Trouble 1

897 9 0
                                    

a/n: hello! ito na po ang chapter 1 ng Marriage Trouble, sorry po kung napatagal. Busy po ako :) BTW, hope you like it ^.^

===============================================

"Mine" sigaw ko

"Mine again"

*whistle blows*

"Break muna" sabi ng coach namin

"Galing mo talaga Ashley" sabi ni Grace

"Hehehe, salamat, 'kaw rin" sabi ko.

Papunta na sana ako sa wash room ng biglang may tumawag sa akin.

"Ms. Ashley Torres" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. *sigh*

"Pagod na ba ang pinakamagaling at pinakamaganda kong bestfriend?"

"Loka loka ka talaga. Pagsigawan ba naman ang pangalan ko"

"Hehehe, sorry naman. Namiss lang kita eh"

"OA mo naman, parang di naman tayo nagkita kanina lang"

"Kahit na! Pasalamat ka nga at namiss kita eh"

"Sinabi ko ba kasing mamiss mo ako?"

"Che! Halika na, it's shopping time" sabi niya sa akin

"Ewan ko ba kung paano ako nagkaroon ng bestfriend na Gail dela Rosa ang pangalan" sabi ko sa kanya at tumawa lang siya pagkatapos lumabas ng campus at sumakay sa taxi papuntang mall

"Ash, kumusta na pala kayo ni Jasper?" tanong ni Gail sa akin na ikinagulat ko. Ano na naman nakain nito at 'yan ang tinanong niya sa akin.

"Huh?? S-si Jasper? Okay lang naman, we're still friends"

"After the---"

"Yeah! Tapos na 'yon Gail di ba at limang buwan na ang lumipas"

"I know pero masakit rin 'yong nangyar, di ba?"

"Yeah, pero wala na tayong magagawa tsaka, nakamove on na kaming dalawa"

"Sigurado ka ba?" tanong niya

"What do you mean?"

"W-wala, don't mind it. Ang akin lang, sayang kasi Ash eh, alam mo kung ako ikaw----" pinutol ko agad 'yong sasabihin ni Gail

"Stop it Gail, tapos na 'yan. Kung maiibabalik ko lang nga sana ang panahon eh"

"Hay! Nandito na pala tayo" sabi niya saka kami bumaba sa taxi

Nandito kami sa mall ngayon ni Gail. Shopping diyan, shopping doon. Shoppaholic talaga ang babaeng ito, nahahawa tuloy ako.

"Di ka pa ba napapagod?" tanong ko sa kanya

"Last na 'to, promise" sabi niya

"Gutom na gutom na ako, Gail" pagrereklamo ko

"Last na talaga 'to. Magbabayad lang ako"

"Okay, bilisan mo" sabi ko

Pagkatapos niyang magbayad  ay lumabas na kami at kumain sa isang fast food chain syempre libre niya, siya nagyaya eh, alangan naman na ako magbayad.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon