Trouble 31

114 0 0
                                    

[Ashley's POV]

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nalaman kong may long lost crush pala si Ralph. Oo, nasaktan ako kasi nung kwenento niya 'yong babae ay makikita mo ang ngiti sa mukha niya. Hay! Wala talagang pag-asa na magkagusto si Ralph sa akin. Tss, bat ba ako nagdadrama. Eh paki ko ba kung hindi niya ako gusto? Tsk!

October na pala at isa lang ang ibig sabihin nun, malapit na ang sembreak at dahil October na finals na naman. Psssshhhh! Sasakit na naman ang ulo ko dahil sa kakareview -____-

Oo nga pala, nakakapaglaro na rin ako ng volleyball kasi sabi ng doctor, pwede na raw akong maglaro pero wag lang sobrahan ^_______^

"Ash, may nagpapabigay" -Nicole

At heto na naman ang mga pesteng regalo ng 'secret admirer ko'. Naiinis na nga ako minsan eh, paano ba naman kasi eh halos araw araw may binibigay siya sa akin at kung ano ano pang kaeklabushan na mga sulat. Hindi naman sa mean ako doon sa 'secret admirer ko' pero hindi ba niya alam na may asawa na ako at mahal na mahal ko ang asawa ko. Oo, mahal na mahal ko siya kahit alam ko na wala siyang nararamdaman sa akin. Wow! Life is so ironic (-.-) Pero ganyan naman talaga ang buhay eh, hindi naman ibig sabihin na kapag mahal mo ang isang tao ay mamahalin ka rin nito gaya ng pagmamahal mo sa kanya.

Kinuha ko naman 'yong maliit na box kay Nicole saka ko ito binuksan. Well, sulat lang naman ang nakalagay. Itatapon ko na sana ng something caught my eye.

~.~.~.~.~.~.~

Hi, wanna meet me personally?

Magkita tayo sa Fritzi Coffee Shop at 4pm. Hihintayin kita doon ;)

Love,

IronMan :)

~.~.~.~.~.~.~.~

Agad kong tinignan si Nicole. "Pupunta ba ako?" tanong ko but she just shrugged her shoulders.

Siguro nga dapat na pumunta ako nang sa ganun ay masabi ko na sa kanya ng diretso. At syempre, para makita ko kung sino 'tong 'secret admirer ko'

Ang bilis ng oras at 4pm na. Nasa may labas na ako ng gate namin at nagdadalawang isip kong pupunta ba ako o hindi kasi baka mamaya ay masamang tao pala siya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa Fritzi Coffee Shop. Malapit lang 'to dito eh. After 8 minutes ay nakarating na ako at nasa harapan na ako ng coffee shop.

Hingang malalim Ashley. Be positive!

Pagbukas ko ng pintuan ay may lumapit sa akin na isang waiter "Are you Miss Ashley Torres?" tanong niya at tumango ako. "This way ma'am" turo niya sa may direksyon na kung saan ay may isang tao na nagbabasa ng newspaper. Di ko makita kasi natatakpan siya nung newspaper.

"Hi, s-sorry I'm late" sabi ko

"It's okay. Have a seat" sabi niya saka niya tiniklop ang newspaper. Laking gulat ko ng makita ko kung sino 'yong nasa harapan ko. It's him, Jerome Evangelista.

"Aalis na ako" paalam ko

"Wait, have some coffe first" alok niya

"Thanks, but no thanks. Baka mamaya may kung anong lason pa 'yan"

"Bat ba ang sungit mo sa akin?" tanong niya

"Kasi naiinis ako sayo. Hindi na nga kita kinakausap sa tuwing pumupunta ka sa campus namin eh tapos ano? May pasecresceret admirer ka pang nalalaman diyan. So sa tingin mo mahuhulog ako sa mga pinaggagagawa mo? No! So please, tigilan mo na ako kasi may asawa na ako" sabi ko saka ako tumayo at nagsimula nang maglakad. Napatigil ako ng bigla siyang nagsalita.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon