Pag balik ko sa condo ay pabagsak kong ihiniga ang katawan ko sa sofa. ibinalibag ko ang lampshade sa gilid ng sofa at saka ako umiyak. oo medyo gay pero kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko.
napasabunot ako sa ulo ko at umiyak ng umiyak. hindi ako makaalis lagi kong kasama si rissa para alagaan sya. paano ko hahanapin si rica. miss na miss ko na sya gusto ko na syang yakapin at halikan. nag black ang paningin ko at nakatulog.
pag gising ko malinis na ang condo at may amoy sinigang akong naamoy mula sa kusina.
si rica na kaya iyon nag balik na kaya sya? nakangiting tinungo ko ang kusina sa pag asang nag balik na ang pinaka mamahal ko. parang bumagsak ang mundo ko ng makitang si rissa ang nasa kusina ko at nag luluto para sakin. nawala ang ngiti sa labi ko nginitian ako ni rissa ng maramdaman ang prisensya ko ngumiti lang ako ng pilit.
"dapat hindi kana nag punta dito ako nalang sana nag punta sayo baka makasama sa bata." sabi ko.
"dito na ko titira hon" sabj ni rissa. nabigla ako sa sinabi nya wala sa usapan namin to.
"what?! hindi ba ang sabi ko ay pupuntahan nalang kita sa inyo." naiinis ako. bakit sya nag dedesisyong mag isa!
"hindi pwede." mariing sabi ko.
lumabi sya at tila iiyak na. nico bawal nga sya mastress diba?!
"ayaw ako ni dad sa bahay! pinaalis nila ko dapat daw dito ako sa asawa ko nakatira!" nakasimangot na sabi nya.
doon na nga tumira sa bahay si rissa wala naman akong magagawa may hawak syang bala sakin. yung batang dinadala nya ay posible ngang ako ang ama.
"wala na si rica. masaya kana?" walang emosyong sabi ko sa kanya.
"patay na sya?" walang ganang tanong nya habang kinakalikot ang kuko nya. hindi pa ganong malaki Ng tiyan nya pero halatang nag dadalang tao sya.
nasamapal ko sya sa sinabi nya. hindi ko gusto ang biro nya kung nag bibiro man sya.
"ulitin mo pa yan. palalayasin na kita sa bahay ko!" sabi ko.
hindi pa alam nila mom na wala na kami ni rica at si rissa ang kasama ko dahil sa bata pero sasabihin ko din naman pag handa na ko. kahit hindi sabihin ng pamilya ko alam kong gusto na nila si rica.
"ade palayasin mo! para sa kalye kami tumira ng anak mo." pumunta sya sa guest room at ilang minuto lumabas sya dala ang gamit nya.
"where the hell are you going?!" mariin kong sabi. parang natakot sya sa way ng pag sasalita ko. nakita ko ang pag lunok nya ng sunod sunod.
"sa kalye! sa kalye na ko titira!" sabi nya at akmang didiretso na sa pinto palabas ng condo.
hinablot ko yung bag na dala dala nya at ihinagis sa sofa. hindi ako nag salita kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at muling umalis.
gulong gulo pa rin ang isip ko hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko na alam. pinag hahampas ko ang manibela ng sasakyan ko sa sobrang galit.
punta ako sa bahay nila archie dahil alam kong nandoon ang barkada at syempre si mia. para akong mababaliw sa kaalamang kasama ni rica si andtew sa lugar na hindi ko alam.
pag bukas ng gate kilala na kasi ako dito maging ang kasambahay nila archie.
pinapasok ako sa loob ng bahay nakita ko agad sila mia sa likod bahay nila archie at mukang may kasiyahan nag iinuman sila.
pag kakita ko kay mia ay nilapitan ko sya. "mia si rica? nasaan si rica?"
nakakita ako ng galit sa mata nya. "bakit kailangan mo pa syang hanapin?!" gigil na gigil sya.
"mia nakikiusap ako kailangan naming mag usap."
"para ano? paulit ulit syang saktan ha nico? deserve mong maiwang mag isa! pero hindi ka mag isa wag mo ng guluhin ang kaibigan ko nico mag kakapamilya kana. hayaan mo naman syang maging masaya." sabi ni mia puno ng galit
parang nakaramdm ako ng kirot sa dibdib sa mga sinabi sampal sa akin lahat. alam kong kasalanan ko kung bakit kailangan nyang umalis. siguro ng ay mas kailangan kong intindihin na si rissa at magiging anak namin. pero kahit kailan hindi mawawala sa puso ko si rica.
umalis ako sa bahay na yon at umuwi sa condo...
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Maniac
RomanceFirst time ko lang po. Kayo na humusga. Hehe SPG PO ITO. 18 pataas lang po ang pwede rito. Salamat