Chapter 58

762 14 1
                                    

habang mag kayakap kami ay biglang namatay ulit lahat ng ilaw. ngayun ko lang napansin yung malaking white board at may nakatutok na projector. pag tingin ko doon ay isa isang pinapakita yung mga picture kong naka side view umiiyak nakangiti parang hindi o alam itong mga ito ah. after ng mga picture kong yon may sulat binasa ko iyon . eto hon yung mga panahong ligaw tingin at pasulyap ng hindi mo alam ang cute mo talaga ang sarap pisilin ng pisngi mo.

siniko ko sya ng mabasa ko yun touched naman ako effort kung effort talaga yung mapapangasawa ko e. sunod na lumabas ay yung mga picture namin nung kami na at nung mag kabalikan kami ulit hanggang sa ngayung may anak na kami. naiiyak ako hindi ko akalaing kaya ni nico gumawa ng ganito.


pag tingin ko sa likod namin ay wala ng tao si nico naman ay binlind fold nya ko at saka sya nag lakad hawak ang kamay ko ipinasok nya ko sa parang kawarto dahil may ingit ng pinto akong nadinig. umalis sya atbiniwan ako don may nag alis ng nakatakip sa mata ko nasilaw ako sa ilaw. inayos nung bakla yung buhok ko ng nakataas at saka ako nilagyan ng make up. "ano ba to engagement party agad?" tanong ko sa nag aayos sakin. "ay maam wala po akong alam dito ang sabi lang sa akin ni sir nico ay ayusan ko kayo."hindi na ko nag tanong pang muli. after 1hr or 2? hindi ko na alam basta ako nag aabang nalang sa mangyayari. tinakpan ulit ako nung bakla pero hindi masyadong mahigpit para daw hindi magulo ang ayos ko pero sobrang dilim wala pa din akong makita. dahil sa palagay ko ay patay nanaman  ang ilaw. pinasuot nya sakin ying mabigat na damit siguro ang bongga nito? nag lakad na naman kami ngayun ay may naaaninag na kong ilaw parang white na mayellow na ko ewan. ihininto ako nung bading at bumulong ng "enjoy your night maam." may lumapit sakin tinanggal yung piring si mommy at daddy iginala ng mata ko ang aking paningin. naiyak na ko sa aking nakikita i'm wearing a wedding gown yung nakita ko sa shop na hindi maiwan ng mata ko at ang buong paligid ay yung mga malalapit naming kaibigan at kamag anak. lahat sila ay nakangiti at nag papalakpakan. yumakap ako kay mom at dad naka ngiti sila bakas ang saya sa kanilang muka. nakita ko naman si nico na naiiyak na din sa harap nag altar iniintay ako. ikinabit na ni mommy yung belo ko at nag lakad na kami na kay nico lang ang mata ko. hanggang ngayun ay hindi pa din ako makapaniwala kanina ay nag proposed lang sya ngayun ay ikakasal na kami.


ng makalapit ako sa kanya ay kinuha na nya ang kamay ko kila mommy at ng mano sya sa mga ito. hinampas ko sya sa tyan ng mag kalapit kami. tatawa tawa lang sya "surprised?" bulong nya sa tenga ko.


nag seremonya na yung pari at mag sasabihan na kami ng vows.


Nico: honey alam kong na bigla kita. kahit hindi mo sinasabi nararamdaman kong nag tataka kana kung bakit hindi pa rin kita ihinaharap sa altar iyon ay dahil dito. nag isip ako ng paraan kung paano kita mapapasaya sa kabila ng lahat ng sakit na naramdaman mo noon. ipinapangako kong ikaw nalang kayo ni earl at ng iba pa nating magiging anak.( nag tawanan yung mga bisita) mahal na mahal kita yung pag mamahal ko sayo walang kahit na anong bagay ang maka hihigit. ikaw lang babaeng mamahalin ko ng tapat at pang habang buhay.



Rica: honey sa mga oras na to hindi ko talaga alam yung sasabihin ko kasi isa itong pangarap na natupad para sakin. alam mo namang noon pa man ay wala na kong ginawa kung hindi buntutan ka at mag dasal kay lord gabi gabi na sana ikaw na ang ibigay sakin pinakinggan naman nya ko. mahal na mahal din kita wala akong pagsubok na hindi kakayanin para sa ating dalawa. mahal na mahal ko kayo ni earl at hindi ako mag dadalawang isip ibigay lahat ng anak na gusto mo at hindi ako matatakot tumaba.


YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!!

pag sabi non ay nag hiyawan yung mga bisita ng "kiss" ng mag kiss kami ay nag palakpakan na yung mga tao. diretso reception na kami. natapos ang gabi ng isinasayaw nya ko. hindi ko lubos maisip kung gaano ako ka swerte at kasaya. ako na yata ang pinakamasayang babae.




Loving Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon