Trouble 50

249 0 0
                                    

Napa aga ang update. Inaantok na kasi ako :3

Finally! Last chapter. Napost na rin ung Epilogue. Ayoko na kasing paabutin pa ang story na ito next year.

---

"Ano po?" hindi makapaniwalang tanong ko sa mama niya.

"Hija, isinugod si Ralph sa hospital. Nasa emergency room pa siya ngayon"

"Ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Binugbog siya Ashley at critical na ngayon ang kalagayan niya" maiyak iyak na sabi ni tita Karen. "Please Ashley, puntahan mo siya. Ralph needs you right now" pakiusap niya. Napapikit ako tsaka sumagot. "San pong hospital?"

Nang matapos niyang sabihin kung saang ospital isinugod si Ralph ay agad akong lumabas ng kwarto ko. "Ashley, nabalitaan mo na?" tanong ni mama sa akin. Napayakap ako sa kanya at nagsimula na rin akong umiyak. "Ma, please. Let's go to the hospital"

Habang nasa loob ako ng sasakyan ay hindi ako mapakali. Sana okay lang si Ralph. Ilang minuto ang lumipas ng makarating kami sa hospital. Agad akong tumakbo papunta sa may ER at nakita ko doon ang mama at papa niya. "Tita" I called them. Napatingin sila sa direksyon ko at agad nila akong nilapitan at niyakap. "K-kumusta na po si Ralph?" utal kong tanong sa kanila. Imbes na sagutin ako, tinuro nila ang ER. Nakaupo lang kami at hinihintay na may lumabas na doctor. Bigla akong tumayo at pumasok sa maliit na chapel at nagdasal ako.

"Lord, please not right now" paninimula ko. "Sana maging okay si Ralph, sana walang masamang mangyari sa kanya. Lord, bakit ganito? Bakit kailangang mangyari sa kanya ang ganun? Bakit kelangang humantong sa ganito? Bakit kelangang may masaktan pa sa amin? Bakit kelangang may maghirap pa para lang maayos 'tong problema na 'to? Panahon, 'yon lang naman ang hinihingi ko, pero b-bakit kelangang mangyari ang lahat ng 'to??" maiyak iyak na sabi ko. Halos kalahating minuto akong nakatambay sa chapel at patuloy na nagdarasal na sana maging okay na si Ralph ng maisipan kong bumalik. Wala pa ring doctor na lumalabas sa ER.

Isang oras, dalawang oras... Limang oras na ang lumipas wala pa rin. Tulog na sila samantalang ako, hinihintay pa rin ang paglabas ng mga doctor. Ilang minuto ang nakalipas ng marinig kong tila nagbukas ang pintuan ng ER kaya napatayo agad ako at sinalubong ang doctor.

"Kumusta na po siya?" tanong ko saka ako nagcross arms.

"Mabuti na siya hija pero wala pang kasiguraduhan kong kailan siya magigising"

Nagulat ako sa sinabi ng doctor. What? "Hija, masyadong malakas ang impact ng pagkakabugbog sa kanya. Mabuti na nga lang at naisugod siya agad kung hindi baka nawalan na siya ng hininga"

Nagpaalam na ang doctor ako naman unti-unti akong napapaupo sa sahig. Napatakip ako ng bunganga at napahagulgol na ako. Iyal lang ako ng iyak. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Ito ba? Ito ba ang kaparusahan ng lahat ng sakit at hirap na dinanas naming dalawa? Bakit ba ang unfair ng buhay? Hindi ba pwedeng, happy ending na lang ang lahat. Hindi 'yong kailangan pang may madisgrasya para sumaya ulit kami. Hindi ko namalayan ng dahil sa pagod ko sa pag-iyak ay nakatulog ako.

Nagising ako ng dahil sa paggising nila sa akin. "Anak, uwi ka muna sa bahay para naman makapagpahinga ka. Tatawagan ka na lang namin kung gising na si Ralph" sabi ni mama sa akin. Umiling ako bilang pagprotesta sa sinabi niya. "No ma, hindi ako aalis dito hangga't hindi gumigising si Ralph. Gusto ko, gusto ko pagmulat ng mga mata niya ako agad ang makikita niya. Please ma, let me stay here" pagmamakaawa ko. Hindi na nagsalita si mama at hinayaan na lamang ako. Nailipat na rin si Ralph sa isang private room. Nang makalabas na ang mama ni Ralph sa kwarto niya ay agad ko silang nilapitan. Mukhang pagod sila kaya pinauwi ko muna sila at ako na lang ang magbabantay kay Ralph. Unti unti kong binuksan 'yong pintuan ng kwarto ni Ralph at pumasok na ako. Agad ko siyang nilapitan at nung tinignan ko siya, hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa kalagayan niya ngayon. Mahimbing siyang natutulog at may mga pasa pa siya sa mukha. Napapikit ako habang hinawakan ko ang kamay niya. Ang init ng mga kamay niya. "Ralph, please magising ka na. Miss na miss na kita"

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon