Chapter 27

832 15 0
                                    

Sa inis ko sa ginawa nya ay umalis nalang din ako ng cottage napag pasyahan kong sa kwarto nalang muna ko!

Nung nasa lobby na ko ng hotel may nakita kong ilang katrabaho ko. Inirapan ako ng limang babae. Pag daan ko nadinig ko yu g pinag uusapan nila ipinadinig yata talaga sakin.

"Hay nako teh kapal ng muka nya si sir nico ang pangarap"girl1

"Nilalandi nya si sir nico nakita ko silang nag lalakad kanina at ibinigay pa yung damit nya" girl2

"Kabago bago boss agad yung target"girl 3

"Oo nga tsk!"girl 4

I irapan lang ako nung pang lima.

Umalis nalang ako at umakyat sa kaarto ko hindi ko na sila nilingon mga inget lang yun!

Pag akyat ko ng floor nakabukas ng konti yung pinto ng kwarto may nag uusap.

"Kala ko ba popormahan mo na si rica" si anne

"E mawawalan naman ako ng trabaho alam mo namang kailangang kailangan ko yung trabaho ko dito hindi ba?" Palagay ko ay si marco.

"Bakit ka naman mawawalan ng trabaho e liligawan mo lang naman si rica."

"Si sir nico. Tatanggalin daw nya ko pag pinormahan ko si rica. Sayang ang bait at ang ganda pa naman ni rica."

Napangiti ako sa narinig. Kung ganon ay gusto pala talaga ako ni nico at hindi lang dahil sa gusto nya kong angkinin. Kumatok ako at pumasok umakto akong walang nadinig.

"Hi!" Parang malungkot si anne.

"Ah una na ko ha. Anne sunod ka nalang." Sabi ni marco

"Ah sige. Bakit parang Hindi ako kasama "

Si anne ang sumagot"bawal daw maganda." Sabi nya at tumawa "sige na marco susunod ako" sabi ni anne.

"Bakit ka umakyat hindi ba kasma mo sila mia?"

"Oo nagalit kasi si sir nico sakin! Dahil sa lasenggerong manyak na yon." Sabi ko

Tumitig sya sakin." Mag sabi ka nga ng totoo ha. Kayo na ba ni sir nico?"

"Hindi ah." Pag tanggi ko. Hindi pa naman talaga kami at ayoko namang ipag yabang na nililigawan nya ko. Yung nag papakita lang ng kabutihan si nico naiinis na sila sakin. Baka pag sinabi kong nililigawan ako sakalin na ko.

"Okay sabi mo e. Sana lang hindi ka masaktan gaya ng iba. Oo gwapo si sir nico pero hindi mo alam kung kailan sya mananawa sayo."sabi ni anne

"Pero bakit gusto mo sya.?"takang tanong ko.

"Hello girl nico na yan e. Swerte ka na nga kung lingunin ka nyan e. Saka kung madisgrasya nya kong mabuntis ako aba naman donya na ko...." sabi nya at talagang bakas ang pag hanga nya sa binata.

Hindi na ko lumabas ng silid. Isip ako ng isip. Pano kung maging kami na ni nico? Bibigay ko ang lahat tapos ano para kong si rissa na mag hahabol parang aso? Sus!

Sa sobrang gulo ng utak ko lumabas ako at nag hanap ng bar. Maganda talaga dito sa resort kung ano trip mo masusunod. May nakita akong karatula. "18 pataas lamang po" pumasok ako sa loob. Ang dilim sa loob nakakahilo ang paikot ikot at iba't-ibang kulay ng ilaw.

Pag pasok ko sa loob ay nag tungo ako sa bar at humingi ng Bacardi sa bartender"maam mukang may pinag dadaanan tayo ah hard agad." Puna nya. "Oo masakit ang puso ko!"

"Kakabreak lang?" Tanong nya. Ang tsismoso naman nitong bartender na to!

"Hindi pala puso ko masakit. Ulo ko. Nalilito ko!" Inilapag ko yung bayad sa harap nya at dinala na yung isang bote ng Bacardi. Lumabas ako ng bar at nag lakad papunta sa tabing dagat.

Naupo ako sa buhanginan. Ano bang dapat kong gawin? Ayoko namang paasahin si andrew pero ganon ang ginagawa ko. Gusto ko si nico pero natatakot ako!

Tinungga ko ng tinungga yung alak nasa kalahati na ko ng may umupo sa tabi ko. "Maam bawal po yan." Sabi ng lalaki."ang alen ha? Ang mag labas ng nararamdaman ang pagaanin yung nararamdaman ko? Yung makalimot kahit isang gabi lang?"sabi na medyo naluha na."lasing kana maam bukas sakit sa ulo nyan." Sabi nya ulit. "Saka ang uminom po dito sa tabing dagat ang bawal" sabi nya."ayoko gusto ko pang mag lasing!" Pag katungga ko at baba ng alak ay kinuha na ni nico yung bote ng alak. "Tara na ihahatid na kita!" Sabi nya at binuhat ako ng parang bagong kasal.

Habang nag lalakad sya sabi nya sakin ay kung saan ang room number ko. "Hindi ko sha-shabihin! Sha kwaryo mo ako matutulog! Madami akong gustong patunayan sayo!" Sabi ko na tila hibang.

Tulad ng sabi ko sa kwarto nya ako dinala.

Inilapag nya ko sa malaking kama. Nice ang ganda ng kwarto nya. "Dyan ka lang maliligo ako pinag pawisan ako sa bigat mo." Sabi nya at nag lubad ng pang itaas pag karaan ay nag tungo na sa c.r. Hindi ako umimik nag iisip akong mabuti kung tama ang gagawin ko.


Tumayo ako at nag punta sa banyo. Kinatok ko ang pinto."gagamit ka ba ng banyo?" Hiyaw ni nico"sandali lang lalabas na ko"sabi nya."bukahan mo to!" Utos ko at kinalabog ng kinalabog ang pinto ng banyo.

Pag bukas nya ay nakatapis sya ng twalya. Itinulak ko sya papasok at hinalikan"r-rica l-lasing ka!" Mahinang sabi nya."alam ko ang ginagawa ko! Idiot!" Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya kung gano sya katanga!

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad. Hinalikan ko sya s labi at ikinawit ang braso ko sa batok nya bilang suporta. Hindi nag tagal ay tinugunan na nya ang mga halik ko.

Binuhat nya ko paharap sa kanya at dinala ko sa kama.

.....

Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon