Trouble 28

125 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas at tatlong araw din akong nagstay dito kina mama. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nung nag-away kami ni Ralph. At sa tatlong araw na 'yon, hindi pa rin kami nagkakabati ni Ralph. Hindi niya rin ako kinakamusta, hindi man lang niya ako binibisita ni blank message nga wala akong natatanggap mula sa kanya. Pssshh, talagang siya pa ang may ganang magalit pero echos lang 'yon. Nagkabati na rin naman kami ni Ralph eh, the day after nung away namin. Pumunta siya dito sa bahay kasi daw namimiss niya ako at hindi niya rin daw ako matiis. Opo, kinilig po ako :""""> Kwenento niya rin 'yong tunay na nangyari sa *toot* nila nung babae na 'yon. At first, hindi ako naniwala kaya nagtampo siya, ang sabi niya hindi na lang daw sana niya kwenento kasi hindi rin lang daw ako naniwala pero sa huli naniwala pa rin ako sa kanya pagkatapos nun, bati na ulit kami. Monday ngayon at pwede na rin akong pumasok. Nasa labas na ako ng bahay at si Ralph na lang ang hinihintay ko. Siya kasi maghahatid sa akin. Uuwi na rin ako sa bahay namin ni Ralph *^____^*

"Tagal mo ah" reklamo ko kay Ralph

"Sorry, pasok ka na" sabi niya at ganun ang ginawa ko

Habang nasa biyahe kami, as usuall, tahimik pa rin kaming dalawa. Well, parang di naman kami nasanay.

"Bye" paalam ko kay Ralph

"Sunduhin kita mamaya, text mo lang ako"

"Okay" saka na ako lumabas ng sasakyan at pumasok na ako.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito. Bakit sa dinami rami ng pwede kong puntahan, sa gym pa. Hay! Habang papasok ako ay nakita ko ang mga kateam mate ko na nagprapractice. To be honest, hindi ko maiwasang hindi maiingit sa kanila. May nahanap na rin silang kapalit ko. Although, pwede na akong maglaro kasi medyo okay na rin naman 'yong paa ko pero hindi pa rin nila ako pinayagang maglaro. Ilang minuto rin akong naupo sa may bleachers ng maisipan kong umalis na. Palabas na ako ng tinawag ni Grace ang pangalan ko dahilan para mapalingon ako sa kanya at nakita ko siyang papalapit sa akin.

"Hi" -ako

"Kumusta ka na?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa may bleachers.

"Okay naman. Kayo? Kumusta ang practice niyo?"

"Heto, medyo nag-aalala pa rin. Baka nga hindi kami manalo eh kasi wala ka"

I tapped the back of Grace "Kaya niyo 'yan kahit wala ako. Kaya nga team work di ba? I believe in you Grace, mananalo ang team natin. I promise" sabi ko at nginitian niya lang ako. Nagkwentuhan rin kami kasi dumating pa 'yong iba kong kateam mates. I miss them, so much >3< Makalipas ang ilang minuto na pagkwekwentuhan namin ay naisipan ko nang umalis.

"Sige, sa susunod ulit" paalam ko sa kanila

"Bye" sabay sabay nilang sabi

Bumuntong hininga ako saka ko sila nginitian. "Bye" after that lumabas na ako ng gym at pumasok na ako sa first class ko. Pagpasok ko pa lang ay agad na nila akong nilapitan at kunwari ay nag-aalala daw sila sa akin. Pssshh, if I know karamihan sa kanila natutuwa pa sa nangyari sa akin eh. Lalo na sa mga babae. Yeah! Mga babae. Simula kasi nung nalaman nila na asawa ko si Ralph, marami nang babaeng nainis sa akin. Well, hindi naman nila sinasabi na naiinis sila sa akin but, halata naman sa galaw nila eh. Hello, action speaks louder than words -________-

Sinabi ko na lang sa kanila na okay na ako kaya wag na silang mag-alala masyado pagkatapos nun. Poooff! Bumalik na sila sa mga upuan nila. Tsk! Mga plastik talaga >____________<

Pumunta na rin ako sa upuan ko at wow! Magclassmate pala kami ni Nicole, 'yong gf ni Jasper.

"Hi. Kumusta ka na?" -Nicole

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon