Trouble 12

173 1 0
                                    

a/n: sorry ngayon lang po ako nakapag update. Sorry talaga. Sorry :3

Vote.Comment.Enjoy Reading!! Thank you :">

[Jasper's POV]

"Ang ibig kong sabihin, malapit na rin naman ako sa village namin. Una na ako" paalam niya at tumango lang ako.

Pinapanood ko lang siya habang unti unti siyang nawawala sa paningin ko. Ashley, mahal pa rin kita hanggang ngayon. Alam mo ba, umaasa ako na isang araw lalapitan mo ako tapos sasabihin mo na mahal mo rin ako pero mukhang hindi na 'yon mangyayari. Kasal ka na, at alam kong mahal na mahal mo siya kasi hindi mo naman siya papakasalan kung hindi mo talaga siya mahal. Pero Ashley, kahit na anong mangyari nasa tabi mo pa rin ako, nandiyan pa rin ako sa tabi mo bilang BESTFRIEND mo :'(

SHET! Ano ba tong pinagsasabi ko??!! Ang emo ko naman, nagmumukha tuloy akong bakla!

Papalapit na ako sa village namin ng kapain ko 'yong bulsa ko at napansin kong wala 'yong phone ko. Shet! Naiwan ko sa may locker ko. agad agad akong tumakbo pabalik sa campus namin. At dahil sa sobrang bilis ko sa pagtakbo hindi ko namalayan na may nakatayo pala sa may gate.

"DARN!" sigaw niya

"Tignan mo naman ang dinadaanan mo! Muntik ng mahulog ang cellphone ko, mabuti na lang at nasalo ko" dagdag pa niya

"Oh, I'm sorry bro nagmamadali kasi a--- Ralph de Guzman, right?" tanong ko

"Ako nga at ano naman ang kinalaman ko diyan sa jhersey shorts mo?"

"Ah, I'm Jasper Lim, Ashley's bestfriend"

"So?"

Angas nito ah. "Not just that, I'm also his ex-boyfriend"

"Who cares. I'm not asking anyway" sabi niya saka siya nagsmirk. Tss, ang yabang niya talaga! Paano siya nagustuhan ni Ashley??!!

I smiled at him "I'm just informing you" sabay pat sa balikat niya

"Really? Well thanks for that information"

Nakakabwisit na 'tong lalaking 'to! Sarap bugbugin! "Hmm, I heard you're a playboy" Linapitan ko siya at binulungan.

"Pagsinaktan mo si Ashley, hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo" sabi ko saka na ako nagsimulang naglakad papasok sa campus namin ng magsalita siya.

"Tinatakot mo ba ako?"

Tumingin ako sa kanya "Hindi, binabalaan lang kita"

[Ralph's POV]

Ang yabang ng lalaking 'yon ah. Pakialam ko kung mag ex sila ni Ashley! Si Ashley lang ba ang may ex, ako din! Ang dami pa nga eh. Bwisit talaga ang lalaking 'yon. Tinignan ko ulit 'yong phone ko para tawagan si Ashley.

Contacts.. Asawa Ko

Ang totoo po niyan, si Nathan po ang naglagay diyan, kabarkada ko siya. Siya lang rin naman ang nakakaalam na fake lang lahat ito. Siya rin ang nagturo sa akin na tawagin ko daw si Ashley na Asawa Ko kasi endearment daw namin 'yon. Ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng endearment eh. Pssh, siya rin ang tumutulong sa akin kung ano ang ginagawa ng isang asawa kasi siya lang naman ang may experience sa aming magbabarkada. Actually may asawa na siya, three years na yata silang kasal. And according to him arranged marriage lang daw 'yon. Wow! Uso pa pala 'yong arranged marriage dito sa Pilipinas. Tsk! Tsk! Siya nga rin pala ang nagsuggest na mas maganda daw kung manirahan kami sa iisang bahay at syempre dahil nga sa wala akong kaalalam tungkol diyan, sinunod ko na lang ang sinabi niya. And speaking of Nathan, alam niyo ba na mas masahol pa siya kesa sa akin. Kahit na may asawa siya nambabae pa rin siya kaya nga bilib kami sa asawa niya eh at natitiis niya 'yong pinaggagawa ni Nathan. Hay! At tingin ko lang ah at tingin naming magbabarkada, nahulog na yata ang loob ni Nathan sa asawa niya eh. Tsk! Tsk! Ayaw pa kasi aminin.. Ay wait! Bakit ko na kwenekwento 'yong buhay ni Nathan eh story ko ito. Tsk! Tsk! Ano ba 'yan ang dami dami kong sinasabi! Nakakabakla tuloy.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon