Chapter 41

712 17 0
                                    

nakahiga ako sa malambot na kama ko. dito ako pinatuloy ni andrew sa condo nya dito sa new york. naisipan kong tawagan si mom.

"mom nandito na po ako sa new york. i'm with andrew."

"baby bakit hindi ka nalang dito smin ng daddy mo nag punta ? alam mo namang miss ka na din namin."

"mas miss ko kayo mom. kaya lang mas napili ko na dito. wag kayong mag alala pag may trabaho na ko at ipon pupunta ako dyan. "

"basta mag iingat ka dyan. wala na ba talaga kayong pag asa ni nico? mabuting tao si nico at nakikita ko kung gaano ka nya kamahal. bakit hindi kayo mag usap at mag desisyon? alan kong mahal mo pa din si nico anak wag mong tiisin ang sarili mo. dadating ang araw ay mapapatawad mo sya. sana pag dating ng araw na yon ay hindi pa huli ang lahat alam kong nasaktan ka pero anak nasaktan din sya at nahihirapan. pareho lang kayong mahihirapan may magaang namang paraan para maayos nyo yan. mag usap kayo hindi pagtakas ang solusyon sa lahat ng bagay." naiiyak ako may point si mom pero sobrang sakit ng nararamdman ko at hindi ko alam pano gamutin ang sarili ko.

"mom naguguluhan pa rin ako. mahal ko si nico pero mas pinili nya yung babae nya." sabi ko

"bata ka pa talaga. hindi nya pinili yung babae ang pinili nya ay sagipin ang buhay ng batang dinadala nung babae na yun. ang sabi nya ay mag hintay ka at babalik sya sayo. ang nasa loob nya ay may planong nabubuo sa isipan nya. kaya hindi dapat pa dalos dalos."

"dito nalang po ako ma. kung kami naman ho siguro talaga ay tadhana na ang gagawa ng paraan para mag kabalikan kami."

"huwag kang umasa sa tadhana. kung pinag tatagpo nga kayo ng tadhana tapos pilit kang tumatakbo palayo ay hindi kayo mag kakasalubong."

"magulo pa ang isip ko sa ngayun ma."

"bilisan mo ang pag iisip bago pa mahuli ang lahat. sandali lang at may visitor kami"

"bye ma iloveyou"

nawala na sa kabilang linya.

oo tama sya hindi dapat ako nag padalos dalos. pero kung patuloy akong mamagitan kawawa naman ang batang dinadala ni rissa mawawalan sya ng ama. ah bahala na nga.

tok..tok..tok...

nawala ako sa iniisip ng madanig ang sunod sunod na katok. lumapit ako sa pinto at binuksan.

"rica ready na ang mesa tara kain na tayo." sabi ni andrew.

"okay. ikaw bang nag luto.?" tanong ko.

"oo naman." nakangiti sya tila excited na ipatikim ang luto nya.

palapit palang kami sa pinto naduwal na ko pakiramdam ko ay umasim ang sikmura ko sa amot ng adobo.

humawak ako sa tyan at bibig ko at nag siretso sa lababo.

"rica okay ka lang ba?" nag aalalang lumapit sakin si andrew.

"ayoko ng amoy ng adobo andrew." sabi ko.

napatunganga sya sakin ng muli ay masuka ko agad na inialis ni andrew sa kusina ang adobo. pag balik nya ay inabutan nya ko ng tubig ininom ko naman yun at nag pahid ng bibig. naupo na ko sa silyang hinila ni andrew para sakin.

tinignan nya ko ng mataman.

"rica mag sabi ka nga. buntis ka ba?" seryosong tanong nya.

"ha? a-ako? b-buntis? hindi ko alam" sabi kong nauutal ibat ibang emosyon ang nararamdaman ko. hindi ko alam ang tamang isasagot.

"kailan ka huling nag karon?" seryoso pa din sya. bakit ba nya ko tinatanong ng ganito para nag suka lang e.

"last month." sabi ko

"kailan ka dapat mag kakaroon?"

nag isip ako at nag bilang sa isip ko.

"ahmm last last week " pati ako ay napatanga sa isinagot ko. so 2 weeks na kong delayed. ibig sabihin ba buntis ako?


"pupunta tayong OB bukas na bukas." sabi nya. parang lumamlam ang kaninang masiglang mata nya.

sa hindi ko alam na dahilan ay bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata. hindi ko alam kung matutuwa ako o ano ba ang dapat kong maramdaman. alam kong blessing ang bawat baby pero ayokong lumaki na walang kinikilala ang baby ko na ama. iniwan ko si nico ng walang salita pero anong gagawin ko nag desisyon syang makipag hiwalay sakin.

hindi na ko nakakain ng gabing iyon. nag paalam ako kay andrew na gusto ko ng mag pahinga. pag dating ko sa aking silid ay hindi ko na naman mapigilan ang pag iyak.

ano ng gagawin ko ngayun. hindi pa ko handa.

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon