Trouble 33

93 0 0
                                    

[Ralph's POV]

"Lasing ka na" sabi ko saka ko inagaw sa kanya 'yong iniinom niya. Ghad! Bat ito yong ininom niya eh ang lakas ng tama nito. Kahit konti lang ang iinomin mo dito tatamaan ka talaga. Tss, ano bang nangyayari sa kanya?

"Ralph! Bat ba ang manhid mo?" sigaw niya ulit

"Bat ba napakamanhid ko mo??" sabi niya saka niya ako pinagsusuntok sa may dibdib habang umiiyak siya.

"Ashley, lasing ka na. Uwi na tayo"

"Bat ba ganyan ka ha? Bat ba sa tuwing nakikita kita palagi ka na lang may kasamang babae? Hindi mo ba napapansin na nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi mahal kita, nagseselos ako kasi mahal kita Ralph! Mahal na mahal kita" sabi niya habang patuloy na nahuhulog ang mga luha sa mga mata niya. Bigla ko siyang hinila at niyakap.

"This is *sob* all your *sob* fault" sabi niya. Mas lalo kung hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"S-sabi mo *sob* h-hindi ak-ako pwedeng mainlove sayo p-pero i-ikaw mismo ang nagbigay ng motibo p-para" she pauses for a while "P-para ma-mahu *sob* mahulog ang l-loob ko sa *sob* yo"

"Ashley"

"I-ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan" sabi niya pagkatapos ay lumayo sa akin at naupo at tumungga ulit siya.

"Ashley, stop it!" suway ko

Tinignan niya ako sa mata. Makikita mo sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. "Kunwari, masya ako. Kunwari, wala akong problema at di ako nasasaktan. Kunwari, nasa langit ako. Ok lang ba na isipin ko na kunwari mahal mo din ako? Kunwari lang naman eh" sabi niya pagkatapos ay bigla niyang isinubsob ang ulo niya sa may mesa. Agad ko siyang nilapitan at hayun, tulog na siya. Tsk! Iinom inom kasi, hindi naman kaya. Hay, naaawa ako sa kanya.

"Patulugin mo na lang siya sa isang kwarto dito" -Bri

"Hindi na kelangan, iuuwi ko na lang siya" -ako

"Sigurado ka?" paninigurado ni Nathan at tumango lang ako. Nilapitan ko na si Ashley tsaka ko siya binuhat palabas ng hotel at pumunta kami sa parking lot. Pinahiga ko siya sa may passenger seat at sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan pabalik sa bahay.

Ilang minuto ang lumipas ng makarating kami sa bahay, agad ko siyang binuhat at dinala sa kwarto niya at pinahiga ko siya sa kama niya. Pinagmasdan ko si Ashley tapos bigla na lang nagflashback sa isipan ko ang mga nangyari kanina. "I'm sorry Ashley" sabi ko saka ko hinaplos ang pisngi niya

"Ayoko na mahulog ang loob mo sa akin dahil alam ko na sa huli, masasaktan ka rin"

"I'm sorry" I said then I kissed her forehead.

[Ashley's POV]

Somai! Shemay! Sopao! Ang sakit ng ulo ko, parang sasabog. Ugggghhh!! Napahawak ako bigla sa ulo kasi feeling ko anytime ay sasabog ito. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na nandito ako sa kwarto ko at hindi lang 'yan, iba na rin ang damit ko. Waaahh! T-teka, ano bang nangyari kahapon? ang natatandaan ko ay pumunta kami sa Venice Hotel kasi birthday ng asawa ng kaibigan ni Ralph, pagkatapos nakausap ko 'yong babae tapos kumain ako tapos hinanap ko si Ralph tapos. Ugggghhh!! Ang sakit ng ulo ko. Wala na akong matandaan.

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto ko kasi nagugutom ako. Papunta na ako sa kusina ng makita ko si Ralph na busy na nagkakape habang nagbabasa ng newspaper. "Gising ka na pala" sabi niya saka siya humigop sa kape niya.

"Magkape muna ng magising ka naman ng konti" -Ralph

"T-teka, uminom ba ako kahapon?" tanong ko

"Oo"

"Nalasing ba ako?"

"Oo"

"May ginawa ba ako kahapon na nakakahiya? May sinabi ba ako sayo?" tanong ko

"Oo"

"Ikaw ba nag-uwi sa akin dito?"

"Oo"

"Ikaw din ba ang nagpalit ng damit ko?"

"Oo---Hindi!"

"Sino??"

"Pinapunta ko si Gail dito"

"Ah" ang tangi kong naisagot.

"Pagkatapos mong kumain, maligo ka ng mahimasmasan ka ng konti tsaka para hindi ka amoy alak. At sa susunod, wag kang iinom kung hindi mo naman kaya" sabi niya saka siya tumayo at pumasok sa kwarto niya.

Hay! Bat ba kasi wala akong maalala sa nangyari kahapon?? Pesteng utak naman 'to!

Kumain na ako pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko para maligo. Sabado ngayon at tinatamad akong umuwi kina mama. Since sa Tuesday na 'yong final exam namin ay kelangan ko ring magreview. Si Ralph naman hindi na rin daw siya uuwi kasi nga gaya gaya siya. Pero tama na rin 'yon ng may kasama naman ako dito tsaka para may kasama akong magreview.

"Arrgggh! Ang sakit ng ulo ko" reklamo ko

Halos isang oras na rin kaming nagrereview ni Ralph. Ako, nakadapa sa sofa samantalang siya ay nakaupo sa may sahig habang nakasandal siya sa sofa. Seryoso lang siya na nagbabasa ng mga notes niya at hindi lang 'yan, naka suot pa siya ng glasses and I find it cute. Oo, ang cute niya kapag may suot siyang glasses tapos idagdag mo pa 'yong pagkaseryoso niya. Ang cool *u*

"Magreview ka na lang diyan, hindi 'yong tinititigan mo ako" -Ralph

"Eh? Hindi naman kita tinititigan eh" sabi ko saka ko tinignan 'yong mga notes ko. Shemay, nakakahiya 'yon >/////< Stop staring him Ashley, baka matunaw pa siya ^______________^

After a couple of minutes.

"Ashley"

"Hmm?" sabi ko saka ko siya tinignan.

OMO!!

*gulp*

Ang lapit ng mukha niya. "B-bakit?" tanong ko

"Wala ka ba talagang naaalala kahapon?" tanong niya pero umiling ako. Huminga siya ng malalim saka siya lumayo ng konti. "Mabuti naman" sabi niya

"Teka, may nangyari ba kagabi? Nageskandalo ba ako doon?" tanong ko pero umiling siya "Eh ano?"

"Wala, wag mo na intindihin 'yon. Mas mabuti na rin 'yon na hindi mo maalala" sabi niya pero nakatingin lang siya sa notebook niya.

Hmmm, ano ba talaga ang nangyari kagabi??

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon