti sakin at lalaking salubong ang kilay. "Rica sya ba yung boyfriend mo?" Tukoy nito kay marco. Kulang nalang mag kapalit kami ng muka crush yata talaga ko ng mokong na to ah. Kahit cute sya friend lang ang tingin ko sa kanya.

"Ah rissa hindi ka-trabaho ko lang" sabi ko.

"Tsk! E kakikilala nga lang nya dyan sumama na." Sabi ni nico na sa ibang dereksyon naka-tingin.

"Ah rissa, si anne at marco nga pala." Pag iiba ko sa usapan. pakilala ko sa dalawa kong kasama. Naka ngiti naman si rissa sa kanila. Nice rissa galing mo umarte. FAKE! pag ngingit-ngit ng kalooban ko.

"Hon, let's go." Aya ni nico sa kanya at hindi na sila nag paalam na upo sila sa mesa sa harap namin.

Apura harot nitong rissang to parang robot naman yung kasama. Haha nakakatawa naman pala tong dalawa. Hindi naman pala sila ganong ka-sweet!

"Hon subuan mo ko."mahinang sabi ni rica. At walang ka gana gana naman syang sinubuan ni nico. Halata namang pinag seselos lang ako.

Nakakatawa sila, nakakaawa si rissa May boyfriend na robot. Awtss ang sakit ng salitang boyfriend sya ni rissa.

Sa sobrang inis ko nilamon ko yung pag kain ko. O lamon talaga!!! Uminom ako ng ice tea."tara na may tatapusin pa ko" sabi ko sa dalawa.

"Hindi pa kami tapos." Sabi ni anne

"Gutom ka pala di mo sinabi. Baka gusto mo pa." Parang di makapaniwala si marco sa nasaksihang pag lamon ko! Haha

"Mauna na ko sa inyo salamat sa lunch marco"bumeso ko sa kanila at lumakad na. Feeling close lang peg ko.

Nakatunga-ngang kumakaway ang dalawa sakin.

Pag labas ko ay nag dadabog ako. Bwiset sa harapan ko pa mag landi. Lord masakit e. Sabi ko saka tumawid na.

.......sa loob ng office.......

Tok..tok..tok..

Sumilip ako sa pinto nadatnan ko si rissa na naka upo sa lap ni nico at nag hahalikan sila. Pesteng to dito pa yata gagawa ng milagro at hindi mga marunong mag lock.

Nang mapansin ng dalawang manyak ang presensya ko ay naitulak nya si rissa dahilan para mapaupo ito sa sahig. "Ouch hon. Ano ba?" Tila na inis ito.

"Di ka ba marunong kumatok ha?!" Namumula si nico hindi ko alam kung sa inis o dahil na bitin. Haha

"Sorry ho ah. Hindi ko naman PO kasi alam na ganyan ginagawa nyo PO. Sorry PO kung di nyo nadinig katok ko. lalabas na po ako baka kasi nabitin kayo e." Nakatalikod ako at peace sign sa kanila palabas na ko ng opisina nya.

"Wait!" Mahina ngunit mariin ang pag kakasabi nya.

"Ho" kinakabahan ako sa sasabihun nya.

"Ano ba talaga kailangan mo?" Naka kunot noo sya.

"Ipapaalala ko lang ho yung meeting. Ayos na din po conference room."

"Okay, you may leave."utos nya sakin.

Iyon lang at lumabas na ko ng kwartong iyon. Inayos ko ang mga papeles na kakailanganin. nang mmais-ayos ko na ang mga kakailanganin ni sir ay nag tungo muna ko sa wash room.

Pag ka pasok na pag ka pasok ko ay ini-lock ko ang pinto. Bakit parang sumama ang pakiramdam ko. Mahal ko pa din ba si nico? Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at ngumiti ng mapakla. Aminin mo na rica kaya ka bumalik ay para ipamukang iba kana, na mali ang sinabi nyang kahit kailan walang mag kaka-gusto sayo, na sa pag balik mo pati sya hahabulin ka katulad ng pag habol mo sa kanya."pero pano? Tangina nico kailan mo ko mapapansin!" Umiiyak ako sa harap ng salamin.

"Kakalimutan na kita nico!" Sabi ko sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng wash room.

.....conference room......

2:30pm

Inip na inip na si sir nico. Hindi na maitago sa muka nya ang inis."rica sabi mo 2:00pm ang start? "

"O-oo nga po sir."

"Napaka unprofessional naman ng investor na yan. Sayang ang oras."mainit na talaga ang ulo nya.

Hindi na din ako mapakali dahil mainit na ulo nya mamaya e ako pa mapag buntunan. Sino ba kasi yang mike na yan! Pa-importante masyado.

Tahimik na ang lahat di ako makali sa kakatingin sa wristwatch ko.

"Tumigil ka nga ng kakalakad mo!"utos ni sungit.

huminto sa pag lakad pero ang mata ko sa relo ko lang naka-tutok.

2:45pm

Bumukas ang pinto nagulat ako ng mapag tanto kung sino si mike andrew miguel. Nginitian nya ko ng pag katamis-tamis saka kumindat. Nilakihan ko sya ng mata. Maryoseo naman sya lang pala. Ang bobo ko naman kasi di ko manlang naisip na sya yun e. Andrew miguel sya.

Sa kabilang banda naman ay nahagip ng paningin ko ang masamang titig ni nico sakin. Sus bakit ba sya ganyang makatingin kala mo kung sino. E sino ba sya? Amo mo lang naman po sya. Sabi ng konsensya ko.

Inilahad ni andrew ang kamay nya"mike andrew miguel, andrew nalang" sabi ni andrew na naka ngiti.

"Nico. Just call me nico!" Inabot nya ang kamay ni mike.

Naupo na sila. Nag simula na ang meeting. Hindi namin naiwasan ni andrew ang mag ka ngitian kami kasi nga friends kami diba?

Lupas ang 3 oras and deal naki pag deal na si andrew sa company. Ibig sabihin madadalas sya dito! Yes naman. Haha ang saya ko.

Sabay na lumabas si andrew at nico ng conference room. Syempre ako naka sunod lang. Nag kukwentuhan sila ngayun lang nalaman ni nico na classmates sila dati. Sumakay kami sa elevator.

"Rica anung oras out mo?"tanong ni andrew.

"7pm ho sir."

"Ah...." tumingin sya sa braso nyang may relo." Sige intayin na kita."

"Bakit kayo mag kakilala?" Maang na tanong ni nico.

"Ah nakakatawa yung unang pakakakilala namin. Ito kasing si rica ang taba nya nun at nag iiyak sya sa park habang umuulan dahil sa crush nya." Nilakihan ko sya ng mata dahil sa ginagawa nya. Nakakahiya kaya lalo't si nico talaga yun.

"Shhhh tumigil ka nga dyan. Kalalaki mong tao ang daldal mo!" Singhal ko sa kanya.

"Huh! Para ka ngang baboy na malapit na katayin nun e."

"Ikaw! Sumosobra ka na..."akmang susuntukin ko sya ng mag salita si nico.

"Look guys stop acting like a child." Seryosong sabi ni nico.

"Sorry sir. Ito kasing mokong na to e." Sabi ko.

"Crush ka lang ni sir. Ikaw pala si( love of my life) ni sir. Haha"

"Chino!" Seryoso na din si andrew.

"Oh....ow...." yun lang at tahimik na kaming lahat.

Crush ako ni andrew sister lang naman tingin nta sakin.


Please do vote,comment.thank you for reading.

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon